Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 40,740 total reads

14th Sunday in Ordinary Time Cycle A

Zec 9:9-10 Rom 8:9.11-13 Mt 11:25-30

“Hindi na kayo namumuhay ayon sa laman kundi ayon sa Espiritu, kung talagang nananahan sa inyo ang Espiritu ng Diyos.” Nananahan na nga sa atin ang Espiritu ng Diyos. Ibinigay siya sa atin sa binyag kaya ang ating katawan ay naging Templo ng Espiritu Santo. Mas lalong pinalakas ang kapangyarihan ng Espiritu Santo noong tayo ay kinumpilan.

Pero ano ang ibig sabihin ng mamuhay ayon sa Espiritu ng Diyos at hindi ayon sa laman? Ano ba ang batayan ng ating paniniwala – ang kalakaran ng mundo o ang kalakaran ng Diyos? Kumikilos ba tayo ayon sa anong ginagawa ng mga tao o ayon sa ginawa at sinasabi ni Jesukristo? Ngayong Linggo may panawagan at sinasabi si Kristo na kakaiba sa ginagawa sa mundo.

Gusto natin na maging panatag ang buhay natin. Ayaw naman natin na mamuhay ng walang kasiguraduhan, na hindi nalalaman kung ano ang mangyayari sa atin bukas. Ano ba ang nagbibigay sa atin ng kapanatagan? Para sa marami sa mundo natin, nagiging panatag sila kung may hawak silang kaalaman. Kaya sila ay nag-aaral, sila ay nag re-research. Gusto nilang maging wise sa mga bagay ng mundo, maging iyan ay sa business, o sa politika o sa kanilang trabaho. Ang iba ay nagiging panatag kung sila ay may kapangyarihan. Masusunod ang gusto nila, kaya galit sila kapag may gumagawa ng ayaw nila. Sila ang dapat masusunod. Ang iba ay panatag kung sila ay may pera. Nandito ang kasiguraduhan nila. Mabibili nila ang gusto nila. May mahuhugot sila kapag may kailangan sila. Panatag sila kapag sila ang may hawak – may hawak na kaalaman, may hawak na kapangyarihan, may hawak na yaman. Ito ay ang namumuhay ayon sa laman.

Iba ang namumuhay ayon sa Espiritu ng Diyos. Ang nagbibigay ng kapanatagan sa atin ay ang Diyos. Kumakapit tayo sa kanya. Ang hawak natin ay walang iba kundi ang tiwala na mahal tayo ng Diyos kaya hindi niya tayo pababayaan. Isang mapagmahal na Ama siya. Ibinigay na niya sa atin ang kanyang kaisa-isang anak. Ano pa kaya ang hindi niya maibibigay sa atin? Bakit abalang-abala tayo? Hindi nga niya napapabayaan ang mga ibon at ang mga isda, tayo pa kaya na ginawang kawangis niya, na tinubos na ng kanyang Anak? Kaya sa halip na maniwala sa ating kakayahan, maniwala tayo sa pag-ibig ng Diyos sa atin. Sa halip na maging mayabang dahil sa may hawak tayong kaalaman, may hawak tayong technology, may hawak tayong pera at kapangyarihan, tayo ay mapagkumbabang umaasa kasi hindi tayo pababayaan ng Diyos na makapangyarihan sa lahat.

Ang Espiritu ng Diyos ay kumikilos sa may kababaang loob dahil sa believe siya sa Diyos. Ang espiritu ng mundo ay believe sa sarili at ito ay mayabang. Sinabi ni Propeta Zacarias sa ating unang pagbasa na dumadating ang Diyos bilang matagumpay na hari pero sa paraan ng kababaang loob. Ang mga hari at ang mga generals na matagumpay ay dumadating na nakasakay sa kabayong pandigma, o sa ating panahon pa, sa tangke de giyera o sa bullet proof na sasakyan. Pero dumating ang matagumpay na Diyos na nakasakay sa isang bisirong asno, o sa ating panahon, sa isang traktora o sa isang topdown na motorsiklo. Ang tagumpay sa mundo ay napapakita sa pagsupil sa kaaway. Natalo ang kaaway. Ang tagumpay ng Diyos ay napapakita sa tagumpay ng katarungan. Nagkaroon ng kapayapaan hindi dahil sa natalo ang kaaway, kundi dahil sa nagkaroon ng pakikipagkasundo. May kapayapaan dahil sa magkaibigan na, nagkakasundo na, ang dalawang magkaaway na panig. Ilang bomba ang pinalipad ng US at ng Israel sa Iran. Ilang bomba rin ang pinadala ng Iran sa Israel, sa Kuwait, sa Qatar at sa iba pang bansa. Ang mga ito na nagkakahalaga ng mga bilyong dolyar ay hindi naman nagdala ng kapayapaan. Kailangan silang mag-negotiate, mag-usap upang magkasundo. Sabi ng US na titirisin daw niya ang Iran. Nagawa ba niya? Hindi! Ngayon nakikipag-usap na siya. Mas mabisa ang paraan ng Espiritu kaysa paraan ng mundo.

Talagang kakaiba ang paraan ng mundo at ang paraan ng Diyos. Dito sa Pilipinas ilang taon nang kinakalaban ng military ang mga rebelde. Ang daming armas na nabili upang tapusin ang rebelyon pero nandiyan pa rin ang mga encounters. Kung ang pera na ginamit sa pagbili ng armas, ang perang ginamit sa pagpapadala ng maraming sundalo ay ginamit na tumulong sa mga walang lupa at walang trabaho, ginamit ang pera sa pagtulong sa mga magsasaka, mga manggagawa, mga mangingisda, nawala na ang rebelyon noon pa. Hindi dahas at armas ang magbibigay ng kapayapaan, kundi ang katarungan at pagkikipagkasundo. Hindi barilan kundi pag-uusap. Hindi pagbibintang tulad ng red-tagging kundi tiwala sa kapwa tao.

Sa ating ebanghelyo, nagpapasalamat si Jesus sa kanyang Ama sa langit sapagkat ang pinapahalagahan niya ay ang mga maliliit na tao, ang mga may pusong bata, at hindi ang mayayabang at marurunong sa mundo. Ang mga maliliit na tao ang mas nakakaintindi at sumusunod sa mga paraan ng Diyos at hindi ang matatalino at mayayabang. Ang mga matalino kuno ay siya ang mga pilosopo na maraming dahilan upang hindi magsimba, upang hindi makiisa sa simbahan. Ang mga may mababang loob ang nakikiisa, ang nakikipagtulungan, ang nananalig na hindi sila pababayaan ng Diyos na nagmamahal sa kanila.

Kaya kapag tayo ay nahihirapan sa buhay, tugunan natin ang paanyaya ni Jesus na lumapit sa kanya at bibigyan niya tayo na kapahingahan. Dito rin nagkakaiba ang paraan ng laman at ng Espiritu ng Diyos. Para sa mga taong makamundo, nakakapagpahinga sila kapag wala silang ginagawa. Iba si Jesus. Sabi niya: “Kayo’y pagpapahingahin ko. Pasanin ninyo ang aking pamatok at tularan ninyo ako.” Nagkakaroon tayo ng kapahingahan kung sumusunod tayo sa kanya at nagse-serve tayo. Hindi ba nararamdaman natin ito? Sa ating pakikiisa sa pagse-serve, tulad ng sa pagdalaw sa may sakit, sa paglinis ng simbahan, o anumang gampanin sa nangangailangan, mas gumagaan ang ating loob, mas nagiging masigla tayo. Sa ating pagpapakumbaba na magkumpisal, nagiginhawahan tayo. Sa ating pagdarasal, mas lalong nabubuhayan ang ating loob.

Lumapit tayo kay Jesus. Hindi siya nanlilinlang sa atin. Mamuhay tayo ayon sa kanyang Espiritu, ayon sa kanyang paraan. Papalakasin tayo at bibigyan niya tayo ng kapanatagan sa ating buhay. Pagiginhawahin niya ang ating buhay. Sinabi niya sa atin: “Ako ay naparito upang bigyan kayo ng buhay, ng isang buhay na kaaya-aya, buhay na masaya at magsigla.”

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 223,077 total reads

 223,077 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 254,808 total reads

 254,808 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 356,632 total reads

 356,632 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 397,194 total reads

 397,194 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 408,900 total reads

 408,900 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Homily October 4, 2026

 8,529 total reads

 8,529 total reads 27th Sunday in Ordinary Time Cycle A Is 5:1-7 Phil 4:6-9 Mt 21:33-43 Narinig po natin ang sinabi ni San Pablo: “Huwag kayong

Read More »

Homily September 27, 2026

 10,495 total reads

 10,495 total reads 26th Sunday in Ordinary Time Cycle A National Seafarers’ Sunday Migrants’ Sunday Ez 18:25-28 Phil 2:1-11 Mt 21:28-32 Ang impiyerno ay puno ng

Read More »

Homily September 20 2026

 23,647 total reads

 23,647 total reads 25th Sunday in Ordinary Time Cycle A Is 55:6-9 Phil 1:20-24.27 Mt 20:1-16 Ang Diyos ay dakila. Ibang iba siya sa lahat. Napakataas

Read More »

Homily September 13, 2026

 22,297 total reads

 22,297 total reads 24th Sunday in Ordinary Time Cycle A National Catechetical Day Sir 27:30-28:7 Rom 14:7-9 Mt 18:21-35 Sa ating pagdarasal ng Ama Namin, ang

Read More »
Scroll to Top