Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 269 total views

4th Sunday of Easter Cycle C

Acts 13:14.43-52 Rev 7:9.14-17 Jn 10:27-30

Bukas ay eleksyon na. Upang bigyan tayo ng katahimikan na magnilay at pumili nang maayos, ngayong araw ay tigil na ang lahat ng pangangampanya. Sana igalang ang space na ito ng mga politiko. Para sa iba kasi, sa araw na ito ay malakas ang gapangan sa mga botante at ngayon rin namimili ng mga boto. Mga kapatid, palatandaan na na ang namimili ng boto ay mga corrupt o magiging corrupt na mga politiko. Bumoto tayo ng mga kandidato na mabuti para sa bayan at hindi ang mga kandidato na mangdaraya sa atin. Dadayain tayo ng mga politiko na namimili ng boto.

Sa ating misa ngayon, ilahad natin sa Diyos ang mga taong iboboto natin bukas. Sana hindi tayo nahihiya sa Diyos sa iboboto natin kasi ito ay pinag-isipan natin at naniniwala tayo na maaayos na mga tao ito.

Nagkataon naman na ngayong Linggo, ang ika-apat na Linggo ng Muling Pagkabuhay ay ang Good Shepherd Sunday. Ang mga leaders sa Bible ay madalas tinatawag na mga shepherds, mga pastol. Kung papaano pinangangalagaan ng mga pastol ang kanilang mga tupa, ganoon din dapat pinapangalagaan ng mga leaders, religious leaders man o civil leaders, ang mga tao. Kinikilala natin na si JesuKristo ay ang mabuting pastol natin. Siya ay maayos na namumuno sa atin at siya dapat ang maging huwaran ng lahat ng mga namumuno.

Ano ang mga katangian ng mabuting pastol ayon sa sinabi ni Jesus? Tatlo ang narinig natin sa ating ebanghelyo ngayong araw: kilala niya ang kanyang tupa, binibigyan niya sila ng buhay, at pinapangalagaan niya sila upang hindi sila mawala at mapahamak.

Kilala ng leader ang pinamumunuan niya. Kilala niya sila kasi nakikiisa siya sa buhay nila. Iyan ay ginawa ng Diyos mismo. Kilala tayo ng Diyos kasi siya ang maylikha sa atin. Kilala tayo ng anak ng Diyos kasi nakipamuhay siya sa atin. Bumabad siya sa ating kalagayan. Naging tao siya! There is nothing human that is unknown to him, except sin, kasi ang kasalanan ay hindi bahagi ng ating totoong pagkatao. Sino sa mga kandidato natin ang nakababad sa ating kalagayan, ang dumadalaw sa atin kahit na sa labas ng panahon ng eleksyon? Ang mga politiko ay lumalapit sa tao sa panahon ng pangangampanya pero pagkatapos ng eleksyon hindi na sila malapitan ng tao. Boto lang ang kailangan nila sa atin. Nagpapakilala sila sa mga tao. Kinikilala din ba nila ang ating kalagayan? Ang politiko na sumusunod sa leadership ni Jesus ay lumalapit sa atin kahit na walang eleksyon. Inaalam niya ang ating kalagayan. Kilala niya tayo.

Pangalawang katangian: Binibigyan niya tayo ng buhay. Ginawa ito ni Jesus. Siya ay nag-alay ng kanyang buhay upang hindi tayo mapahamak, bagkus magkaroon ng buhay. Masipag siya sa pangangaral sa mga tao at sa pagtulong sa kanila. May mga politiko na namimigay ng pera. Binibili tayo niyan. Babawiin uli nila iyan kapag nanalo sila. Lalo na huwag tayong maniwala sa mga nangangako na magbibigay sila ng pera kung manalo siya! Kung talagang may pera sila, bakit noon pa man hindi na sila namigay ng pera? Ang kandidatong ayon sa larawan ni Jesus ay nagbibigay ng sigla at pag-asa sa atin. Iyan ang buhay na kailangan natin ngayon na tayo ay nababalot sa dilim ng kahirapan. Kailangan natin ng leaders na nakaka-inspire sa atin na bumangon, kumilos at makilahok para sa bayan.

At pangatlo, ang mabuting pastol ay nangangalaga sa atin. Ayaw niya na tayo ay mapahamak kaya may malasakit siya. Ang pangangalagang ito ay ang pagbibigay ng maayos na pangangaral, pagbibigay ng agarang tulong sa nangangailangan, at ang pagbibigay ng halimbawa sa isang maayos na pamumuhay. Nararamdaman ba natin ang pagmamalasakit ng mga tumatakbong politiko? Nagsisilbi ba silang maayos na halimbawa na matutularan natin? Masasabi ba natin: gusto kong maging tulad niya?

Pero ngayong Good Shepherd Sunday hindi lang sinasabi sa atin ang katangian ng Mabuting Pastol. Ano naman ang tugon natin na mga tupa sa Mabuting Pastol? They hear my voice and they follow me. Ang tupa ay nakikinig sa tinig ng pastol at sumusunod sila sa kanyang mga panawagan. Nagagawa ito ng mga tupa kasi magaan ang loob nila sa kanilang pastol. Nakikita at nararamdaman ng mga tupa ang pagmamalasakit at pagmamahal ng kanilang mga leaders. Nakuha nila ang kanilang tiwala kaya sumusunod sila. Hindi takot ang nagpapakilos sa mga tupa ngunit pag-ibig at paghanga.

Good Shepherd Sunday is also Vocation Sunday. Sa Linggong ito pinapaabot sa lahat ang pangangailangan natin ng mga leaders sa simbahan na magpapastol sa atin. Bilang Mabuting Pastol, si Jesus ay patuloy na tumatawag ng mga magpapatuloy ng kanyang misyon. Sa ating ikalawang pagbasa narinig natin ang pangitain ni Juan. Napakaraming mga tao na nakasuot ng damit na puti na sumusunod sa Kordero. Sila iyong nagtagumpay sa pagsubok. Nakikihati na sila sa kaluwalhatian sa langit. Hindi na sila magdurusa. Nakarating sila sa walang hanggang pastulan kasi may mga nagpastol sa kanila. Marami pa ngayon ang nangangailangan ng mga pastol. Sinabi ni Jesus: “Marami ang aanihin ngunit kakaunti ang manggagawa sa bukid. Magdasal kayo upang magpadala pa ang Diyos ng maraming mag-aani.” Hinihikayat tayo sa Linggong ito na sama-samang magdasal na magpadala ang Diyos ng maraming mabubuting pastol sa simbahan. Habang hinahangad natin na magkaroon ng mabubuting leaders sa pamahalaan kaya boboto tayo ng mga mabubuting tao na maging leaders natin, hangarin din natin na magkaroon tayo ng marami at mabubuting pastol sa simbahan. Sila ang magiging gabay natin na pastulang walang hanggan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 3,851 total views

 3,851 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »

Green Transport

 16,991 total views

 16,991 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 22,964 total views

 22,964 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 28,719 total views

 28,719 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »

Responsableng kasiyahan

 35,981 total views

 35,981 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily July 21, 2024

 359 total views

 359 total views 16th Sunday of Ordinary Time Cycle B Jer 23, 1-6 Eph 2:13-18 Mk 6:30-34 Pagkalito. Walang pagkakaisa. Nagkakagulo. Madaling masilo ng iba. Nanghihina. Iyan ang katangian ng kawan na walang pastol o napapabayaan ng pastol. Iyan din ang kalagayan ng mga tao na walang maayos na leader. Noong panahon ni Jeremias magulo ang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily July 14, 2024

 2,673 total views

 2,673 total views Homily July 14, 2024 15th Sunday of Ordinary Time Cycle B Amos 7:12-15 Eph 1:3-14 Mk 6:7-13 Ang Diyos ay palaging nagpapadala. Noon, nagpapadala siya ng mga propeta. Pinadala niya ang kanyang Anak. Pinadala niya ang kanyang mga alagad kaya sila ay tinawag na mga apostol, na ang kahulugan ay ang mga pinadala.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily July 7, 2024

 8,800 total views

 8,800 total views Homily July 7, 2024 14th Sunday Ordinary Time Cycle B Ez 2:2-5 2 Cor 12:7-10 Mk 6:1-6 Talagang nakakataka. Ang mabuti ay mahirap tanggapin at mahirap gawin, pero ang masama ay madaling paniwalaan at madaling gawin. Mahirap maniwala ang tao na nakabubuti sa kanila ang kabutihan pero madali sundin ang masasamang gawain. Hindi

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 30, 2024

 6,929 total views

 6,929 total views 13th Sunday of Ordinary Time Cycle B St. Peter’s Pence Sunday Wis 1:13-15; 2:23-24 2 Cor 8:7. 8. 13-15 Mk 5:21-43 Napakaraming kasamaan ang nababalitaan natin at nararanasan – pag-aaway, karamdaman, bisyo, at marami pa. Ang pinakamasama na iniiwasan natin pero madalas na nangyayari at sinasadya pang gawin ay ang kamatayan. Ang Magandang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 23, 2024

 9,212 total views

 9,212 total views 12th Sunday of Ordinary time Cycle B Job 38:1.8-11 2 Cor 5:14-17 Mk 4:35-41 Nakakatakot talaga na datnan ng bagyo sa gitna ng dagat. Kahit na iyong malayo sa Diyos ay napapatawag sa kanya. Lahat ng santo ay natatawagan nila. Ang mga kasama ni Jesus ay mga mangingisda. Sanay sila sa dagat. Pero

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 16, 2024

 12,118 total views

 12,118 total views 11th Sunday of Ordinary Time Cycle B Father’s Day Ez 17:22-24 2 Cor 5:6-10 Mk 4:26-34 Happy Father’s Day sa mga tatay na nandito! Ang ikatlong Linggo kada buwan ng Hunyo ay Father’s Day. Pinapaalaala po sa atin ang mga tatay natin. Malaki ang influensiya nila sa atin at malaki ang utang na

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 9, 2024

 13,057 total views

 13,057 total views Homily June 9, 2024 10th Sunday of Ordinary Time Cycle B Gen 3:9-15 2 Cor 4:13-5:1 Mk 3:20-35 Bising-bisi si Jesus. Marami ang mga tao na pumupunta sa kanya at sa kanyang mga alagad. Marami ang dumadating upang magpagaling sa anumang karamdaman. Lalong marami ay dumadating upang makinig sa kanyang mga aral. May

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 2, 2024

 13,051 total views

 13,051 total views Homily June 2, 2024 Solemnity of the Most Holy Body and Blood of Christ Cycle B Ex 24:3-8 Heb 9:11-15 Mk 14:12-16.22-26 Napakalaki ng pag-ibig ng Diyos sa atin. Naging tao siya upang makapiling tayo. Kahit na siya ay umakyat na sa langit patuloy pa rin tayong pinangangalagaan. Ipinamamagitan niya tayo sa Ama.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily May 26, 2024

 16,769 total views

 16,769 total views Solemnity of the Most Holy Trinity Cycle B Basic Ecclesial Community Sunday Deut 4:32-34.39-40 Rom 8:14-17 Mt 28:16-20 Matapos ang makababalaghang karanasan ng mga Israelita sa paglikas nila sa Egipto at matapos ang mahabang paglalakbay nila sa disyerto ng apatnapung taon, pinaisip sila ni Moises bago sila pumasok sa lupaing ipinangako sa kanila.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily May 19, 2024

 18,615 total views

 18,615 total views Homily May 19, 2024 Pentecost Sunday Cycle B Acts 2:1-11 1 Cor12:3-7.12-13 Jn 20:19-23 Ang Pentekostes ay isang dakilang pista ng mga Hudyo, kaya mayroong maraming tao noon sa Jerusalem na galing sa iba’t-ibang bansa. Namimiesta sila. Sa kapistahan ng Pentekostes ipinagdiriwang ng mga Hudyo ang pagbibigay sa kanila ng mga batas ng

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily May 12, 2024

 18,612 total views

 18,612 total views Homily May 12, 2024 Ascension Sunday World Communications Sunday Mother’s day Acts 1:1-11 Eph 4:1-13 Mk 16:15-20 Bahagi ng buhay ng tao ay ang pag-welcome at ang pamamaalam. Kadalasan masaya tayo sa pag-welcome sa isang dakila o mabait na tao at malungkot tayo sa pag-alis niya. Masaya tayo sa pagtanggap sa auntie na

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily May 5, 2024

 23,121 total views

 23,121 total views 6th Sunday of Easter Acts 10:25-26 1 Jn 4:7-10 Jn 15:9-17 Pag-ibig. Hinahanap-hanap ito ng marami. Ito ang nagbibigay ng kulay sa ating buhay at ito nga ang nagbibigay ng kabuluhan sa ating gawain. Kahit na mahirap at kahit na matagal, anumang hamon ay gagawin natin at magagawa natin kung tayo ay may

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily April 21, 2024

 28,437 total views

 28,437 total views Homily April 21, 2024 4th Sunday of Easter Cycle B Good Shepherd Sunday World Day of Prayer for Vocations Acts 4:8-12 1 Jn 3:1-2 Jn 10:11-18 Taon-taon ang ika-apat na Linggo ng panahon ng Muling Pagkabuhay ay Good Shepherd Sunday. Maliwag ang sinabi ni Jesus sa atin ngayong araw: “Ako ang mabuting pastol.”

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily April 14, 2024

 30,595 total views

 30,595 total views Homily April 14, 2024 3rd Sunday of Easter Cycle B Acts 3:13-15.17-19 1 Jn 2:1-5 Lk 24:35-48 Ang muling pagkabuhay ni Jesus ay ang tagumpay sa kasalanan. Ibinuhos na kay Jesus ang lahat ng fuersa ng kasalanan. Naranasan niya ang iba’t-ibang anyo ng kasalanan. Siya ay pinagbili ni Judas, pinagtinaksilan ni Pedro, pinagbintangan

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily April 7, 2024

 32,753 total views

 32,753 total views Homily April 7, 2024 2nd Sunday of Easter Cycle B Divine Mercy Sunday Acts 4:32-35 1 Jn 5:1-6 Jn 20:19-31 Ang muling pagkabuhay ay hindi lang tagumpay ni Jesus. Tagumpay ito ng buong katawan ni Kristo kaya kasama tayong lahat diyan kasi kaisa tayo ng katawan ni Kristo. Narinig natin sa ating ikalawang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top