Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 415 total views

8th Sunday of Ordinary Time Cycle C

Sirach 27:5-8 1 Cor 15:54-58 Lk 6:39-45

Ang isang katangian ng panahon natin ngayon ay nadadala tayo ng maraming gawain. Napakabilis ng takbo ng panahon. Napakaraming gagawin. Kaya palaging busy ang tao. We run from one activity to another. Tinatawag ito na activism. Hindi tayo nanahimik. Dahil sa kabisihan na ito, maaaring hindi na tayo marunong tumigil at magsuri. Ito ay totoo hindi lang sa ating mga trabaho kundi pati na rin sa ating paggamit ng social media. Sa napakaraming impormasyon na natatanggap natin, alam ba natin alin dito ang totoo at mahalaga? Kaya ngayong halalan, hinihikayat tayo na magkaroon ng circles of discernment. Magsama-sama tayong magsuri upang alamin ano ba ang totoo at ano ba ang nakabubuti sa bayan.

Ang masama sa activism, maaaring gawa nang gawa tayo na hindi na natin alam ang nangyayari sa atin. Ang ating atensiyon ay nakatuon na lang sa mga deadlines na dapat gawin. Baka nga hindi na natin kilala ang ating sarili mismo. At maaari pa na tayo mismo ay naloloko na ng ating sarili. We can fall into self-deception, na parang ok tayo pero hindi na pala. Kaya hinihikayat tayo ng mga spiritual leaders na magkaroon ng regular na examination of consciousness. Kung gusto nating maging spiritually mature hinihikayat tayo na magkaroon ng madalas na pagsusuri ng ating budhi. Suriin natin hindi lang ang ating ginagawa kundi pati na rin ang ating mga motibo at mga nag-uudyok sa atin na gumawa. Alamin natin ang binubulong ng Diyos sa ating kalooban. Huwag lang tayo magpadala sa trabaho o sa panlabas na gawain. Manahimik at tumingin tayo sa sarili.

Maaaring mangyari na hindi natin namamalayan na lumilihis na tayo ng landas, na tayo pala ay nililinlang na. Paano tayo makakagabay sa iba kung tayo mismo ay hindi nakakakita ng maayos? Iyan ang sinasabi ni Jesus sa bulag na nag-aakay sa bulag. Pareho silang mahuhulog sa butas. Iyan ang sinabi ni Jesus tungkol sa nag-aalok sa iba na tanggalin ang puwing sa kanilang mata, at may nakabalandra palang troso sa kanyang sariling mata. Hindi tayo makakatulong sa iba kung hindi natin kilala ang ating sarili. Magdadagdag lang tayo sa kalituhan ng iba. Kaya tumingin muna tayo sa ating sarili. Suriin natin at kilalanin ang sarili upang makagabay tayo sa iba. Sana nagbibigay tayo ng liwanag at hindi nagdadagdag sa kadiliman ng mga tao.

May mga palatandaan upang makilala natin ang ating sarili. Una, sinabi ni Jesus na malalaman mo ang puno ng kahoy sa kanyang bunga. Ang puno ay avocado kasi nakikita mo na ang bunga ay avocado, at hindi mangga. Maganda ang variety ng puno kasi matamis ang bunga niyang guyabano. Ganoon din sa atin. Malalaman natin ang ating pagkatao sa uri ng ating pamumuhay. Kung palagi tayong sumisigaw at naiinis sa iba, marahil puno ng lason ng galit ang ating budhi. Kung takot ang naghahari sa atin, siguro kulang tayo sa pananalig sa Diyos. Kung tayo ay mapagpasiyensiya marahil mahinahon at mapayapa ang ating budhi. Tingnan po natin ang ating buhay at ang ating ugali at mas lalo nating makikilala ang ating sarili. Kapag nakilala na ang sarili mabibigyan na natin ng direksyon ang ating buhay at makakagabay tayo sa iba.

Pangalawang paraan upang makilala ang ating pagkatao, sabi ni Jesus: “kung ano ang bukam-bibig, siyang laman ng dibdib.” Ito rin ang narinig natin kay Sirach sa ating unang pagbasa: “Ang pagkatao ng sinuma’y makikita sa usapan… Sa pangungusap ng isang tao, damdamin niya’y nahahalata.” Makikilala ang isang tao sa kanyang pananalita. Ang taong magaspang magsalita, maaaring magaspang ang pagkatao niya. Kaya nga ayaw natin sa taong palamura. Hindi maaari na madumi ang kanyang salita at ang puso niya ay malinis. Ang mahahalay na mura na bukam-bibig niya ay nanggagaling sa pag-iisip na mahalay. Gayon din, sa ang taong maayos at magalang na magsalita, panatag tayo na maganda ang kanyang ugali. Kaya nga narinig natin kanina: “Huwag mo munang purihin ang isang tao hanggang hindi nakapagsalita, sapagkat doon mo pa makikilala ang tunay niyang puso’t diwa.”

Kaya nga bago natin tanggapin sa trabaho ang isang aplikante hindi lang sapat na makita natin ang kanyang Curriculum Vitae o CV. Ini-interview siya. Higit na makikilala natin ang tao sa pamamagitan ng interview. Tatanggapin ba natin sa trabaho ang isang aplikante na ayaw magpa-interview? Hindi! Kaya nga nadidismaya tayo sa mga kandidato na ayaw makiisa sa candidates’ fora. Ang mga candidato ay mga aplikante sa taong bayan kung tatanggapin ba natin sila sa posisyon na gusto nilang makuha. At ang candidates’ fora ay parang pag-iinterview sa kanila sa harap ng mga mamamayan kung may kakayahan ba sila at kung ano ang saloobin nila. Sa kanilang pagsasalita natin sila masusukat. Ang ayaw sumali sa candidates’ fora ay may tinatago sa taumbayan.

Noong tinanong ang Greek philosopher na si Socrates kung ano ba ang dapat gawin ng isang tunay na philosopher, ang kanyang sagot ay: Know thyself. Kilalanin mo ang iyong sarili. Ang philosopher ay may mga disciples. Kung hindi niya kilala ang kanyang sarili, saan niya dadalhin ang kanyang mga disciples? Kaya papaano natin makikilala ang ating sarili? Tingnan natin ang bunga ng ating mga gawain. Kung mabuti ang bunga ng ating gawain, mabuti tayo. Suriin din natin ang ating pananalita. Ang ating salita ay salamin ng ating puso.

Sa Miyerkules ay bubuksan na natin ang apatnapung araw ng Kuaresma. Ito ay mahabang panahon na pakikinig sa Salita ng Diyos, pagninilay at panalangin. Labanan natin ang activism. Huwag nating punuin ng panlabas na gawain ang ating buhay. Kaya maging mapagnilay at madasalin tayo ngayong panahon ng kuwaresma. Ika nga: Hinay hinay lang. Sana makakumpisal din tayo. Sa pangungumpisal, mas nakikilala natin ang ating sarili at natutulungan tayong magbagong buhay. Sama-sama tayong lumapit at kumapit sa Diyos pagdating ng panahon ng kuwaresma.

Bishop Broderick Pabillo

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Green Transport

 7,094 total views

 7,094 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 13,067 total views

 13,067 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 18,822 total views

 18,822 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »

Responsableng kasiyahan

 26,085 total views

 26,085 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »

Kalidad ng pagtuturo

 34,069 total views

 34,069 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily July 21, 2024

 13 total views

 13 total views 16th Sunday of Ordinary Time Cycle B Jer 23, 1-6 Eph 2:13-18 Mk 6:30-34 Pagkalito. Walang pagkakaisa. Nagkakagulo. Madaling masilo ng iba. Nanghihina. Iyan ang katangian ng kawan na walang pastol o napapabayaan ng pastol. Iyan din ang kalagayan ng mga tao na walang maayos na leader. Noong panahon ni Jeremias magulo ang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily July 14, 2024

 2,328 total views

 2,328 total views Homily July 14, 2024 15th Sunday of Ordinary Time Cycle B Amos 7:12-15 Eph 1:3-14 Mk 6:7-13 Ang Diyos ay palaging nagpapadala. Noon, nagpapadala siya ng mga propeta. Pinadala niya ang kanyang Anak. Pinadala niya ang kanyang mga alagad kaya sila ay tinawag na mga apostol, na ang kahulugan ay ang mga pinadala.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily July 7, 2024

 8,455 total views

 8,455 total views Homily July 7, 2024 14th Sunday Ordinary Time Cycle B Ez 2:2-5 2 Cor 12:7-10 Mk 6:1-6 Talagang nakakataka. Ang mabuti ay mahirap tanggapin at mahirap gawin, pero ang masama ay madaling paniwalaan at madaling gawin. Mahirap maniwala ang tao na nakabubuti sa kanila ang kabutihan pero madali sundin ang masasamang gawain. Hindi

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 30, 2024

 6,584 total views

 6,584 total views 13th Sunday of Ordinary Time Cycle B St. Peter’s Pence Sunday Wis 1:13-15; 2:23-24 2 Cor 8:7. 8. 13-15 Mk 5:21-43 Napakaraming kasamaan ang nababalitaan natin at nararanasan – pag-aaway, karamdaman, bisyo, at marami pa. Ang pinakamasama na iniiwasan natin pero madalas na nangyayari at sinasadya pang gawin ay ang kamatayan. Ang Magandang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 23, 2024

 8,867 total views

 8,867 total views 12th Sunday of Ordinary time Cycle B Job 38:1.8-11 2 Cor 5:14-17 Mk 4:35-41 Nakakatakot talaga na datnan ng bagyo sa gitna ng dagat. Kahit na iyong malayo sa Diyos ay napapatawag sa kanya. Lahat ng santo ay natatawagan nila. Ang mga kasama ni Jesus ay mga mangingisda. Sanay sila sa dagat. Pero

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 16, 2024

 11,773 total views

 11,773 total views 11th Sunday of Ordinary Time Cycle B Father’s Day Ez 17:22-24 2 Cor 5:6-10 Mk 4:26-34 Happy Father’s Day sa mga tatay na nandito! Ang ikatlong Linggo kada buwan ng Hunyo ay Father’s Day. Pinapaalaala po sa atin ang mga tatay natin. Malaki ang influensiya nila sa atin at malaki ang utang na

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 9, 2024

 12,712 total views

 12,712 total views Homily June 9, 2024 10th Sunday of Ordinary Time Cycle B Gen 3:9-15 2 Cor 4:13-5:1 Mk 3:20-35 Bising-bisi si Jesus. Marami ang mga tao na pumupunta sa kanya at sa kanyang mga alagad. Marami ang dumadating upang magpagaling sa anumang karamdaman. Lalong marami ay dumadating upang makinig sa kanyang mga aral. May

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 2, 2024

 12,706 total views

 12,706 total views Homily June 2, 2024 Solemnity of the Most Holy Body and Blood of Christ Cycle B Ex 24:3-8 Heb 9:11-15 Mk 14:12-16.22-26 Napakalaki ng pag-ibig ng Diyos sa atin. Naging tao siya upang makapiling tayo. Kahit na siya ay umakyat na sa langit patuloy pa rin tayong pinangangalagaan. Ipinamamagitan niya tayo sa Ama.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily May 26, 2024

 16,424 total views

 16,424 total views Solemnity of the Most Holy Trinity Cycle B Basic Ecclesial Community Sunday Deut 4:32-34.39-40 Rom 8:14-17 Mt 28:16-20 Matapos ang makababalaghang karanasan ng mga Israelita sa paglikas nila sa Egipto at matapos ang mahabang paglalakbay nila sa disyerto ng apatnapung taon, pinaisip sila ni Moises bago sila pumasok sa lupaing ipinangako sa kanila.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily May 19, 2024

 18,270 total views

 18,270 total views Homily May 19, 2024 Pentecost Sunday Cycle B Acts 2:1-11 1 Cor12:3-7.12-13 Jn 20:19-23 Ang Pentekostes ay isang dakilang pista ng mga Hudyo, kaya mayroong maraming tao noon sa Jerusalem na galing sa iba’t-ibang bansa. Namimiesta sila. Sa kapistahan ng Pentekostes ipinagdiriwang ng mga Hudyo ang pagbibigay sa kanila ng mga batas ng

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily May 12, 2024

 18,267 total views

 18,267 total views Homily May 12, 2024 Ascension Sunday World Communications Sunday Mother’s day Acts 1:1-11 Eph 4:1-13 Mk 16:15-20 Bahagi ng buhay ng tao ay ang pag-welcome at ang pamamaalam. Kadalasan masaya tayo sa pag-welcome sa isang dakila o mabait na tao at malungkot tayo sa pag-alis niya. Masaya tayo sa pagtanggap sa auntie na

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily May 5, 2024

 22,776 total views

 22,776 total views 6th Sunday of Easter Acts 10:25-26 1 Jn 4:7-10 Jn 15:9-17 Pag-ibig. Hinahanap-hanap ito ng marami. Ito ang nagbibigay ng kulay sa ating buhay at ito nga ang nagbibigay ng kabuluhan sa ating gawain. Kahit na mahirap at kahit na matagal, anumang hamon ay gagawin natin at magagawa natin kung tayo ay may

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily April 21, 2024

 28,092 total views

 28,092 total views Homily April 21, 2024 4th Sunday of Easter Cycle B Good Shepherd Sunday World Day of Prayer for Vocations Acts 4:8-12 1 Jn 3:1-2 Jn 10:11-18 Taon-taon ang ika-apat na Linggo ng panahon ng Muling Pagkabuhay ay Good Shepherd Sunday. Maliwag ang sinabi ni Jesus sa atin ngayong araw: “Ako ang mabuting pastol.”

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily April 14, 2024

 30,250 total views

 30,250 total views Homily April 14, 2024 3rd Sunday of Easter Cycle B Acts 3:13-15.17-19 1 Jn 2:1-5 Lk 24:35-48 Ang muling pagkabuhay ni Jesus ay ang tagumpay sa kasalanan. Ibinuhos na kay Jesus ang lahat ng fuersa ng kasalanan. Naranasan niya ang iba’t-ibang anyo ng kasalanan. Siya ay pinagbili ni Judas, pinagtinaksilan ni Pedro, pinagbintangan

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily April 7, 2024

 32,408 total views

 32,408 total views Homily April 7, 2024 2nd Sunday of Easter Cycle B Divine Mercy Sunday Acts 4:32-35 1 Jn 5:1-6 Jn 20:19-31 Ang muling pagkabuhay ay hindi lang tagumpay ni Jesus. Tagumpay ito ng buong katawan ni Kristo kaya kasama tayong lahat diyan kasi kaisa tayo ng katawan ni Kristo. Narinig natin sa ating ikalawang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top