Mananampalataya, inaanyayahan sa Golden Jubilee ng Diocese of Kalibo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 6,581 total reads

Inanyayahan ni Kalibo Bishop Cyril Villareal ang mga mananampalataya na makibahagi sa pagdiriwang ng Golden Jubilee ng Diocese of Kalibo bilang pasasalamat sa Diyos sa limang dekadang paglilingkod ng lokal na Simbahan.

Sa mensahe ng obispo na ibinahagi ng diyosesis, hinimok nito ang mga mananampalataya na magbuklod para sa pangunahing pagdiriwang.

“The event we have long awaited will finally take place on July 15, 2026. We will celebrate the Golden Jubilee of our diocese. We are now 50 years old as the Diocese of Kalibo,” ayon kay Bishop Villareal.

Sinabi ng obispo na magsisimula ang pagdiriwang sa ganap na alas-9 ng umaga sa Cathedral Parish of St. John the Baptist kung saan pangungunahan ni Apostolic Nuncio to the Philippines, Archbishop Charles John Brown, ang banal na misa, habang magbabahagi ng pagninilay si Manila Archbishop Cardinal Jose Advincula.

Hinimok din ng obispo ang mga mananampalataya na makiisa sa pagdiriwang bilang pagpapahayag ng pasasalamat sa Diyos.

“Share in our joy. Share in our thanksgiving to God for guiding our local Church in Kalibo over the past 50 years,” ayon pa kay Bishop Villareal.

Ayon pa sa obispo, ang naturang pagdiriwang ay hudyat ng pagsisimula ng mga nakahanay na gawain upang ipagdiwang ang limang dekadang pagmimisyon ng lokal na simbahan sa Aklan.

“The celebration will not end on July 15. Rather, it will mark the beginning of the many activities we have lined up for the rest of the year,” aniya.

Dagdag pa ni Bishop Villareal, mahalaga ang pagbubuklod ng halos isang milyong mananampalataya ng diyosesis bilang pasasalamat sa Diyos sa patuloy na paggabay sa kristiyanong pamayanan sa lugar.

“Together we can express our joy and thanksgiving to God, who is the source of all blessings and the reason we have reached this milestone of 50 years as the local Church of Kalibo,” giit ni Bishop Villareal.

Naitatag ang diyosesis noong 1976, na noo’y bahagi ng Archdiocese of Capiz, kung saan unang naitalagang pastol si Bishop Juan Nilmar.

Bago si Bishop Villareal, nagsilbing pastol din ng diyosesis sina Bishop Gabriel Reyes, Bishop Jose Romeo Lazo, at Bishop Jose Corazon Tala-oc.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 63,834 total reads

 63,834 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 142,706 total reads

 142,706 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 176,151 total reads

 176,151 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 211,450 total reads

 211,450 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 435,383 total reads

 435,383 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top