Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

HOMILY OF
HIS EMINENCE LUIS ANTONIO CARDINAL TAGLE
LAUNCHING OF YEAR
OF THE PARISH SANTUARIO DE STO. CRISTO
SAN JUAN CITY
NOVEMBER 26, 2016

SHARE THE TRUTH

 293 total views

Tayo po ay magpasalamat sa Panginoon sa pagsapit ng araw na ito at sa atin pong pagtitipon, makulay iba-ibang kulay subalit nagsasama-sama bilang iisang sambayanan. Huwag po nating kalilimutan ang mga kapatid natin na itong mga nakaraang araw ay dumanas din ng hagupit ng bagyo na si Marce. Ipanalangin po natin sila, ang mga nasa Mindanao at kabisayaan, ipanalanagin din po natin yung mga kapatid natin na patuloy pang bumabangon sa pananalasa na naman ng bagyo sa Norte.

Bahagi po yan ng pinagdiriwang po natin at binubuksan na taon ng parokya. Taon ng pagbubuklod, ang parokya bilang communion of communities, pagbubuklod, pagsasama-sama ng mga maliliit na sambayanan. Ang araw pong ito ay ang huling araw ng kalendaryong liturhiko bagaman at sa kalendaryong civil ang huling araw po ng taon ay Decemeber 31, para po sa kalendaryo ng simbahan ngayon ang huling araw. Bukas ay simula na ng bagong liturgical year. Binubuksan natin bukas ang panahon ng adbiyento ang ating paghahanda ng may pananabik at pag-asa sa pagsilang ng ating manunubos. At nakakatuwa po habang isinasara natin sa araw na ito ang isang kalendaryo at bubuksan bukas ang bagong kalendaryo, binubuksan naman natin ngayon ang bagong taon para sa taon ng parokya na bahagi ng paghahanda ng buong bansang Pilipinas sa pagdiriwang po ng 2021, dahil sa 2021 ay 500 anniversary ng pagdating ng kristiyanismo sa Pilipinas.

Kaya taun taon ay tayo ay mayroong tutok bilang paghahanda sa malaking biyaya ng pagdating ng pananampalataya dito sa ating bansa. Ang parokya, bilang pagbubuklod ng mga munting sambayanan. Sa buong taon po na darating mapupuno ang ating kamay kaya paghuhubog, mga programa ng mga pagpapalalim ng temang ito. Hayaan po ninyo na magbigay lamang ako ng iilang pahiwatig para sa panimula at para po sa ating patuloy na pagninilay. Una po pagbubuklod communion ano ba ito? Ano ba yung pagbubuklod na hinihingi sa atin bilang parokya at bilang mga mumunting sambayan o B-E-C. Yun pong salitang communion na sa bibliya ay koinonia, ibig sabihin po bagamat magkakaiba tayo mayroon tayung mga bagay na sama-samang pinanghahawakan. Kaya sa communion bago natin tingnan, ano yung pagkakaiba ang una natin munang tanungin saan ba tayo magkakasama? Kasi kalimutan ang ating nakikita ay ano yung pagkakaiba kapag ganun agad ang ginawa, diyan ka dito ako! Pero sa communion ang unang tinatanong saan ba kami magtatagpo? Saan ba kami may pagkakasamasamahan? Halimbawa yung mga mahilig uminum nagbubuklod buklod dahil mahilig silang uminum. Yung mga tsismoso nagbubuklod-buklod dahil pare-pareho sila ng hilig magtsismis. Pero hindi ganyan ang parokya. Ano ang magbubuklod sa parokya, sana naman hindi inum hindi sugal hindi tsismis, ang nagbubuklod sa parokya ay kinakanta natin, isang pananampalataya, isang pagbibinyag, isang panginoon, angkinin nating lahat. Binubuklod tayo ng iisang salita ng Diyos, binubuklod tayo ng iisang eukaristiya, binubuklod tayo ng banal na esperitu santo, katulad nga sa unang pagbasa ay parang tubig na dumadaloy para tayo ay maging masagana.

MGA kapatid sa taon ng parokya at communion paigtingin natin ang ating pagbubuklod, magkakaiba tayo ng salita, magkakaiba tayo ng estado sa buhay, magkakaiba ng pinanggalingan, magkakaibang parokya, magkakaibang vicariate, pero mas marami ang ating pagkakasama sama keysa sa ating pagkakaiba at ang ugat ng pagbubuklod ay ang pananampalataya, iisang salita ng Diyos, iisang sakramento, iisang esperitu, iisang simbahan. Kaya ang taong darating sana ay paghahanap saan tayo magtatagpo sa halip na saan tayo maghihiwalay. Napakadali ang hanapin saan tayo maghihiwalay? Pero ang panawagan sa atin ngayon kahit mahirap kahit mabigat hanapin pa rin saan ba tayo magtatagpo? Puwede ba ho yun? Kasi pastime daw ei hobby ng ibang tao ang maghahati-hati , napakadaling maghanap ng dahilan para maghiwahiwalay at maghati-hati. Huwag hong ganun sa darating na taon at panghabang buhay, ang hanapin saan tayo magtatagpo? Katulad po ng ilang halimbawa, may nagsabi sa akin madali daw nag- iinit ang ulo niya doon sa nagluluto para sa kanila kasi madaling makalimot sa mga instructions niya kaya kapag tinikman niya yung ulam, naku nakalimutan na naman yung sinabi ko, galit na galit siya. Sabi ko ho naman keysa sa magalit kayo tanungin niyo sa sarili ninyo kayo ba ay nakakakalimot din? oho ay yun pala naman ei yung tagaluto niyo makakalimutin, kayo makakalimutin ei bakit kayo nagagalit magkasama kayo, magkapareho pala naman kayo, ei galit na galit ka sa halip na magalit at itaboy siya sabihin mo huwag kang mag-aalala makakalimutin ka makakalimutin ako magkapatid tayo.

Galit na galit ang mundo ei kasi laging tinitingnan iba siya iba ako iba siya iba ako, diyan kayo dito ako, ei sa bandang huli mas marami ang ating pagkakapare-pareho keysa sa ating pagkakaiba. Hanapin lagi hanapin kahit na mahirap kahit nakakarindi pero hanapin saan kami magtatagpo, at kung wala silang makita tanungin mo na, Naniniwala ka ba kay Hesus ? Oo ayan mayroon pa rin tayung pinanghahawakan, naniniwala ka ba sa eukaristiya? Oo ayan mayroon tayung point of communion. Ikalawa pong pahiwatig, kapag sinabi ring pagbubuklod hindi ibig sabihin nawawala ang uniqueness kasama po ng pagbubuklod ay ang paggalang sa ibat-ibang mga kaloob ng esperitus santo, ang ganda ng kilos ng esperitu santo, ang esperitu santo nagbubuklod pero ang esperitu santo rin ang nagbibigay ng ibat ibang kaloob. Sa lamat sa esperitu santo iisa tayong katawan ni Kristo. Pero sabi nga ni San Pablo iisa ang katawan katulad ng katawan iba-iba ang bahagi. Nakakatakot makasalubong ng isang tao na puro mata, mata,mata mata mata. Nako ano ba yan tao ba yan. Nakakatakot din naman na ang katabi niyo ay puro ilong. Kapag ang katabi niyo ay puro ilong habang nakaupo kayo ay ganyan kay Hesus kasi nahihigop ka lagi. Mabuti yung isa lang ang ilong at mayroong mata may tainga may puso may kamay may paa. Ang pagkakaiba kapag galing sa Espiritu Santo at ibinigay bilang handog para sa kabutihan ng lahat, common good mas maraming natutugunan kaya po ang communion at pagbubuklod ay hindi binubura ang uniqueness natatangi yun ang year of the parish nananawagan din ng participation pakikilahok ayon. Yung ang kanyang pakikilahok. Pakikilahok ayon sa ipinagkaloob ng espiritu santo sa atin.Sabi nga po ng PCP2 ng Circon Generic Council of the Philippines walang tao na ganoon nang kadukha na wala siyang matanggap na regalo mula sa espiritu santo. Lahat may reagalo na maiiaambag sa communion at iwasan din ang pagyayabang kasi lahat tayo dukha. Mayroong handang tanggapin sa ibang tao. Walang tao na ganoon kadukha wala na siyang maibibigay at wala din namng tao na ganun kayaman na lahat na nasa kanya. Meron pa rin siyang kayang tanggapin. Kaya po ang Year of the Parish ay year of generosity, tingnan natin ano ba yung binigay sa atin ng Diyos. Iyan ay binigay hindi para itago hindi parea sa sarili ko lamang kundi para sa ikabubuti ng buong katawan. Communion denounce participation pero para magparticipate suriin ng may kapakumbabaan. Ano ang binigay sa akin na kaloob ng spirito santo? Sino sa inyo ang pinagkalooban ng spirito santo ng biyaya na makapagturo, makapagsalita at makapagbahagi. Sino po? Huwag nyong ikakahaiya yan. Binigay yan ng espirito santo e contribute yan Yung gift ng pagsasalita kaysa sa gamitin sa wala namang kapararakan. Bigay yan ng espirito santo gamitin mo yan!

Maging katekista, maging councelor, maging taga akay ng mga kabataan. Sayang naman ang galing ng pagsasalita kung hindi naiaambag sa kabutihan ng sambayanan. Sino po sa inyo ang nakakakanta nabigyan ng panginoon ng biyaya na makakanta kahit papaano. Ayun ang Dami! Ok po, ayun yung choire wag kayong mahiya wag ka lang kakanta sa banyo. Ialay mo yan ano ho. Sa dami ng mga kantang wala namang minsang saysay yang boses mo ang gamitin mo para ang Diyos ay papurihan. Gamitin mo yang himig para ang pag ibig ay mamayani. Gamitin mo ang iyong paghimig para ang pighati ay maging himig na makarating sa langit. Sino po sa inyo ang may gift? Na makapagluto? Ayun nako marami! Wow! O gamitin yan wag lamang para sa pamilya ninyo. Mag-volunteer kayo sa feeding program. Magvolunteer kayo sa pagpapakain kapag meroong disaster. Mag-volunteer kayo para yang talento ng pagpapakain, pagluluto makapag bigay ng sustansya kalusugan para po sa mga mahihirap. Sino po ang merong gift na magbilang, yung marunong man lang mag addition o subtraction oh ayan parang kakaunti parang mas marami multiplication oh ayun meron kayong ganyang gift gamitin para sa ating paghahanap ng honesty, integrity, tranparency, accountability yung galing sa pagsusuma wag gamitin sa pandadara. Sino ang meroong galing na kumain? Dami. Ano ba ang ating kinakain? Sana gamitin din yang gana. Yung gana sa pagkain na maging magana din magkaroon ng appetite at magkaroon ng caring pananabik para kainin ang salita ng Diyos. Kainin ang katotohanan para ang katotohanan ay maging bahagi ng ating sistema. Inumin ang katarungan. Kainin araw araw ang pag-galang sa kapwa. Yun ang mga pagkain na magpapalusog sa bawat tao, bawat bata, kabataan at sa ating sambayanan. Communion, pagbubuklod saan tayo magtatagpo pero communion participation din. Ang inyong natanggap na regalo wag itago, ibahagi para sa kabutihan ng buong katawan at panglilipo. Ang ating communion parish communion at sa communion of the communities ito po ay merong ding misyon. Hindi lamang po ito yung communion pagbubukluran para tayo ay maging masaya. Yun bang nakatingin ako sayo, nakatingin ka sa akin,magtinginan tayo. Yung iba ganun ang tingin sa communion. Magtitigan na lang tayo. Masaya ako sayo, masaya ka sa akin, masaya lang tayo. Kalimutan na natin ang mundo. Hindi po! Ang communion ng parokya kasabay ay mission. Katatapos lamang po ng year of mercy. Isinara ang taon isinara ang holy bowl pero kailanma’y hindi maisasara ang pintuan ng puso ng Diyos. Ang puso ng Diyos laging bukas. Para sa mahihirap, sugatan, makasalanan. Maaaring isara sa isang seremonya ang holy door dito sa ating parokya ng Sto. Kristo. Isinara ang holy door nung Christ the King noong sunday. Nandoon po ako sa Roma. Nasaksihan ko ang pagsasara ng holy door doon sa Vatican. Pero ang puso ng Diyos hindi maisasara. Bakit? Dahil marami pa ring sugat ang mundo na nananatiling bukas at ang puso ng Diyos kasabay na bukas ng mga sugat ng sangkatauhan. May suggestion po ako, madaling pumasok eh sa holy door. Libo libo ang dumaan sa holy door natin sa Archdiocese of Manila at maraming salamat po, maraming salamat naibahagi ko po yun sa ating Sto Papa at tuwang tuwa siya lalo na nung sinabi ko na bawat jubilee of church ay mayroong act of mercy na tinututukan at sinusuportahan. Pero meron po akong mungkahi sa ating ngayon na parang holy door ay ang mga sugat na nananatiling bukas. Sugat ng mga tinatapakan na tao. Sugat ng mga minamaliit at binabalewala. Sugat ng mga batang nagugutom, sinasaktan, binebenta, pinapabayaan. Sugat ng kabataan na nililinlang ng mga huwad na pangako, mga huwad na larawan ng magandang buhay. Mga sugat sa pamilya dala ng kakulangan ng katapatan. Sugat sa lipunan na nananatiling malaki ang agwat mga mariwasa at mga walang wala. Mga sugat ng mga biktima ng iba’t ibang karahasan kasama na ang natural disaster at ang pang araw araw na disaster dulot ng corruption dulot ng karahasan.

Year of the Parish, ang daming sugat na kailangang pasukin. Pasukin nang may mercy. Pasukin ng may pagdamay. Pasukin upang sa loob ng sugat ng ating kapwa at lipunan matagpuan natin ang isang kapatid. Bawat may edad na nagdurusa ay magulang din natin. Bawat batang nagdurusa ay anak din natin. Ituloy ang year of mercy dahil ang dami pang pintuan ang bukas. Mga pintuan na naghihintay ng compassion, solidarity, communion. Hindi na po salita hindi na salita words are cheap. Lumapit na sa year of the parish sa mga kapitbahay ninyo na alam niyong sugatan. Hindi naman sa pakikialam kundi sa pagdamay lapitan at kahit ipadama na hindi sila nag-iisa. Meron silang kasama may communion mayroong kabuklod. Pagbubuklod saan tayo nagtatagpo. Pagbubuklod participation. Ihandog ang iyong biyaya para sa kabutihan ng lahat at communion bilang misyun dumamay sa sugatan kapitbahay sila, kapatid sila. At doon sa pagdadamayan sa ating kalye, sa ating compound, sa ating baranggay may bagong buhay. Mayroong magiging tugon sa mga problema at pabigat sa buhay. Atin pong ialay sa mahal na Ina ang taong ito napakagandang taon na sumusunod sa year of mercy. Ang year of mercy at ang bunga nito ay atin ngayong isabuhay sa parokya bilang bukluran ng mga maliliit na sambayanan.

Tayo po’y tumahimik sandali at ibukas ang ating puso sa espiritu santo na magbubuklod sa atin sa Ama sa pamamagitan ni Hesus at magbubuklod sa atin sa isa’t isa bilang parokya.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nakamamatay ang kurapsyon

 2,670 total views

 2,670 total views Mga Kapanalig, bago ang eleksyon, may trahedyang naganap sa Ninoy Aquino International Airport.  Dalawa ang namatay at apat ang nasugatan matapos araruhin ng

Read More »

Maghahari pa kaya ang kapayapaan?

 15,118 total views

 15,118 total views Mga Kapanalig, kung gusto natin ng kapayapaan, magsumikap tayo para sa katarungan. “If you want peace, work for justice!” Ito ang paalala ni

Read More »

PH JOB CRISIS

 50,292 total views

 50,292 total views Nakapahirap maghanap ng trabaho., mas lalong mahirap makapasok ng trabaho… Ito ang katotohanan… ang nangyayari… ito ang reyalidad sa Pilipinas, Kapanalig. Ang nakakadismaya

Read More »

WE CANNOT STOP, WE CANNOT GO BACK

 57,697 total views

 57,697 total views Kapanalig, nasaksihan natin bago at sa gitna ng CONCLAVE… hati ang maraming katoliko sa buong mundo, conservative ba o liberal ang mapipiling Santo

Read More »

Bukal ng tubig, bukal ng buhay

 58,743 total views

 58,743 total views Mga Kapanalig, ramdam na ramdam natin ang tindi ng summer heat! Kapag summer, talagang masarap maligo at uminom ng pampalamig, mapawi lang ang

Read More »

SPECIAL ANNOUNCEMENT

One Godly Vote
Simbahan at Halalan - Mid Term Election 2025
Click Here
Jubilee Pilgrimage
Veritas Eucharistic Advocate Pilgrimage
Click Here
Previous slide
Next slide

Related Story

Cardinal Homily
His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle

Palm Sunday Homily

 8,704 total views

 8,704 total views His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle Archbishop of Manila Manila Cathedral Basilica of the Immaculate Conception March 25, 2018 Mga minamahal na kapatid

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top