Ituon kay Hesus ang Pasko

SHARE THE TRUTH

 283 total views

Ipinaalala ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa mga mananampalataya na sa pagsilang ni Hesus sa sanlibutan ay inilapit ng Panginoon ang kan’yang sarili sa mga tao.

Sa pagninilay ni Cardinal Tagle sa banal na misa para sa pasko na ginanap sa Missionaries of Charity sa Tayuman, Manila, binigyang diin nito na hindi dapat kalimutan ng mga tao ang anak ng Diyos na si Hesus sa anumang karanasan sa kanilang buhay gaya ng galak, dusa at pag-asa.

Ayon sa cardinal na sa lahat ng pagkakataon ay naroon si Hesus upang samahan ang mga tao, subalit hindi sa paggawa ng kasalanan.

“Lahat ng karanasan ng tao, kapiling natin si Hesus, ‘wag lang sa kasalanan ah, hindi pwedeng sabihin, “Magnanakaw ako, nandito naman si Hesus, kasama ko s’yang nagnanakaw.” Ay hindi! Kasama natin sa lahat, maliban sa kasalanan,” bahagi ng pahayag ni Cardinal Tagle.

Dagdag pa ng Cardinal, ito din ang nagsisilbing paalala sa mga tao na kinakailangang maging responsable ang bawat isa sa anumang bagay na kanilang ginagawa sa pang-araw-araw dahil alam ng bawat isa na ito ay nakikita ni Hesus.

“Lahat ng ating karanasan, saya, dusa, pag-asa, nand’yan si Hesus. At mga kapatid huwag po nating kalilimutan yan, at yan din ang nagbibigay sa atin ng pagiging responsable, dahil alam natin lahat ng ginagawa natin, lahat ng sasabihin natin, sana makita ng iba kasama nga natin si Hesus,” dagdag pa ng Cardinal.

Muling binigyang diin ng Cardinal na si Hesus ang kasa-kasama ng bawat isa sa tuwing kapaskuhan, at hindi dapat matuon sa ibang bagay ang isipan ng mga mananampalataya.

Giit pa ng Cardinal upang madama ng isang tao sa kan’yang kapwa ang Panginoon ay kinakailangang maging kawangis, kasing amoy, at kasing tunog ng bawat mananamapalataya ang Panginoong isinilang sa sanlibutan.

READ: Homily of His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle Archdiocese of Manila, Christmas Day Mass Missionaries of Charity at Tayuman Manila

“Ang kapiling natin ay hindi pera, ang kapiling natin ay hindi alak, ang kapiling natin pagpasko hindi paninira, ang kapiling natin si Hesus, kaya dapat amoy Hesus, mukhang Hesus, tunog Hesus,” bahagi ng pahayag ni Cardinal Tagle.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BICAM OPEN TO PUBLIC

 5,330 total views

 5,330 total views Napakagandang hangarin at mithiin., maisakatuparan naman kaya ito? Kapanalig, ang bicameral conference committee ay binubuo ng mga mambabatas mula sa mataas at mababang

Read More »

Isang bayang hindi kayang mag-isip

 24,302 total views

 24,302 total views Mga Kapanalig, “exceptional product of human genius” ang tawag ni Pope Leo XIV sa artificial intelligence (o AI). Mula sa healthcare hanggang sa

Read More »

Pagulungin ang proseso ng batas

 56,967 total views

 56,967 total views Mga Kapanalig, humiling ang defense team ni dating Pangulong Duterte na payagan ang kanilang kliyente na pansamantalang palayain habang dinidinig ang kanyang kasong

Read More »

Pampersonal o pambayan?

 62,079 total views

 62,079 total views Mga Kapanalig, malinaw sa ating Konstitusyon na ang bise presidente ay isang standby official. Nasasaad sa pinakamataas na batas sa ating bansa: “Kung

Read More »

GAME OF CHANCE

 104,151 total views

 104,151 total views Sa sugal walang nanalo.., walang yumayaman., sa sugal, ang sugarol ay laging talo. Dahil sa pagkagumon sa sugal, marami nang Pilipino ang nasira

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 157,695 total views

 157,695 total views “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »

Our Lady of Mt.Carmel, kinoronahan

 101,541 total views

 101,541 total views August 18, 2020 Kinoronahan ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco ang imahe ng Our Lady of Mount Carmel sa Minor Basilica and National Shrine

Read More »
Scroll to Top