Kung inilalayo tayo sa mga dukha sa halip na ilapit, hindi ito maituturing na pamumuhay sa kabanalan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 8,456 total reads

Binigyang-diin ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula na hindi maituturing na tunay na kabanalan ang pamumuhay na inilalayo ang isang Kristiyano sa mga dukha at nangangailangan sa halip na ilapit siya sa mga ito sa diwa ng pagmamahal at paglilingkod.

Ito ang naging pagninilay ng kardinal sa Minor Basilica and Metropolitan Cathedral of the Immaculate Conception o Manila Cathedral sa pagdiriwang ng unang kapistahan ni San Pier Giorgio Frassati bilang santo, na inilarawan niya ang Italyanong layko bilang huwaran ng isang Kristiyanong pinagsasama ang malalim na ugnayan sa Diyos at malasakit sa kapwa.

Ayon kay Cardinal Advincula, ang pakikipagtagpo sa Panginoon ay dapat magbunga ng higit na habag sa mga nagdurusa at nasa laylayan ng lipunan.

“If our holiness separates us from the people instead of drawing us closer to them, then it is not the holiness of Jesus,” pagninilay ni Cardinal Advincula.

Ipinaliwanag niya na tulad ni San Pier Giorgio Frassati, ang pag-akyat sa “bundok” ng panalangin, Eukaristiya at mga sakramento ay dapat humantong sa paglilingkod sa mga mahihirap, maysakit, nag-iisa at iba pang higit na nangangailangan.

Binigyang-diin din ng kardinal na walang saysay ang panalangin at pakikiisa kay Kristo kung hindi ito nagiging daan upang maging higit na mahabagin sa kapwa.

“If our prayer does not make us more compassionate, then perhaps we have not truly met the Lord. If our Eucharistic communion does not open our eyes to those who hunger, then we have not truly become one with the Bread of Life,” ayon sa kardinal.

Ibinahagi rin ni Cardinal Advincula ang kanyang mga karanasan sa pagbisita sa mga pamayanang nasa kabundukan ng Ilocos, Capiz at Negros na nagpatibay sa kanyang paniniwalang ang paglapit sa Diyos ay laging humahantong sa mas malalim na pagmamahal sa kapwa.

“Going up to God always means learning to go down to our brothers and sisters with greater love,” dagdag pa ni Cardinal Advincula.

Hinimok naman ng kardinal ang mga mananampalataya, lalo na ang mga kabataan, na tularan ang halimbawa ni San Pier Giorgio Frassati sa pamumuhay ng Beatitudes sa pamamagitan ng araw-araw na panalangin at kongkretong paglilingkod sa mga nasa laylayan ng lipunan.

Sinabi ni Cardinal Advincula na ang sukdulan ng buhay Kristiyano ay hindi ang pag-angat ng sarili kundi ang mapagkumbabang pagyuko upang iahon ang iba matapos makatagpo ang Diyos.

“The true summit of the Christian life is not reached when we stand above others, but when, having encountered God, we bend down in love to lift others up,” ayon kay Cardinal Advincula.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 222,107 total reads

 222,107 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 253,838 total reads

 253,838 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 355,662 total reads

 355,662 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 396,223 total reads

 396,223 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 407,999 total reads

 407,999 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 142,876 total reads

 142,876 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top