Our Lady of Peace and Good Voyage Chapel sa Victory Liner Plaza, binuksan sa mga biyahero

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 9,314 total reads

Inihayag ni Antipolo Bishop Ruperto Santos na ang pagdiriwang ng ika-400 anibersaryo ng pagdating sa Pilipinas ng Nuestra Señora de la Paz y Buen Viaje ay patuloy na nagpapatunay sa paglalakbay ng pananampalataya ng mga Pilipino.

Ito ang mensahe ng obispo na kasalukuyang kura paroko ng International Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage matapos basbasan at italaga ang Our Lady of Peace and Good Voyage Chapel sa Victory Liner Plaza sa Caloocan City noong July 1.

Ayon sa obispo, ang bagong kapilya ay nagsisilbing makabagong yugto sa apat na siglong debosyon sa mapaghimalang Birhen ng Antipolo na unang dumating sa bansa sakay ng mga galleon na kasalukuyan ay higit pang pinaiigting ang mga hakbang na mailapit ito sa mga mananampalataya.

“As we commemorate the 400th year of the arrival of Nuestra Señora de la Paz y Buen Viaje to our shores, a journey once carried across the seas by galleons, we now bring her by land, carried gently and faithfully by buses, to the people who love her,” ayon sa pahayag ni Bishop Santos.

Sinabi ng obispo na sa pamamagitan ng pagtutulungan ng Simbahan at ng Victory Liner Plaza ay nagpapatuloy ang misyon ng Mahal na Birhen bilang tagapagdala ng kapayapaan, proteksyon at ligtas na paglalakbay para sa mga biyahero.

“Through the kindness, compassion, and collaboration of the owners and employees of Victory Liner, Our Lady continues her mission as the land carrier of peace, protection, and good voyage,” ani Bishop Santos.

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-400 anibersaryo, ipinagkaloob ng Diocese of Antipolo ang replika ng Nuestra Señora de la Paz y Buen Viaje sa bagong kapilya na pamamahalaan ng Diocesan Shrine and Parish Church of Our Lady of Grace ng Diocese of Kalookan sa pangangasiwa ng Oblates of Mary Immaculate.

Inilarawan ni Bishop Santos ang bagong dambana bilang biyaya para sa mga deboto ng Mahal na Birhen at isang pagkakataong higit pang mapalalim ang debosyon sa Ina ng Kapayapaan at Mabuting Paglalakbay.

Binigyang-diin ng obispo na magpapatuloy ang paglalakbay ng Birhen ng Antipolo sa piling ng mga Pilipino saan mang panig ng bansa.

“From ports to stations, by seas and on the road, we will bring you, show you, and give you Our Lady of Peace and Good Voyage, ang ating mapaghimalang Birhen ng Antipolo, Ina ng mga Pilipino,” aniya.

Matatagpuan sa ikalimang palapag ng establisimiyento ang bagong bukas na kapilya na maaring bisitahin ng mga mananampalataya.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 222,120 total reads

 222,120 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 253,851 total reads

 253,851 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 355,675 total reads

 355,675 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 396,236 total reads

 396,236 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 408,011 total reads

 408,011 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top