Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pasko, simbolo ng pagdamay sa kapwa- Cardinal Tagle

SHARE THE TRUTH

 422 total views

Si Hesukristo ang pinaka-magandang regalo na matatanggap ng bawat mananampalataya ngayong kapaskuhan at sumisimbolo ito ng pagdamay sa kapwa.

Ayon kay Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle, ganito kahalaga sa Panginoon ang mga tao na kahit ang kanyang bugtong na anak ay ihahandog para sa kanilang kaligtasan.

Pahayag ng Kardinal, ang pasko ay sumisimbolo ng tagumpay ng Diyos laban sa anumang kasamaan dito sa lupa.

“Taon-taon ating pinapaalaala na ang sentro ng pasko ay ang pagdating ni Hesukristo. Siya ang pinaka-regalo ng Diyos Ama sa atin, para ipahiwatig sa atin na bagamat may mga kadiliman, mga kasalanan, karupukan ay mas matindi pa rin ang pag-ibig, ang biyaya at ang kapayapaan ng Panginoon. Ang pasko ay paghahayag ng tagumpay ng Diyos laban sa kahit anupang kasalanan,” pahayag ni Cardinal Tagle sa panayam ng Radyo Veritas.

Kaugnay nito, pinaalalahanan din ni Cardinal Tagle ang sambayanan na ipagdiwang nawa ang pasko na hindi isang komersyo, sa halip iparamdam sa kapwa ang pagmamahal sa pamamagitan ng pagdamay at pagtulong sa mga nangangailangan.

“Kaya sana ang pasko ay hindi lamang maging komersyo kundi maging talagang karanasang espiritwal, karanasang religious, magnilay tayo paano ko ba naranasan ang tagumpay ng Diyos sa pamamagitan ni Kristo sa buhay ko yun ang pasko, at paano ako magiging daan ng tagumpay naman ni Kristo sa ibang kapwa sa kapwa lalo na sa mga nagdurusa yun ay ang pagse-share at pagbabahagi ng diwa ng pasko,” pahayag pa ng Kardinal.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Huwag palawakin ang agwat

 3,160 total views

 3,160 total views Mga Kapanalig, gaya ng inaasahan, maraming tagasuporta ni dating Pangulong Duterte ang nagtipun-tipon sa kani-kanilang lugar para kundenahin ang pag-aresto at pagdadala sa

Read More »

Sementeryo ng mga buháy

 36,611 total views

 36,611 total views Mga Kapanalig, nasa kustodiya na ngayon ng International Criminal Court (o ICC) si dating Pangulong Duterte. Ilang araw lang pagkatapos siyang ilipad patungo

Read More »

Walang education crisis?

 57,228 total views

 57,228 total views Mga Kapanalig, itinanggi ng Palasyo ng Malacañang na may education crisis sa ating bansa. May isang contestant kasi sa isang noontime show na

Read More »

Hindi sagot ang pag-unfriend

 68,881 total views

 68,881 total views Mga Kapanalig, kumusta ang inyong mga social media feed nitong nakaraang linggo? Punô ba ito ng mga balita, opinyon, o kaya naman ay

Read More »

Katarungang abot-kamay

 89,714 total views

 89,714 total views Mga Kapanalig, pinahahalagahan sa Banal na Kasulatan ang katarungan. Ayon sa Levitico 19:15, “Huwag kayong hahatol nang hindi makatarungan. Huwag ninyong kikilingan ang

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cultural
Veritas Team

Bayanihan, tema ng PCNE 10

 92,127 total views

 92,127 total views Pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advicula ang pagdiriwang ng misa sa pagsisimula ng three-day Philippine Conference on New Evangelization (PCNE)

Read More »
Cardinal Homily
Veritas Team

A listening Shephered to the flock

 61,128 total views

 61,128 total views AUDIAM- I will listen Ito ang commitment ni Jose Cardinal Advincula bilang Arsobispo ng Archdiocese of Manila. Sa kanyang homiliya, inihayag ni Cardinal

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top