500 total views

Ascension Sunday Cycle C

Acts 1:1-11 Eph 1:17-23 Lk 24:19-20

Higit nang apatnapung araw nang si Jesus ay muling nabuhay. Ngayon ay ipinagdiriwang na natin ang kanyang pag-akyat sa langit. Magkaugnay ang dalawang kapistahang ito. Ang muling pagkabuhay at ang pag-akyat ni Jesus sa langit ay kapwa pagluluwalhati kay Jesus. Pinapakita ng mga ito ang kadakilaan ni Jesus – itinaas na siya ng Diyos Ama – itinaas siya mula sa libingan at itinaas siya mula sa lupa.

Ang tagumpay ni Jesus ay nagbibigay sa atin ng pag-asa. Kung nasaan siya ngayon, duroon din tayo. Anumang pagsubok at kahirapan na dinadaanan natin ngayon, ang mga ito ay magtatapos din. Kung tayo ay kasama ni Jesus sa kanyang buhay, magiging kasama din tayo ni Jesus sa kanyang tagumpay. Ang dasal ni Pablo sa mga taga-Efeso na ating narinig ay siya ring dasal para sa atin: “Nawa’y liwanagan ng Diyos ang inyong mga isip upang malaman ninyo ang ating inaasahan sa kanyang pagtawag sa atin. Ito ay ang kaluwalhatiang inilaan niya sa kanyang mga hinirang.” Hindi maaabot ngayon ng ating pag-iisip kung ano ang kaluwalhatian na nag-aantay sa atin sa piling ng Diyos. This glory and his joy are so much beyond our imagination. Siguro sa langit manghihinayang tayo. Siguro masasabi natin: “Kung alam ko lang na ganito pala ang langit, na ganito pala ang gantimpala ng Diyos, sana mas lalo pa akong nagsikap sa lupa.”

Pero hinahangad ba natin ang langit? Baka naman ang pinagsisikapan lang natin ay ang mga bagay sa lupang ito na hindi na natin itinataas ang ating noo upang paminsan-minsan maitaas din natin ang ating pangarap na langit. Iyan ang paalaala sa atin ng kapistahang ito. Tulad tayo ng mga alagad na habang umaakyat si Jesus sa langit sinusundan natin siya ng ating tingin na nananabik na pumaroon din tayo.

Pero hindi tayo pinapabayaan ni Jesus dito sa lupa dahil pumunta na siya ng langit. Ipapadala niya ang kanyang Espiritu na sasama at gagabay sa atin. At doon sa langit si Jesus ay nakaluklok sa kanan ng Ama at patuloy siyang namamagitan para sa atin. Ipinakikipag-usap niya tayo sa Ama. Hindi niya hahayaan na ang kanyang pagpapakasakit at pagkamatay ay hindi magiging epektibo sa atin. Manalig tayo sa ating dakilang tagapamagitan.

Pero sa kapistahang ito hindi lang tayo inaanyayahan na tumingala sa langit. Noong matagal-tagal nang nakatitig sa langit ang mga alagad, may dalawang lalaki na nakadamit na puti ang lumapit at sinabi sa kanila: “Itong si Jesus na umakyat sa langit ay magbabalik tulad ng nakita ninyong pag-akyat niya.” Parang pinapaabot sa kanila na kumilos na sila at maging handa sa kanyang muling pagdating. At bago umakyat si Jesus sa langit iniwanan niya ang mga alagad na may misyon na maging saksi niya hanggang sa dulo ng daigdig.

Umalis si Jesus na hindi pa natapos ang kanyang misyon. Ito ay ipinaubaya niya sa kanyang mga alagad, ipinaubaya niya sa atin bilang simbahan. Ipagpatuloy natin ang pagsasaksi sa pag-ibig ni Jesus sa mundo at pag-aalok ng kaligtasan na bigay niya para sa lahat. Kaya ang pag-akyat ni Jesus sa langit ay hindi lang nagbibigay ng pag-asa sa atin. Ito ay nagpapakilos sa atin na ipagpatuloy ang kanyang misyon hanggang sa muli niyang pagdating.

Kaya kaya nating gawin ito? Sa ganang ating sarili, hindi yata natin kaya ito. Mahina tayo at napakaraming hadlang sa pagtanggap ng Magandang Balita. Kaya nga sinabi niya sa mga alagad na mag-antay muna sila sa Jerusalem sa pagdating ng Espiritu Santo, na siya namang ipagdiriwang natin sa susunod na Linggo, sa kapistahan ng Pentekostes. Ang Espiritu Santo ang magbibigay sa atin ng lakas at kapangyarihan na gawin ang misyon ni Jesus. Isa rin sa ipinagdasal ni Pablo sa mga taga-Efeso na ipagdasal din natin para sa atin: sana maliwanagan tayo ng kapangyarihan na kikilos sa atin, na walang iba kundi ang kapangyarihan na bumuhay kay Kristo at lumuklok sa kanya sa kanan ng Ama. Talagang napaka-lakas ng kapangyarihang ito. The power of the resurrection is working in us. Sa kapangyarihang ito magagawa natin ang ating misyon hanggang sa pagdating muli ni Jesus.

Ito ay napatunayan sa kasaysayan. Sa mga panahon ng kahinaan ng simbahan, na marami siyang problema at mga kasalanan at eskandalo pa, nakakaahon uli siya. May mga panahon na may matitinding pag-uusig sa simbahan, na pinalayas ang mga pari at pinagpapatay ang mga Kristiyano, na ang mga mang-uusig ay mga hari, mga generals, mga armies, pero nakakatayo uli ang simbahan, tulad ng isang patay na muling nabuhay. Ang kapangyarihang ito ay hindi na galing sa kanyang sarli. Ito ay galing na sa Espiritu Santo.

Balikan din natin ang ating mga sariling karanasan. May mga panahon sa buhay natin na nawalan tayo ng pag-asa, na hindi natin alam ang ating gagawin dahil nalugmok tayo sa kasalanan o pati na sa bisyo, nagkagulo-gulo ang ating mga relationships, pero nakatayo tayo muli. Hindi natin ito inaasahan, pero may kapangyarihan na humihila sa atin mula sa kuko ng kamatayan o ng kawalang pag-asa. May ibayong kapangyarihan na kumikilos sa atin. Kaya huwag nating sabihin na hindi natin kaya ang ipinagagawa ni Jesus. Hindi naman niya tayo binigyan ng misyon na hindi tayo binigyan ng kapasidad. Binibigyan tayo ng kakayahan upang gawin ang ipinagagawa niya sa atin. Manalig tayo at buksan natin ang ating sarili sa kanya.

Paano natin maabot ang dulo ng daigdig? Ngayong Ascension Sunday ay ang World Communication Sunday. Ipapaabot natin ang Magandang Balita at ngayong panahon nandiyan ang kakayahan na binibigay sa atin ng social media at ng mass media. Gamitin natin ang mga ito. I-communicate natin ang mensahe ng Diyos. Huwag tayong tatahimik. Gamitin natin ang mga pamamaraan ng panahon upang mabuksan ang puso at isip ng mga tao sa Diyos. Kailangang kailangan ng maraming tao na marinig na mahal sila ng Diyos, na may saysay ang buhay nila, na may kasiyahan sa langit na nag-aantay sa kanila.

Ang kapistahan ng pag-akyat ni Jesus sa langit ay nagbibigay sa atin ng pag-asa at ng hamon. Pag-asa na pagkatapos ng ating pakikibaka sa buhay na ito, may langit na naghihintay sa atin. Itaas natin ang ating noo at hangarin ang langit. Kung nasaan siya ngayon, duroon din tayo.

Hamon. Habang nag-aantay tayo ng langit, kumikilos tayo upang iiwan natin ang mundong ito na mas maayos at mas maganda kaysa dinatnan natin. Tinatanggap at isinasabuhay na natin ang paghahari ng Diyos sa lupa habang umaasa tayo na makarating sa kanyang kaharian sa langit.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Trabaho sa kabila ng init

 15,576 total views

 15,576 total views Mga Kapanalig, kumusta kayo ngayong tag-init? Siguro, iba’t ibang paraan na ang nagawa ninyo upang ibsan ang napakataas na temperatura ngayon. Mayroon siguro sa inyong pumunta na sa beach para mag-swimming at sa mall para magpa-aircon. O kaya naman, panay ang kain ninyo ng halo-halo at ice cream para magpalamig. Samantala, may mga

Read More »

Patuloy ang pagyurak sa dignidad ng tao

 23,800 total views

 23,800 total views Mga Kapanalig, itigil ang patayan! Ito pa rin ang panawagan ng mga human rights groups at mga samahang naniniwala sa halaga ng buhay at diginidad ng tao. Dalawang taon kasi mula nang matapos ang administrasyong Duterte, na kilala sa madugong war on drugs, patuloy pa rin ang patayan sa mga komunidad sa ilalim

Read More »

Permanent interests

 29,646 total views

 29,646 total views Mga Kapanalig, may kasabihang sa pulitika raw, “There are no permanent enemies, and no permanent friends, only permanent interests.” Positibong pangungusap ito kung ang tinutukoy na interes ay ang interes ng taumbayan o ng mga taong pinaglilingkuran dapat ng mga namumuno sa pamahalaan. Ngunit dito sa Pilipinas, mas madalas na interes ng iilang

Read More »

Resilient Education

 43,047 total views

 43,047 total views Kapanalig, kailangan maging resilient ng ating education sector. Ang resilient education kapanali, ay matibay at flexible. Sa ating bansa kung saan napakaraming mga sakuna ang dumadalaw taon-taon, napakahalaga na ang konseptong ito ay maging realidad. Kailangan ma-i-apply ito sa buong bansa sa lalong madaling panahon. Ang resilient education ay tumutukoy sa kakayahan ng

Read More »

Financial Inclusion

 46,159 total views

 46,159 total views Napakahalaga ng financial inclusion sa ating bayan. Kapag inclusive ang ating merkado at ekonomiya, mas maraming Pilipino ang maiaangat sa kahirapan. Kaya lamang, sa ating bayan, ang financial inclusion ay hindi nauunawaan ng marami nating kababayan. Ayon sa Bangko Sentral, ang financial inclusion ay isang estado o kalagayan kung saan ang tao ay

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily April 21, 2024

 4,578 total views

 4,578 total views Homily April 21, 2024 4th Sunday of Easter Cycle B Good Shepherd Sunday World Day of Prayer for Vocations Acts 4:8-12 1 Jn 3:1-2 Jn 10:11-18 Taon-taon ang ika-apat na Linggo ng panahon ng Muling Pagkabuhay ay Good Shepherd Sunday. Maliwag ang sinabi ni Jesus sa atin ngayong araw: “Ako ang mabuting pastol.”

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily April 14, 2024

 6,736 total views

 6,736 total views Homily April 14, 2024 3rd Sunday of Easter Cycle B Acts 3:13-15.17-19 1 Jn 2:1-5 Lk 24:35-48 Ang muling pagkabuhay ni Jesus ay ang tagumpay sa kasalanan. Ibinuhos na kay Jesus ang lahat ng fuersa ng kasalanan. Naranasan niya ang iba’t-ibang anyo ng kasalanan. Siya ay pinagbili ni Judas, pinagtinaksilan ni Pedro, pinagbintangan

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily April 7, 2024

 8,894 total views

 8,894 total views Homily April 7, 2024 2nd Sunday of Easter Cycle B Divine Mercy Sunday Acts 4:32-35 1 Jn 5:1-6 Jn 20:19-31 Ang muling pagkabuhay ay hindi lang tagumpay ni Jesus. Tagumpay ito ng buong katawan ni Kristo kaya kasama tayong lahat diyan kasi kaisa tayo ng katawan ni Kristo. Narinig natin sa ating ikalawang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

First Things First | April 6, 2024

 9,244 total views

 9,244 total views First Things First | April 6, 2024 WATCH: Reflection on today’s First Reading from Bp. Broderick Pabillo.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily March 10, 2024

 22,714 total views

 22,714 total views 4th Sunday of Lent Cycle B Laetare Sunday 2 Chr 36:14-16.19-23 Eph 2:4-10 Jn 3:14-21 Dinasal natin sa ating pambungad na panalangin: “Sa masigasig na pagsamba at matibay na pagsampalataya ang Sambayanang Kristiyano ay makadulog nawang masaya sa pagdiriwang ng dakilang kapistahan ng Pagkabuhay.” Nasa ikaapat na Linggo na tayo ng Kuwaresma. Sana

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily March 3, 2024

 23,143 total views

 23,143 total views 3rd Sunday of Lent Cycle B Ex 20:1-17 1 Cor 1:22-25 Jn 2:13-25 Kilala natin si Jesus na isang taong malumanay, mapagpatawad at mapagpasensya. Siya ay matulungin sa nangangailangan at madaling lapitan. Pero kakaibang Jesus ang napakinggan natin ngayon sa ebanghelyo. Pinagtabuyan niya ang mga taong nagtitinda sa templo, hinagupit ang kanilang mga

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily February 25, 2024

 27,187 total views

 27,187 total views 2nd Sunday of Lent Cycle B Gen 22:1-2.9.10-13,15-18 Rom 8:31-34 Mk 9:2-10 Hindi madali ang panawagan sa atin ng kuwaresma kung talagang seseryosohin natin itong gawin. Kailangan nating kalabanin ang tukso na palaging lumalapit sa atin. Kailangan nating tanggihan ang ating sariling hilig lalo na iyong nakakasama naman sa atin. Kailangan tayong maglaan

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

First Things First | February 20, 2024

 29,943 total views

 29,943 total views First Things First | February 20, 2024 WATCH: Reflection on today’s First Reading from Bp. Broderick Pabillo.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

First Things First | February 19, 2024

 29,943 total views

 29,943 total views First Things First | February 19, 2024 WATCH: Reflection on today’s First Reading from Bp. Broderick Pabillo.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

First Things First | February 18, 2024

 29,925 total views

 29,925 total views First Things First | February 18, 2024 WATCH: Reflection on today’s First Reading from Bp. Broderick Pabillo.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily February 18, 2024

 33,426 total views

 33,426 total views Homily February 18, 2024 1st Week of Lent Gen 9:8-15 1 Pet 3:18-22 Mk 1:12-15 Ang panahon ng Kuwaresma ay panahon ng pagpapahalaga ng ating binyag. Minsan lang tayo bininyagan pero ang katotohanan ng binyag ay ating isinasabuhay sa bawat sandali ng ating buhay. Dahil sa binyag, nagkaroon tayo ng bagong buhay. Nakiisa

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

First Things First | February 17, 2024

 29,925 total views

 29,925 total views First Things First | February 17, 2024 WATCH: Reflection on today’s First Reading from Bp. Broderick Pabillo.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

First Things First | February 16, 2024

 29,920 total views

 29,920 total views First Things First | February 16, 2024 WATCH: Reflection on today’s First Reading from Bp. Broderick Pabillo.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

First Things First | February 15, 2024

 29,920 total views

 29,920 total views First Things First | February 15, 2024 WATCH: Reflection on today’s First Reading from Bp. Broderick Pabillo.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

First Things First | February 14, 2024

 29,921 total views

 29,921 total views First Things First | February 14, 2024 WATCH: Reflection on today’s First Reading from Bp. Broderick Pabillo.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top