Sa nagtatanong kung nasaan ang simbahan, may sagot ang pinuno ng Caritas Philippines

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 9,822 total reads

Hinikayat ni San Carlos Bishop Gerardo Alminaza ang mga katolikong Pilipino na harapin nang may kababaang-loob at katapatan ang tanong na, “Where is the Church?” o “Nasaan ang Simbahan?”

Nilinaw ng pinuno ng Caritas Philippines na ang katanungan ay dapat ituring na isang paratang kundi panawagan ng mga taong naghahanap ng moral na pamumuno, katotohanan, katarungan, malasakit, at pananagutan sa gitna ng mga suliranin ng lipunan.

Naninindigan si Bishop Alminaza na hindi tumigil ang Simbahang Katolika sa Pilipinas sa pagpapahayag ng mga moral na paninindigan sa pampublikong buhay dahil patuloy nitong isinasabuhay hindi lamang sa pamamagitan ng mga pastoral na pahayag kundi maging sa paglilingkod sa mahihirap, pagtatanggol sa karapatang pantao, paghubog sa konsensya ng mamamayan, pangangalaga sa mga mahihina, at pagsusulong ng kapayapaan.

“It is true that the Catholic Church in the Philippines has never ceased proclaiming the moral demands of public life. For generations, bishops, priests, religious, and countless lay leaders have taught the dignity of every human person, the primacy of conscience, the demands of justice, the sinfulness of corruption, and the responsibility of citizens to choose leaders of integrity committed to the common good,” ayon sa mensaheng pinadala ni Bishop Alminaza sa Radyo Veritas.

Binigyang-diin pa ng Obispo na ang tanong na “Where is the Church?” ay dapat magsilbing paanyaya sa patuloy na pagbabagong-loob at mas tapat na pagsunod kay Kristo.

Ipinaalala niya na ang Simbahan ay hindi lamang isang institusyong naglalabas ng mga pahayag, kundi ang Katawan ni Kristo na naroroon saan man ipinagtatanggol ang katotohanan, isinusulong ang katarungan, inaalalayan ang mga nangangailangan, at muling binubuhay ang pag-asa.

“At the same time, we receive this question not as an attack on the Church but as an invitation to continual conversion. No disciple of Christ can ever say, “We have done enough.” Every
generation calls us to proclaim the Gospel with renewed courage, accompany those who suffer with greater compassion, and make Christ’s presence more visible wherever truth, justice, and human dignity are threatened,”
bahagi pa ng mensahe ni Bishop Alminaza.

Inamin naman ni Bishop Alminaza na ang Simbahan ay patuloy na tinatawagan sa diwa ng Ecclesia semper reformanda o ang Simbahang laging nangangailangan ng pagpapanibago.

Bunsod nito, hinamon ng Obispo ang mga mananampalataya na tumugon sa mga hamon ng lipunan nang may kababaang-loob, bukas na pagtanggap sa patuloy na pagbabagong-loob, at mas matapat na pagsasabuhay ng Ebanghelyo araw-araw.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 222,121 total reads

 222,121 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 253,852 total reads

 253,852 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 355,676 total reads

 355,676 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 396,237 total reads

 396,237 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 408,012 total reads

 408,012 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Child protections, ipapatupad ng CEAP

 22,263 total reads

 22,263 total reads Naninindigan ang Catholic Education Association of the Philippines sa kahalagahan na ipatupad ng Catholic education sector ang child protections. Ikinababahala ng CEAP ang

Read More »
Scroll to Top