Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Homily of His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle Archdiocese of Manila, Christmas Day Mass Missionaries of Charity at Tayuman Manila

SHARE THE TRUTH

 317 total views

His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle
Archdiocese of Manila
Homily
Christmas Day Mass
Missionaries of Charity, Tayuman Manila – December 25, 2018

Mga minamahal na kapatid sa Panginoong Hesukristo, una sa lahat magpasalamat ho tayo sa Diyos, dumating na naman ang isang kapaskuhan at nandito tayo, nakikipagdiwang sa simbahan at sa isa’t-isa.

Pwede bang malaman ilan sa inyo ang nandito noong isang taon noong Christmas din na ganitong misa? Wow, mga suki na ah? Mamamasko po! Maligayang Pasko po.

Ano ang suot n’yong t-shirt noong isang taon? (crowd answers) Tignan n’yo yan ah, dilaw daw, puti daw? (crowd answers) Ah, mali kayo, walang t-shirt last year! (Laughter) Hindi meron, meron.

Ang maganda po sa Pasko, taun-taon naririnig natin yung kwento ng pagsilang ni Hesus. Pero taun-taon din ang puso natin, naaantig pa rin hindi natin sinasabi, “lumang kwento na yan, alam ko na yan.” Kahit na paulit-ulit pa, parang laging bago at laging may sinasabi sa iyo.

Sa araw pong ito, ibig kong bigyan ng pansin ang isang bahagi ng ebanghelyo na pinulot din lalo na sa ikalawang pag-basa, at ano yun?

Sabi po dito, naging tao ang salita ng Diyos at s’yay nanirahan sa piling natin. Noong panahon ni Hesus, ang tingin nila, ang tingin ng mga hudyo sa Diyos ay napaka layo. Malayo ang Diyos, sobrang layo sa tao ni hindi mo nga mababanggit ang pangalan ng Diyos. Hindi tayo karapat dapat dahil iba ang Diyos, iba tayo kailangan may distansya.

Mayroong takdang panahon, sabi nga sa ikalawang pagbasa, ang Diyos nakipag-usap sa atin, hindi na sa pamamagitan ng mga propeta, hindi na sa pamamagitan nila Moises, kun’di sa pamamagitan ng kan’yang anak.

Si Hesukristo, anak ng Diyos ay ang Diyos na malapit sa atin, ang Diyos na kapiling natin. Kay Hesus na isinilang ng mahal na birheng Maria, ang Diyos ay hindi na malayo, ang Diyos, napaka lapit at niyakap n’ya ang lahat ng ating mga karanasan, maliban sa kasalanan.

Lahat ng karanasan ng tao, kapiling natin si Hesus, ‘wag lang sa kasalanan ah, hindi pwedeng sabihin, “Magnanakaw ako, nandito naman si Hesus, kasama ko s’yang nagnanakaw.” Ay hindi! Kasama natin sa lahat, maliban sa kasalanan. Nagugutom ka, kasama si Hesus, naguton din si Hesus, nalulungkot ka, hindi ka nag-iisa kasama mo si Hesus. Umiyak ka dahil may namatay sa iyong pamilya, kasama mo si Hesus, si Hesus umiyak din nung namatay ang kaibigan n’yang si Lazaro. Sabi mo wala kang matirahan, kasama mo si Hesus, sabi ni Hesus, “mabuti pa ang ibon sa himpapawid, mayroong pugad, mabuti pa yung asong gubat may lungga, ako ang anak ng Diyos, ni walang mahigaan.”

Lahat ng ating karanasan, saya, dusa, pag-asa, nand’yan si Hesus. At mga kapatid huwag po nating kalilimutan yan, at yan din ang nagbibigay sa atin ng pagiging responsable, dahil alam natin lahat ng ginagawa natin, lahat ng sasabihin natin, sana makita ng iba kasama nga natin si Hesus. Saan lang hindi natin kasama si Hesus? Sa kasalanan. Pero yung lahat, kasama s’ya ang tawag sa kan’ya ay Emmanuel, ibig sabihin ang Diyos ay kapiling natin.

Meron ho ba dito ang pangalan ay Emmanuel?
Hindi na uso ang pangalang Emmanuel.
Meron ba dito ang pangalan ay Manuel?
Ayun! Isa lang, nauubos na din, kasi kung ano-ano ang pinapangalan sa mga anak e.

Ngayon pasko may mga magpapabinyag, aba nung batang pari ako e may nagpapabinyag, tinanong ko sa magulang, “ano po ang pangalang ibibigay ninyo sa bata?” Sabi, “Lagermania” (Laughter) Aba, sabi ko dun sa ina, “Ano ho yun e, pangalan ng kalan, kalan ho yun. Ipapangalan n’yo ang anak n’yo sa kalan?” “Oho!” “Bakit?” “E magandang pakinggan e Lagermania!” (Laughter)

E, di sa pangalan palang yung batang yan laging parang kalan, nag-aapoy, huwag kang lalapit masusunog ka. E ang pangalan ni Hesus, Emmanuel, ang Diyos kapiling natin. Ang ganda! Ang ganda!

Ang pasko po ay hindi tungkol sa, “Ah may matatanggap akong sobre, may matatanggap akong T-shirt, may matatanggap akong pagkain.” Mahalaga lahat yun, pero sana makita natin, hindi lamang yan T-shirt, hindi lamang yan sobre, hindi lamang yan kahon, ‘yan ay simbolo, sagisag lamang ng isang kapiling natin na laging nagbibigay ng sarili, walang iba kun’di ang Diyos, si Hesus, anak ng Diyos.

Pero, yun ang una, ang Diyos hindi na malayo, ang Diyos kapiling natin.

Pero may ikalawa, sa ebanghelyo, si San Juan Bautista, ang sumaksi kay Hesus na darating na nga ang Diyos sa piling natin. Kailangan po natin ngayon, mga katulad ni Juan Bautista, yung magbibigay ng saksi sa mundo na ang Diyos ay narito.

Sana po sa ating ugali, sa ating mga pakikipag-ugnay, sana po sa ating mga pang-araw-araw na buhay, makita ng mga tao;
“Ay parang nakita ko si Hesus.”
“Ah parang naramdaman ko si Hesus.”
“Ah, parang narinig ko ang tinig ni Hesus.”

Sa pamamagitan natin, kung si Hesus kapiling natin, ipakita natin si Hesus. Tignan ninyo ang tao na ang laging iniisip at kapiling ay pera, nagmumukhang?
(crowd answers: “PERA!”)

Kapag ang tao ang laging n’ya ay… (gulp, gulp, gulp)
Amoy?(crowd answers: “ALAK!”)

Kapag ang tao ang laging kasama ay, (chit chatting hand gestures) Ano ho ang tawag don? (crowd answers: “TSISMOSA!”)

Ayan, kapag yan ang kasama mo, yan ang ipakikita mo, yan din ang ipaamoy mo, yan din ang iparirinig mo. Pero ang kapiling natin ay hindi pera, ang kapiling natin ay hindi alak, ang kapiling natin pagpasko hindi paninira, ang kapiling natin si Hesus, kaya dapat amoy Hesus, mukhang Hesus, tunog Hesus.

(crowd answers: “AMEN!”)

Baka Amen ng Amen tapos e, mamaya amoy pera na naman, amoy alak na naman, tunog tsismis na naman, ano ho?
Malinaw po ba yun? (crowd answers: “Opo!”)

Yan ang pasko, wala man tayong maibigay na sobre sa iba, meron pang pwedeng ibigay, ang presensya ni Hesus. Wala man kayong kahon na maibibigay, kapag nakapagbigay kayo ng pinaka matamis na ngiti at pagdamay sa ngalan ni Hesus, yan po ang higit pa sa mga regalong matatanggap.

So papipiliin ko kayo, ano ang gusto ninyo, pera o dasal? (crowd answers: “DASAL!”)
WOW ah! (laughter) (Applause) Talaga ah, nako umeepekto ang aking homilya.

Ano ang inaasahan ninyo, bagong damit o pagpapala?
(crowd answers: “PAGPAPALA!”)
(Laughter) Ayan! Talaga naman! Ano ang mas mahalaga, ang Misa o 30million pesos?
(crowd answers: “MISA!”)
(Applause) Ayan ha, sinabi n’yo yan!

Yan ang pasko! Ang Diyos kapiling natin, wala nang makakahigit sa kan’ya. Mawawala ang lahat, si Hesus laging kapiling natin. Kaya kahit hindi pasko ay pasko pa rin.

Maligayang Pasko po!

Tayo po ngayon ay tumahimik sandali at pasalamatan ang Diyos sa pinaka-dakilang regalo n’ya, ang kan’yang anak at si Hesus naman ang ating ireregalo sa iba, sa ating salita, isip at gawa.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Green Transport

 7,236 total views

 7,236 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 13,209 total views

 13,209 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 18,964 total views

 18,964 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »

Responsableng kasiyahan

 26,227 total views

 26,227 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »

Kalidad ng pagtuturo

 34,211 total views

 34,211 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Pagninilay ni Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle sa Banal na Misa sa New Bilibid Prison, Maximum Security – December 21, 2019

 4,264 total views

 4,264 total views Mga kapatid, magandang umaga po sa inyong lahat. Magpasalamat tayo sa Diyos, binigyan N’ya tayo ng magandang panahon, at nagkakasama-sama po tayo. Sabi ni sister, first time kong magmisa sa covered court, kasi dati sa chapel, e ito nga malaki nga ang covered court parang na doble yata ang attendance, natriple pa, so

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Homily of Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle on the 60th Anniversary of Manila Archdiocesan and Parochial Schools Association (MAPSA)

 4,263 total views

 4,263 total views Homily of Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle on the 60th Anniversary of Manila Archdiocesan and Parochial Schools Association (MAPSA) November 15, 2019 – Manila Cathedral My dear brothers and sisters in Christ, we give thanks to God for this beautiful day. We also give thanks to God for bringing us together as

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Pagninilay Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle Pandaigdigang Araw ng mga Mahihirap November 16, 2019, San Andres, Maynila

 4,221 total views

 4,221 total views Mga minamahal na kapatid sa pananampalataya, muli po, nagpapasalamat tayo sa Diyos na tayo ay magkakasama muli sa pagdiriwang ng Pandaigdigang Araw ng mga Mahihirap. Ito po ay sinimulan ni Pope Francis, sabi n’ya meron tayong World Youth Day, meron tayong World Meeting of Families, dapat magkaroon tayo ng World Day of the

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Homily Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle Mass for the Deceased Priests and Religious Arzobispado de Manila Chapel, Intramuros November 8, 2019

 4,234 total views

 4,234 total views We thank God for bringing us together, and we thank God for this beautiful practice, a beautiful tradition in our Archdiocese [where we] dedicate one morning of Eucharistic to remember our Bishops, Priests, I don’t know if we have deacons, and religious men and women. Of course we do not forget our beloved

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Pagninilay ni Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle sa Banal na Misa ng pagluluklok sa Sto. Niño de Tondo sa Manila Cathedral – October 19, 2019

 4,275 total views

 4,275 total views Mga minamahal na kapatid sa pananampalataya. Una po sa lahat, magpasalamat at magpuri tayo sa Diyos na Siyang nagtipon sa atin, bilang isang simbahan. Upang sa pagdiriwang ng Eukaristiya, tayo ay mapanibago Niya, mapalakas, bilang tunay na sambayanang kristiyano, nabubuhay sa salita ng Diyos, sa katawan at dugo ni Kristo, at sa ating

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Homily Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle Mass and blessing of the new facilities of the Holy Trinity Academy, Sampaloc, Manila October 11, 2019

 4,232 total views

 4,232 total views My dear brothers and sisters in Christ, we thank God and praise God for this beautiful day and we thank God for bringing us together as one community. Puwedeng malaman sino sa inyo ang pinaka bata? (Some students raised their hand) Meron bang nasa grade 1? Naku, wala? So anong grade kayo? (Crowd

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Homily Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle Kapistahan ni San Miguel at mga Arkanghel- National Shrine of Saint Michael and the Archangels September 30, 2019

 4,317 total views

 4,317 total views Mga minamahal na kapatid sa ating pananampalataya, nagpapasalamat po tayo sa Panginoon sa pagtitipon na ginawa N’ya sa atin ngayong linggong ito. Tuwing linggo, ang bayan ng Diyos ay nagpapasalamat sa paggunita sa tagumpay ni Kristo laban sa kamatayan at kasalanan, at tuwing linggo, harinawa, tayo rin bilang katawan ni Kristo ay nakikiisa

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Homily of Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle Misa ng Kapistahan ng Mater Dolorosa Parish, East Rembo, Makati

 4,201 total views

 4,201 total views Homily Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle Misa ng Kapistahan ng Mater Dolorosa Parish, East Rembo, Makati September 15, 2019 Mga minamahal na kapatid sa pananampalataya, tayo po ay nagbibigay puri at pasasalamat sa Diyos. Siya po ang nagtipon sa atin bilang isang sambayanan, bilang isang komunidad, bilang isang simbahan o parokya. Lalo

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Homily of Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle World Day of Prayer for Care of Creation at Quezon Memorial Circle

 4,196 total views

 4,196 total views Homily Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle World Day of Prayer for Care of Creation September 1, 2019 Quezon Memorial Circle My dear sisters and brothers in Christ, maganda at mabuting umaga po sa inyong lahat. I noticed that our commentator did not say, “Please be seated,” she’s very realistic. Alam n’ya na

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Kayabangan ng tao, dahilan ng pagkasira ng kalikasan

 4,269 total views

 4,269 total views Pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Abp. Luis Antoni Cardinal Tagle ang pagbubukas ng Season of Creation ngayong unang araw ng Septyembre 2019 sa Liwasang Aurora Quezon Memorial Circle. Kaisa sa banal na misa sina Cubao Bishop Honesto Ongtioco at Kalookan Bishop Pablo Virgiliio David. Sa pagninilay ni Cardinal Tagle, binigyang diin nito ang

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Homily Manila of Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle Episcopal Ordination of Bp. Roberto Gaa at Manila Cathedral

 4,414 total views

 4,414 total views Homily Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle Episcopal Ordination of Bp. Roberto Gaa Manila Cathedral August 22, 2019 My dear brothers and sisters in Christ, we give thanks and honor to God who has gathered us as one community, as one church in this beautiful day, the Memorial of the Queenship of Our

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Homily of Manila Archbishop Luis Antonio G. Cardinal Tagle during the Send –Off Mass for Volunteers and Staff of PCNE at University of Santo Tomas

 4,248 total views

 4,248 total views Homily of Manila Archbishop Luis Antonio G. Cardinal Tagle during the Send –Off Mass for Volunteers and Staff of PCNE University of Santo Tomas July 16. 2019 My dear brothers and sisters in Christ, we thank God for bringing us together on this almost rainy day so that in the Eucharist we will

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Maging maawain, mahabagin, at totoo sa kapwa

 4,297 total views

 4,297 total views Ito ang hamon ni Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle sa mga mananampalataya, kasabay ang pagdiriwang ng ika-20 Anibersaryo ng pagtatalaga sa Shrine of Jesus the Way the Truth and the Life. Ayon kay Cardinal Tagle, ang bawat mananampalataya ay nagnanais na makasunod kay Hesus, subalit hindi ito madali dahil kinakailangang tularan ng

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Homily of Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle Dakilang Kapistahan ng Corpus Christi Archdiocesan Shrine of the Blessed Sacrament at Sta. Cruz Parish

 4,257 total views

 4,257 total views Homily Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle Dakilang Kapistahan ng Corpus Christi Archdiocesan Shrine of the Blessed Sacrament, Sta. Cruz Parish June 23, 2019 Mga minamahal na kapatid sa pananampalataya, tayo po ay magpasalamat sa Diyos, na S’yang nagtipon sa atin bilang isang simbahan, sambayanan, isang pamilya ng pananampalataya, at tayo po ay

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Homilya ni Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle sa Pagmimisa sa Pagtatakipsilim sa Paghahapunan ng Panginoon – April 18, 2019 – Manila Cathedral

 4,214 total views

 4,214 total views Mga minamahal na kapatid kay Hesukristo, magpasalamat po tayo sa panginoon tayo ay tinipon niya para sa pagsisismula ng ating pagdiriwang ng pagpapakasakit, kamatayan at muling pagkabuhay ng Panginoong Hesukrito. At sa gabing ito atin pong ginugunita sa pagtatakip- silim ang hapunan na tinawatawag nating huling hapunan ng Panginoon kasama ang kanyang mga

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top