Maging responsable sa paggamit ng social media, paalala ng Arsobispo ng Cebu sa mananampalataya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 8,516 total reads

Hinimok ni Cebu Archbishop Alberto Uy ang mga mananampalataya na maging mapanuri at responsable sa paggamit ng social media sa gitna ng lumalalang paglaganap ng maling impormasyon at mga mapanlinlang na nilalaman sa internet.

Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ng arsobispo na hindi dapat umaasa ang publiko sa mga algorithm ng social media bilang batayan ng katotohanan.

Aniya, layunin ng algorithm na panatilihing nakatuon ang atensyon ng mga gumagamit at hindi maghatid ng wasto at makatotohanang impormasyon.

“The algorithm is not searching for the truth. It is designed mainly to keep us watching, clicking, and reacting. It cannot tell the difference between truth and falsehood,” ayon kay Archbishop Uy.

Paliwanag ng arsobispo na dahil sa paulit-ulit na pagpapakita ng mga algorithm ng magkakatulad na nilalaman, nagkakaroon ng maling pananaw ang maraming gumagamit na iisa lamang ang katotohanan o pananaw sa iisang usapin.

Babala ng arsobispo sa publiko na huwag basta maniwala sa mga impormasyong madalas makita sa kanilang mga social media feed.

“That is why we should never believe something simply because it appears again and again on our screen. Repetition does not make something true,” ayon pa sa arsobispo.

Hinimok ng arsobispo ang mga Kristiyano na pairalin ang pagninilay at masusing siyasatin ang mga nababasa at napapanood online bago paniwalaan o ibahagi ang anumang impormasyon sa internet.

Ayon kay Archbishop Uy, malubha ang epekto ng fake news sa lipunan dahil nagiging ugat ito ng hidwaan at pagkakahati-hati.

“False information, manipulated videos, and fake news can easily create anger, hatred, and division. Families argue. Friendships are broken. Communities become polarized,” giit ni Archbishop Uy.

Pinaalalahanan ng arsobispo ang mga mananampalataya na, bilang mga Kristiyano, ay nararapat na maging misyonero ni Kristo na nagpapalaganap ng katotohanan tungo sa pagbubuklod ng mamamayan.

“As Christians, we are called to be instruments of truth, peace, and unity—not instruments of lies, hatred, or division,” aniya.

Ayon sa pag-aaral ng Statista, naglalaan ang mga Pilipino ng karaniwang 13 oras at 11 minuto sa internet kada linggo, kung saan naitala ang 65 milyong social network users sa bansa.

Nangunguna ang Facebook sa pinakaginagamit na social media platform ng mga Pilipino sa 59.38 percent kung saan naging mahalagang tool ito sa pagkalat ng mga balita higit pa sa mga traditional media tulad ng radyo, telebisyon, at print.

Dahil dito, binigyang-diin ni Archbishop Uy na higit sa anumang uso o popular na nilalaman sa social media, nararapat hanapin ng bawat Kristiyano ang katotohanang naaayon sa kalooban ng Diyos upang manatiling ginagabayan ng Ebanghelyo ang kanilang isip, budhi at pamumuhay.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 222,097 total reads

 222,097 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 253,828 total reads

 253,828 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 355,652 total reads

 355,652 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 396,213 total reads

 396,213 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 407,990 total reads

 407,990 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top