Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 339 total views

Homiliya Para sa Pag-Akyat sa Langit ng Panginoon, Ika-29 ng Mayo, Lukas 24:46-53

Ang linya tungkol sa pag-akyat ni Kristo sa langit ay isang importanteng detalye ng pananampalataya na ipinahahayag natin Linggo-linggo sa Misa, sa tuwing binibigkas natin ang Kredo o ang tinatawag na “apostles’ creed” sa Ingles. Ito ang pananampalatayang namana pa natin sa mga apostol.

At ang laging kasunod ng linyang “Umakyat siya sa Langit” ay “Naluluklok siya sa kanan ng Ama.” Iisa lang naman ang kahulugan ng dalawa. Mukhang kay San Lukas nanggaling ang linyang “Umakyat siya sa langit”, (Lk 24:51; Acts 1:9) at kay San Pablo naman sa ating ikalawang pagbasa ang linyang “naluluklok sa kanan ng Ama” (Eph 1:20), na galing naman sa Salmo 110:1.

Sa salitang Kapampangan, ang PAGLUKLOK at PAG-UPO ay pareho lang: “Luklok ka” (Maupo ka.) Pero sa Tagalog, ang PAGLUKLOK ay hindi lang ordinaryong pag-upo. May kinalaman ito sa pagkakapuwesto sa isang posisyon ng mataas na dangal at kapangyarihan. Mas malapit ito sa salitang “enthronement” sa Ingles. Mga tipong hari o matataas na opisyales ng gubyerno ang “INILULUKLOK”.

Kaya masagwang pakinggan na parang si Hesus baga ay basta na lang umakyat at lumuklok sa kanan ng Ama. Hindi ba, isa sa mga itinuro ni Hesus sa kanyang mga alagad ay kapag dumalo daw sila sa mga handaan, huwag daw silang basta-basta uupo sa luklukan ng mga panauhing pandangal? (Adelantado o presumido ang tawag natin sa ganoon. Mapapahiya ka aniya kapag sinabihan ka ng maybahay, “Hindi diyan ang lugar mo.”)

Sa Tagalog may tawag tayo sa mga taong nag-aangat ng sarili sa lipunan: “nagtataas ng sariling bangko. “ Kaya parang pakiramdam ko, mayroong hindi gaanong tama sa linyang binibigkas natin sa Kredo. Hindi naman sinabi ni San Lukas na “UMAKYAT sa langit si Hesus.” “INIAKYAT siya.” Hindi rin sinabi ni San Pablo na “LUMUKLOK siya sa kanan ng Ama“. Hindi niya itinaas o iniluklok ang sarili niya. “INILUKLOK siya ng Ama.”

Hindi nga ba’t napagsabihan pa nga ang magkapatid na Santiago at Juan nang minsa’y nag-ambisyon sila na “maluklok sa kanan at kaliwa ni Hesus” pagdating daw niya sa kanyang kaharian? Kapangyarihan pala ang hinihingi nila. Sa ating ebanghelyo, hindi ito hinihingi ni Kristo, kusang ibinibigay sa kanya ng Ama. Kaya sinabi niya kina Santiago at Juan, “Hindi ako, kundi ang Ama ang masusunod sa kung sino ba ang dapat maupo sa kaliwa o kanan niya” (Mk 10:40).

Narito ang pinakamahalagang punto tungkol sa kahulugan ng ipinagdiriwang nating kapistahan ngayon: “Walang umakyat sa langit maliban sa bumaba mula sa langit.” Ito rin ang sinabi ni Hesus kay Nicodemo sa Juan 3:13. At ang tinutukoy ni San Juan ay ang Anak ng Diyos na nagpakumbaba at naging Anak ng Tao. Dahil sa pagpapakumbaba ng Anak ng Diyos, naiangat ang dangal ng ating pagkatao. Dati kasi ay napakababa ng ating pagtingin sa ating pagkatao: marupok, makasalanan, palpak, dahil kay Adan. Kay Hesus meron na tayong bagong huwaran o modelo ng pagkatao na ayon sa orihinal na plano ng Diyos: taong mataas ang dangal—dahil kalarawan ng Diyos.

Kaya si Hesus ang para bang pinaka-bisagra ng kasaysayan (turning point of history). Binago niya ang kuwento ng tao mula nang niyakap niya ang ating pagkatao. Kaya siguro para sa ating mga Kristiyano, ang bawat taón mula nang nakapiling natin si Kristo dito sa mundo ay tinatawag na ANNO DOMINI, Year of the Lord, o Taon ng Panginoon. (Sa mga formal appointments ng mga pari sinusulat ang ganito: “signed on this 29th of May in the Year of the Lord, 2022). Ibig sabihin binago ni Hesus ang takbo ng kasaysayan ng tao.

Kaya dalawang importante at magkaugnay na aral ang dapat tandaan sa araw na ito. Una, ang “pag-akyat sa langit” ay pagtaas, ngunit hindi pagmamataas. Bakit? Dahil sinabi niya, “Ang nagmamataas ay ibababa.”

Ito naman talaga ang background ng ascension: ang pagbaba ng ating pagkatao dahil sa pagmamataas, dahil sa pagkahulog ng tao sa tukso na magkunwaring Diyos o magdiyos-diyosan. Ito kasi ang nangyayari kapag nahuhumaling ang tao sa makamundong kapangyarihan, kayamanan at katanyagan, ang tinatawag kong “Tatlong Delikadong K.” Noon siya nawawalan ng “Tatlong Tunay na K” sa mata ng Diyos—kabutihan, kagandahan, katotohanan—ang mga pundasyon ng tunay nating karangalan.

Kapag itinataas ng tao ang sarili niya sa kayabangan, ang ibinubunga nito ay K din, as in KASALANAN. Nalalayo siya o nawawalay sa Diyos. Imbes na tumaas, bumababa ang ating dangal. Ang pagmamataas ay nagpapababa sa ating pagkatao.

Ikalawang mahalagang punto: “Ang pagpapakumbaba ang nagpapataas sa ating pagkatao. “ Kaya pala sinabi ni Hesus kay Zaqueo, “BUMABA KA. “ Ito ang paraan ni Hesus. Alam kasi niya na ginagawang paraan ni Zaqueo ang pagpapakayaman upang tumaas siya sa lipunan at mapansin. Sabi ni San Lukas: sabik daw itong pandak na Zaqueo na makita si Hesus kaya umakyat siya sa puno ng sikomoro. Tiningala siya ni Hesus at sinabihan: Bumaba ka, makikikain ako sa bahay mo. Noon lang nasimulan ang tunay na pagtaas ng kanyang pagkatao: nang sabihin niyang, “Panginoon, kung may kinuha ako na hindi akin, isosoli ko ito nang makaapat na ulit.”

Ang “ascension” ay pagtataas ng Ama kay Kristo dahil sa kanyang pagpapakumbaba. Walang magtataas sa tao kundi ang Diyos mismo. Tulad ng nasabi ko sa simula, hindi natin dapat itaas ang ating sariling bangko. Pagyayabang iyon. Hindi ba ang Magnificat ay sagot ni Maria kay Elisabet? Di ba’t pinakapuri-puri siya nang husto at pinakataas-taas ni Elisabet nang sabihin niya sa pinsan niya, “Mapalad ka sa babaeng lahat, at mapalad din ang dala mo sa iyong sinapupunan!” (Lk 1:42)

Sa Magnificat ang sagot ni Mama Mary ay, “Hindi ako kundi ang Diyos ang tunay na Dakila. Siya ang nagtaas sa akin, ako na isang abang alipin.” Itinuro ni Hesus ang sikreto ng tunay na pagtaas o pag-angat: hindi K (kayabangan) kundi ibang K (kababaan ng loob). Ito ang ibinigay niyang halimbawa sa kanyang pagkakatawang-tao, sa kanyang pagdurusa at kamatayan. Nag-KENOSIS muna siya. Ibinuhos nang lubos ang sarili upang punuan ang pagkukulang ng tao.

Sa Misa, pagkatapos nating dasalin ang Ama Namin, ipinapahayag natin: “Sapagkat sa Iyo ang KAHARIAN, KAPANGYARIHAN AT KALUWALHATIAN magpasawalang-hanggan.” Ito ang nagpapataas sa atin; kapag kinikilala natin ang tunay na pinagmumulan ng tatlong K. Noon lang naibabahagi ang mga ito sa atin ng Anak. Noon lang tayo nagiging handang tumaas, tayo mismo, upang makaisa niya sa kadakilaan ng pagiging mga Anak ng Diyos, upang maluklok din tayo sa Kanang Kamay ng kanyang Ama.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Green Transport

 7,264 total views

 7,264 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 13,237 total views

 13,237 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 18,992 total views

 18,992 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »

Responsableng kasiyahan

 26,255 total views

 26,255 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »

Kalidad ng pagtuturo

 34,239 total views

 34,239 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

REVELATION TO THE CHILDLIKE

 653 total views

 653 total views Homily for Wed of the 15th Wk in OT, 17 July 2024, Isa 10:5-7, 13b-16; Mt 11:25-27 Our first reading today is a grim warning to modern-day world powers who bully their neighbors. It is a good reminder for nations that have become economically prosperous and militarily powerful to the point of throwing

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

APOSTOL, SUGO, KINATAWAN

 655 total views

 655 total views Homiliya Para sa Ika-15 Linggo ng Karaniwang Panahon, 16 Hulyo 2024, Markos 6:7-13 Nais ko sana na itutok natin ang ating pagninilay sa araw na ito sa kahulugan ng pagiging “apostol”. Alam ko na ang karaniwang iniuugnay natin sa salitang “apostol” ay ang 12 lalaki na pinili ni Hesus mula sa kanyang mga

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BUEN CAMINO

 3,409 total views

 3,409 total views Homiliya para sa Huwebes, 11 Hulyo 2024, Paggunita kay San Benito, Mt 10:7-15 Noong nakaraang Martes, nag-bonding kami ng kapatid kong panganay. Umabot ng tatlong oras ang tanghalian namin dahil nagkuwento siya tungkol sa naranasan niyang paglalakad sa camino ng Compostela nitong nakaraang buwan. Biro niyo, sa edad na 78 ay naglakad siya

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

IN JESUS’ NAME

 7,824 total views

 7,824 total views Homily for Wed of the 13th Wk in Ordinary Time, 10 July 2024, 18th Episcopal Ordination Anniversary, Mk 10:1-7 On Thursday last week, the final day of the annual retreat of the CBCP, we has as main presider at the Eucharistic Celebration the Secretary of the Holy See’s Relations with States, Abp. Paul

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

KATATAGAN

 3,150 total views

 3,150 total views Homiliya para sa Huwebes sa Ikalabindalawang Linggo ng Karaniwang Panahon, 27 Hunyo 2024, Mat 7:21-29 “Malapit na ang giyera!” Ito ang babala ng mga propeta sa Jerusalem. Pero walang sumiryoso sa babala nila. Hanggang minsan isang araw bigla na lang nagkatotoo. Ang katuparan ng malagim na hula ay ang malungkot na kuwentong narinig

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE HEART AND THE EYE

 3,673 total views

 3,673 total views Homily for Friday of the 11th Wk in Ordinary Time, 21 June 2024, Mt 6:19-23 Today’s Gospel makes me understand the expression, “His heart is in the right place.” The idiom is understood to mean “He has good intentions despite his flaws and mistakes.” Or “He has shortcomings but he is sincere and

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

GOD THE FARMER

 5,172 total views

 5,172 total views Homiliya para sa Ika-11 Linggo ng Karaniwang Panahon, 16 Hunyo 2024, Mk 4:26-34 Dalawang punto lang ang mungkahi kong pagnilayan natin tungkol sa mga talinghagang narinig natin sa ebanghelyo ngayon. Una, ang Diyos ang magsasaka, ang salita niya ang binhi. Pangalawa, tayo mismo ay para ding mga binhi. Simulan natin sa una. Ang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

GO OUTSIDE!

 6,016 total views

 6,016 total views Homily for Friday of the 10th Week in Ortdinary Time, 14 June 2024, 1 Kings 19; Mt 5:27-32 Like I told you yesterday, the drama in the life and mission of the prophet Elijah—which has been read from the first book of Kings for the past few days now—continues today with chapter 19.

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MAGDILANG ANGHEL

 4,271 total views

 4,271 total views Homiliya para sa Misang Paggunita kay San Antonio de Lisbon, 13 Hunyo 2024, Mt 5:20-26 “Magdilang-anghel ka nawa!” Ito ang sinasabi natin sa Pilipino pag may binigkas na hula ang iba na ibig nating magkatotoo. Isang taong may dilang anghel, ito ang turing ng mga taga-Padua kay San Antonio dahil sa tindi ng

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

SAN ANTONIO DE LISBON

 8,484 total views

 8,484 total views Homiliya para sa Bihilya sa Kapistahan ni “San Antonio de Padua,” Miyerkoles sa Ikasampung Linggo ng Karaniwang Panahon, 12 Hunyo 2024, Mat 5, 17-19 Salamat sa Marian pilgrimage ng Kaparian ng Kalookan, bukod sa dalaw namin sa lugar na pinangyarihan ng aparisyon ng Birhen sa Fatima, nakadalaw din kami sa bayan ng ating

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE “GOOD MAN”, BARNABAS

 7,717 total views

 7,717 total views Homily for Thursday of the 10th Week in Ordinary Time, 11 June 2024, Mat. 10:7-13 Today is the Feast of the Holy Apostle and Martyr, St Barnabas, whom St Luke describes in our first reading today as “a good man, filled with the Holy Spirit and faith”. In one of my past homilies

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

TAHANAN NG PUSO

 11,927 total views

 11,927 total views Homiliya Para sa Ika-10 Linggo ng Karaniwang Panahon, 9 Hunyo 2024, Mk 3:20-35 Ang ating pagninilay sa araw na ito ay tungkol sa pagtatayo ng tahanan, hindi lang bahay. Alam naman natin na hindi lahat ng bahay ay tahanan, di ba? Di ba may kasabihan tayo: “Mabuti na sa akin ang bahay kahit

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BLOOD AND WATER

 5,375 total views

 5,375 total views BLOOD AND WATER Homily for the Feast of the Sacred Heart of Jesus, 7 June 2024, Jn 19,31-37 I call the Feast of the Sacred Heart of Jesus a poetic feast about the mystery of the Love of Christ. Saint Paul himself sounds very poetic in our second reading from third chapter of

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

TAO PO (HINDI “TAO LANG PO”)

 5,379 total views

 5,379 total views TAO PO (HINDI “TAO LANG PO”) Homiliya Para sa Huwebes sa Ikasiyam na Linggo ng Karaniwang Panahon, 6 Hunyo 2024, Mk 12,28-34 May kuwento tungkol sa isang pusa na inanod ng agos ng baha at nakakapit sa sanga ng maliit na puno sa gilid ng estero. Nakita daw ito ng dalawang tao. Dahil

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE ETERNAL NOW

 5,379 total views

 5,379 total views THE ETERNAL NOW Homily for Wed of the 9th Week in Ordinary Time, 5 June 2024, Mk 12,18-27 The question raised in today’s Gospel reminds me of the story of a woman named Sarah in the Old Testament. No, I am not talking about Sarah, the wife of Abraham, but about the Sarah

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top