388 total views

29th Sunday Cycle C

Ex 17:8-13 2 Tim 3:14-4:2 Lk 18:1-8

Dinasal natin sa ating pambungad na panalangin sa misang ito: “Ama naming makapangyarihan, gawin mong lagi naming matapat na sundin ang loob mo upang kami’y wagas na makapaglingkod sa iyo.” Paano natin malalaman ang kalooban ng Diyos upang ito ay ating magawa? Hindi naman niya tinatago sa atin ang gusto niya. Malalaman natin ito kapag binabasa natin ang Bibliya, ang Banal na Kasulatan. Nakasisiguro tayo na tama ang nasa Bibliya kasi, tulad ng narinig natin kay San Pablo sa ating ikalawang pagbasa: “Lahat ng kasulata’y kinasihan ng Diyos (inspired by God) at magagamit sa pagtuturo ng katotohanan.” Sana tulad ni Timoteo masasabi natin na mula nang pagkabata natin alam na natin ang Banal na Kasulatan. Kung hindi ito totoo sa atin, maaari naman tayong magsimula na ngayong alamin ito. Paano? Basahin ang Bibliya. Magbasa na tayo ng Banal na Kasulatan. Ang Espiritu Santong gumabay sa mga manunulat ng Bible ay gagabay din sa atin upang maintindihan ang nilalaman nito.

Ginagabayan tayo ng Bibliya sa matuwid na pamumuhay. Ang paksa ng ating ebanghelyo at unang pagbasa, at palaging inuugnay ito – ang ebanghelyo at ang unang pagbasa – ang paksa ng mga ito ay panalangin. Manalangin tayo nang may malaking pananalig. Dahil sa pananalig na ito nagtitiyaga tayong magdasal. Hindi lang na tayo ay nagdarasal. Magdasal tayo palagi – pray always. Magtiyaga sa pagdasal. Persevere in prayer. Ang katotohanang ito ay binibigyan ng diin ng mga pagbasa natin sa Bible ngayong Linggo. Dito tayo ginagabayan ng Banal na Kasulatan.

Hinadlangan ng mga Amelecita ang mga Israelita nang sila ay lumalakad sa disyerto patungo sa lupang ipinangako sa kanila. Sa Refidim sinalakay sila ng mga Amelecita. Binigyan ng instructions ni Moises si Josue na kumuha ng mga tauhan at harapin ang mga kaaway. Si Moises naman, na noon ay matandang matanda na, higit ng 80 years old na, ay umakyat ng burol upang ipagdasal ang mga Israelita. Dala-dala ang kanyang tungkod, itinaas niya ang dalawang kamay niya sa panalangin. Habang nakataas ang kanyang mga kamay, nananalo si Josue at ang mga Israelita. Ngunit dahil sa matanda na siya, madali siyang mangalay. Kapag nakababa ang kanyang kamay, natatalo ang mga Israelita. Ang ginawa ni Aaron at ni Hur, pinaupo si Moises sa isang bato at inalalayan ang kanyang kamay upang ito ay manatiling nakataas. Kaya nakataas nga ang kamay ni Moises ng buong araw at natalo ni Josue ang mga Amelecita. Mabisa ang dasal ni Moises na pinapakita ng kanyang kamay na nakataas. Siya ang prayer warrior habang ang mga warriors ni Josue ay nakikipagdigma sa baba. Ang pagtalo sa kaaway ay hindi lang dala ng magagaling na mga sundalo, kundi ng tulong ng Diyos. Dito malaki ang papel ng mga prayer warriors.

Ang mabibisa na mga prayer warriors ay ang mga matatanda, ang mga may sakit at ang mga bata. Tulungan natin silang magkapagdasal nang palagi. Ngayong October 18 sinisikap natin na magkaroon ng 1 million na mga bata na magdasal ng rosary para sa kapayapaan sa mundo na kailangang- kailangan natin ngayon na malakas ang tensions sa Ukraine, sa Iran, sa North Korea, sa Nicaragua at sa iba pang bahagi ng mundo. Isama natin ang mga anak, apo, pamangkin at kapatid natin na magdasal ng rosary.

Ang bisa ng palagiang panalangin ay ang tinukoy ni Jesus sa kanyang talinhaga na ating narinig. Sinabi ni San Lukas na isinaysay ni Jesus ang talinhagang ito upang ituro sa mga alagad na dapat silang manalangin nang palagi at huwag manghinawa na magdasal. Ang masamang hukom na hindi nagbibigay ng katarungan at hindi natatakot sa Diyos at sa tao ay pinagbiyan ang babaeng balo dahil sa kanyang palagiang paglapit sa kanya na humihingi ng katarungan. Ang Diyos ay hindi masamang hukom. Nagbibigay siya ng katarungan. Pero may pananampalataya ba tayong magtiyaga sa pagdarasal? Ang pananalig natin ay ating pinapakita hindi lang sa ating pagdarasal kundi sa ating MATIYAGANG pagdarasal. Ang pagtitiyaga ay tanda ng ating pananalig na ang Diyos ay maasahan, na kahit hindi agad tayo pinagbibigyan, hindi niya tayo pababayaan.

Hirap tayo sa matiyaga at palagiang pagdarasal dahil sinasanay tayo ng ating kultura ngayon na INSTANT, AGARAN. Isang pindot lang nag-iba na ang channel. Ilang pindot lang nakapadala na kaagad tayo ng text message. Ilang sandali lang at nandiyan na mainit ang kape o noodles natin. Gusto natin nandiyan agad. Kaya hindi na tayo nagtatagal sa relationships at pati na sa trabaho. Baka ganyan din ang magiging pakikitungo natin sa Diyos – isang simba lang, o isang pagnonobena lang inaasahan natin na nandiyan na kaagad ang ating hinihingi.

Kaya ng Diyos na magbigay agad. Ang problema ay tayo: mapapahalagahan ba natin ang kaagad na tinanggap. Alam ba natin na mahalaga ang ating hinihingi, o basta lang ito sumagi sa isip natin o nakita lang natin sa iba at kaagad gusto din natin ito, at ating ipinagdasal. Hindi nagmamadali ang Diyos – in his time. May timing siya at iyan ay para sa ikabubuti natin.

Ang mahalaga sa Diyos ay hindi ang mga bagay na binibigay niya. Ang mas mahalaga sa kanya ay ang relationship na napapahigpit sa ating palagiang paglapit sa kanya. Pinapanabik niya tayo hindi sa mga bagay, kundi sa kanya. Bini-build-up niya ang ating tiwala sa kanya. Kaya palagi tayong magdasal at huwag manghinawa.

Sa ating pagdarasal hinuhubog tayo ng Diyos. Humihigpit ang ating relationship sa kanya. Kaya kung palagi tayong nagdarasal, darating ang panahon na hindi na gaano mahalaga kung ano ang hinihingi natin. Maaaring hindi na nga tayo humihingi kasi nakakasiguro na tayo sa kanyang pagmamahal sa atin na hindi niya tayo pababayaan at ibibigay niya ang mabuti sa atin sa panahon na kailangan natin. Kahit na wala na tayong hinihingi, patuloy pa rin tayong nagdarasal kasi dito nararamdaman natin na malapit siya sa atin at nararamdaman natin ang pagpapalitan ng ating pag-iibigan sa kanya. Kaya magdasal tayo lagi hindi dahil na bingi ang Diyos o nagpapabaya siya. Magdasal tayo lagi kasi naglalambing tayo sa Diyos na mahal natin at nagmamahal din sa atin.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

BPO industry

 6,503 total views

 6,503 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 14,548 total views

 14,548 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »

Kuryente

 19,628 total views

 19,628 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »

Nutrisyong sapat para sa lahat

 25,335 total views

 25,335 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 34,123 total views

 34,123 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily July 7, 2024

 6,522 total views

 6,522 total views Homily July 7, 2024 14th Sunday Ordinary Time Cycle B Ez 2:2-5 2 Cor 12:7-10 Mk 6:1-6 Talagang nakakataka. Ang mabuti ay mahirap tanggapin at mahirap gawin, pero ang masama ay madaling paniwalaan at madaling gawin. Mahirap maniwala ang tao na nakabubuti sa kanila ang kabutihan pero madali sundin ang masasamang gawain. Hindi

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 30, 2024

 4,651 total views

 4,651 total views 13th Sunday of Ordinary Time Cycle B St. Peter’s Pence Sunday Wis 1:13-15; 2:23-24 2 Cor 8:7. 8. 13-15 Mk 5:21-43 Napakaraming kasamaan ang nababalitaan natin at nararanasan – pag-aaway, karamdaman, bisyo, at marami pa. Ang pinakamasama na iniiwasan natin pero madalas na nangyayari at sinasadya pang gawin ay ang kamatayan. Ang Magandang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 23, 2024

 6,934 total views

 6,934 total views 12th Sunday of Ordinary time Cycle B Job 38:1.8-11 2 Cor 5:14-17 Mk 4:35-41 Nakakatakot talaga na datnan ng bagyo sa gitna ng dagat. Kahit na iyong malayo sa Diyos ay napapatawag sa kanya. Lahat ng santo ay natatawagan nila. Ang mga kasama ni Jesus ay mga mangingisda. Sanay sila sa dagat. Pero

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 16, 2024

 9,840 total views

 9,840 total views 11th Sunday of Ordinary Time Cycle B Father’s Day Ez 17:22-24 2 Cor 5:6-10 Mk 4:26-34 Happy Father’s Day sa mga tatay na nandito! Ang ikatlong Linggo kada buwan ng Hunyo ay Father’s Day. Pinapaalaala po sa atin ang mga tatay natin. Malaki ang influensiya nila sa atin at malaki ang utang na

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 9, 2024

 10,779 total views

 10,779 total views Homily June 9, 2024 10th Sunday of Ordinary Time Cycle B Gen 3:9-15 2 Cor 4:13-5:1 Mk 3:20-35 Bising-bisi si Jesus. Marami ang mga tao na pumupunta sa kanya at sa kanyang mga alagad. Marami ang dumadating upang magpagaling sa anumang karamdaman. Lalong marami ay dumadating upang makinig sa kanyang mga aral. May

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 2, 2024

 10,773 total views

 10,773 total views Homily June 2, 2024 Solemnity of the Most Holy Body and Blood of Christ Cycle B Ex 24:3-8 Heb 9:11-15 Mk 14:12-16.22-26 Napakalaki ng pag-ibig ng Diyos sa atin. Naging tao siya upang makapiling tayo. Kahit na siya ay umakyat na sa langit patuloy pa rin tayong pinangangalagaan. Ipinamamagitan niya tayo sa Ama.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily May 26, 2024

 14,491 total views

 14,491 total views Solemnity of the Most Holy Trinity Cycle B Basic Ecclesial Community Sunday Deut 4:32-34.39-40 Rom 8:14-17 Mt 28:16-20 Matapos ang makababalaghang karanasan ng mga Israelita sa paglikas nila sa Egipto at matapos ang mahabang paglalakbay nila sa disyerto ng apatnapung taon, pinaisip sila ni Moises bago sila pumasok sa lupaing ipinangako sa kanila.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily May 19, 2024

 16,337 total views

 16,337 total views Homily May 19, 2024 Pentecost Sunday Cycle B Acts 2:1-11 1 Cor12:3-7.12-13 Jn 20:19-23 Ang Pentekostes ay isang dakilang pista ng mga Hudyo, kaya mayroong maraming tao noon sa Jerusalem na galing sa iba’t-ibang bansa. Namimiesta sila. Sa kapistahan ng Pentekostes ipinagdiriwang ng mga Hudyo ang pagbibigay sa kanila ng mga batas ng

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily May 12, 2024

 16,334 total views

 16,334 total views Homily May 12, 2024 Ascension Sunday World Communications Sunday Mother’s day Acts 1:1-11 Eph 4:1-13 Mk 16:15-20 Bahagi ng buhay ng tao ay ang pag-welcome at ang pamamaalam. Kadalasan masaya tayo sa pag-welcome sa isang dakila o mabait na tao at malungkot tayo sa pag-alis niya. Masaya tayo sa pagtanggap sa auntie na

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily May 5, 2024

 20,843 total views

 20,843 total views 6th Sunday of Easter Acts 10:25-26 1 Jn 4:7-10 Jn 15:9-17 Pag-ibig. Hinahanap-hanap ito ng marami. Ito ang nagbibigay ng kulay sa ating buhay at ito nga ang nagbibigay ng kabuluhan sa ating gawain. Kahit na mahirap at kahit na matagal, anumang hamon ay gagawin natin at magagawa natin kung tayo ay may

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily April 21, 2024

 26,159 total views

 26,159 total views Homily April 21, 2024 4th Sunday of Easter Cycle B Good Shepherd Sunday World Day of Prayer for Vocations Acts 4:8-12 1 Jn 3:1-2 Jn 10:11-18 Taon-taon ang ika-apat na Linggo ng panahon ng Muling Pagkabuhay ay Good Shepherd Sunday. Maliwag ang sinabi ni Jesus sa atin ngayong araw: “Ako ang mabuting pastol.”

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily April 14, 2024

 28,317 total views

 28,317 total views Homily April 14, 2024 3rd Sunday of Easter Cycle B Acts 3:13-15.17-19 1 Jn 2:1-5 Lk 24:35-48 Ang muling pagkabuhay ni Jesus ay ang tagumpay sa kasalanan. Ibinuhos na kay Jesus ang lahat ng fuersa ng kasalanan. Naranasan niya ang iba’t-ibang anyo ng kasalanan. Siya ay pinagbili ni Judas, pinagtinaksilan ni Pedro, pinagbintangan

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily April 7, 2024

 30,475 total views

 30,475 total views Homily April 7, 2024 2nd Sunday of Easter Cycle B Divine Mercy Sunday Acts 4:32-35 1 Jn 5:1-6 Jn 20:19-31 Ang muling pagkabuhay ay hindi lang tagumpay ni Jesus. Tagumpay ito ng buong katawan ni Kristo kaya kasama tayong lahat diyan kasi kaisa tayo ng katawan ni Kristo. Narinig natin sa ating ikalawang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

First Things First | April 6, 2024

 30,825 total views

 30,825 total views First Things First | April 6, 2024 WATCH: Reflection on today’s First Reading from Bp. Broderick Pabillo.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily March 10, 2024

 44,294 total views

 44,294 total views 4th Sunday of Lent Cycle B Laetare Sunday 2 Chr 36:14-16.19-23 Eph 2:4-10 Jn 3:14-21 Dinasal natin sa ating pambungad na panalangin: “Sa masigasig na pagsamba at matibay na pagsampalataya ang Sambayanang Kristiyano ay makadulog nawang masaya sa pagdiriwang ng dakilang kapistahan ng Pagkabuhay.” Nasa ikaapat na Linggo na tayo ng Kuwaresma. Sana

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top