VeritasPH

The Word, The Truth

Homily of Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle Kapistahan ni St. Lazarus of Bethany at Chapel of St. Lazarus, Sta. Cruz, Manila

SHARE THE TRUTH

 238 total views

Homily
Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle
Kapistahan ni St. Lazarus of Bethany
April 7, 2019
Chapel of St. Lazarus, Sta. Cruz, Manila

Mga minamahal na kapatid sa pananampalataya, una po sa lahat nagpapasalamat tayo sa Diyos siya po ang tumawag sa atin, nagtipon sa atin para maging sambayanang nakikinig sa kanyang salita, tatanggap ng kaniyang katawan at dugo at huhubugin ng Espiritu Santo.

Para maging tunay na bayan ng Diyos dito po sa ating kasaysayan. Nagpapasalamat din po tayo sa pagdiriwang muli ng kapistahan ng atin pong Chapel, San Lazaro, kaibigan ni Hesus at kaibigan na nakaranas ng pagpapalaya mula sa kamatayan.

Napakaganda na siya ang patron ng ating Chapel at ng Ospital dahil hinihiling natin na tayo ay mapalaya harinawa sa karamdaman at sa mga iba’t-iba pang nakakaapekto sa ating buhay, kalayaan, liberation.

‘Yan po ang napakagandang aral ng napakagandang pagbasa natin ngayon, at kung makapagsasalita siguro si San Lazaro, sasabihin niya walang katapusang “Amen! Amen! Naranasan ko yan!”

Sa unang pagbasa mula sa propetang Isaias ipinakita kung papano pinalaya ng Diyos ang bayan ng Israel mula sa kanilang pagka-alipin sa Ehipto.
Hindi gusto ng Diyos na mananataling nakapinid sa pagkaalipin ang Israel, inakay Niya. Kaya lang ang Israel nung mapalaya na, bumalik sa kasalanan! Naalipin na naman, pero ang Diyos hindi nag-sawa, inakay na naman towards liberation.

Ang Diyos hindi natutuwa kapag mayroong nakukulong, naalipin, gusto niya bahong buhay mapalaya ang tao.

Tatlo po ang karanasan ni San Pablo sa ikalawang Pag-basa. Si San Pablo, mabuting tao, alam na alam niya ang biblia kaya lang yung kanyang interpretasyon ng salita ng Diyos naging parang kulungan ano po?

Parang kumitid at naging mapanghusga. Sa katunayan si San Pablo noong siya ay si Saul pa lamang, nakiisa sa pang-uusig sa mga Kristiyano dahil nakulong si San Pablo sa makitid na pang-unawa ng salita ng Diyos at ng Batas.

Pinalaya siya ni Hesus at ngayon sabi ni San Pablo sa ikalawang pag-basa yung mga dating kinakapitan niya akala niya napakahalaga, ngayon binitawan niya napalaya na siya.

Ang gusto na lamang niya mapalapit kay Hesus, palagay ko tayong lahat may gan’yan, hindi naman masama mayroon tayong mga kinakapitan, pero dahil kinapitan na natin di natin alam nagiging preso.

Halimbawa cellphone, hindi naman masama ang cellphone, pero maya’t-maya hawak, maya’t-maya tinitingnan, maya’t-maya binabasa, preso na preso! May kausap na nga, kinakausap ng asawa, hindi matingnan yung asawa, doon sa cellphone nakatingin, preso na nga.

Tinatawag ka ng nanay mo pero hindi mo na naririnig kasi nando’n ka na nakatutok d’yan sa cellphone. Mabuting bagay pero naging, preso, at wala na, wala ka nang naririnig, wala nang nakikita.

Mayroon ngang nagtanong, survey, “Kapag naiwanan mo ang iyong wallet at cellphone sa bahay? Ano ang babalikan mo?” Ang sagot ng marami, CELLPHONE! Hindi na baling walang wallet, basta meron akong cellphone.

Ano pa? Pati sa misa nga ina-announce kung maari ilagay sa silent mode, mga ganyan. Kasi nakapag-misa na po ako rinig na rinig ko nag-ring yung telepono,yun pala nagriring yung telepono yung isang naka-upo sa unahan pa, sa unahan, naku consecration, itinataas ko yung ostia.

Sinagot! katatapos lang natin i-bless yung adoration chapel, parang nandiyan si Hesus. Nandiyan ang cellphone sinong uunahin? SI CELLPHONE PARIN! Para hindi ako magalit inisip ko nalang siguro kinukwento niya doon sa kausap niya, “O ayan tinataas na ni Bishop ang ostia.” “O ayan lumuluhod na kami.” Para hindi nalang ako magalit, kasi ayokong mang-husga.

Pero katulad ni San Pablo marami tayong nagsisimula sa mabuting bagay na unti-unti nagiging, preso. Soap Opera, teleserye, maganda naman yon pang libang-libang. Aba, nagiging preso na, hindi na kumakain, hindi na nagluluto ng hapunan, basta makapanuod ng hindi ko na sabihin ang titulo!

At yung mga pinagkwekwentuhan, hindi na yung tunay na buhay. Ang pinagkuwekwentuhan na yung napapanood sa teleserye at ginagaya na sa buhay.

Nagpunta po ako sa Malaysia sa Kota-Kinabalu don pala ay nakukuha nila itong ating mga Filipino channel kasi malapit lang. Napapanood nila ang mga teleserye, kinuwento sa akin noong nagluluto doon. Sabi ko “talaga? really?” sabi niya “Yes we know. Tagalog, dahil nga sa kakapanood ng teleserye sabi ko “ Sige nga” sagot sa akin “Bakit ganyan ang tingin mo sa akin?”

Naku, talagang mga linya sa teleserye pati sa Malaysia ay na-imprison na sila. Gusto ng Diyos liberation, makilala si Hesus at yan po ang karanasan ng babaeng nahuling nakikiapid. Siya ay dinala ng mga dalubhasa sa batas, dinala siya kay Hesus kasi po yung mga nahuhuling nakikiapid na babae noong panahon niya ay automatic kapag nahuli ka, caught in the act, automatic death penalty at babatuhin ka ‘yan ang pagpatay sa iyo, babatuhin ka, hindi ka lamang mamatay physically, mamatay ka sa kahihiyan kasi naka expose yan sa publiko at yun siguro ang mas masakit na kamatayan, yung hiniya ka at ang buo mong pamilya publicly.

Pero tingnan niyo ang ginawa ni Hesus sabi niya, “Kung sino man ang walang kasalanan kayo ang unang bumato” at unti-unti silang umalis pinalaya ni Hesus yung mga Pariseo sa kanilang kayabangan sa kanilang pagmamapuri akala mo sila walang kasalanan kung manghusga ng kapwa.

Alam niyo ayan po ang isang preso natin nakikita natin yung mali ng iba ayaw natin ding aminin tayo ay mayroon ding pagkakamali ang tawag don self-righteousness.

Mga mag-asawa, alam ko may mga may asawa dito. Napapansin ko yan, panahon ngayon ng graduation kapag may honor yung anak pag-umakyat na sa stage sasabihin ng magulang nanay man o tatay “haaay ang anak ko. Tingnan mo yung anak ko honor student.”

Pero kapag sumulat yung principal na ang anak n’yo ay mayroong problema, sasabihin doon sa asawa niya, pumunta ka sa principal, ‘yang anak mo, “yang anak mo may problema!” Kapag honor-honor “anak ko, anak ko!” Kapag problema, “Anak mo na yan!”

Maghuhugas na ng kamay, aba bakit ganun? Kapag maganda, lahat tayo kumakapit para may bahagi doon sa Gloria, kaluwalhatian, pero kapag kasalanan bato tayo ng bato kahit na asawa “Anak mo yan!” Pero kapag ang sulat ng principal “bibigyan po ng awa…rd” hindi sasabihin sa asawa, “Anak Ko, Anak Ko!”.

Lahat tayo nakukulong sa pagmamapuri, kabulaanan, kasinungalingan na ang lahat ng masama nasa kanila. Ako, malinis ako. Sabi ni Hesus “Palalayain kita d’yan” simpleng tanong, “ang walang kasalanan ikaw ang unang tumayo.”

Ang mundo natin ngayon batuhan ng batuhan nang mga kung ano-anong paratang ang nagbabatuhan naman sana aminin “Ako rin hindi malinis” lahat nagmamalinis, wala tayong pupuntahan d’yan lahat tayo ma pe-preso.

Saan, sa kayabangan, sa kasinungalingan. Ang gusto ni Hesus lumaya kayo d’yan at harapin ang katotohanan, at pati yung babaeng nagkasala, pinalaya ni Hesus sabi niya “O nasaan yung mga humuhusga sayo?

“Wala pong natira” sabi niya “Ako rin, hindi kita paruruhasan subalit humayo ka, huwag ka nang magkasala. Hindi naman sinabi ni Hesus “ wala na palang nagpaparusa sayo, sige makiapid ka pa ituloy mo lang yan!” Hindi gano’n ‘yon, malinaw na sinabi ni Hesus, “Hindi kita kinukondena, pero kaya kita hindi kinukondena ay para lumayo ka na, huwag mo nang balikan ang pagkakasalang iyan.

Kung hindi, talagang mapaparuhasan ka kung ikaw na mismo ang babalik at babalik sa pagka-alipin.

Mga kapatid si San Lazaro pinalaya sa kamatayan, ‘yan ang gusto ni Hesus at lahat tayo mayroong kasalanan, lahat tayo may pagka-alipin, lahat tayo may pagkaka-imprisonment. Saan tayo nakakulong? Ano ang umaalipin sa atin?

Sa tulong ng panalangin ni San Lazaro at sa bisa ng salita ni Hesus, sana po lahat tayo mapalaya para makatahak sa bagong buhay na inaalay ni Hesus para sa atin.

At ipanalangin natin ang mga kapatid nating may karamdaman , mapalaya sila sa karamadaman, o kung talagang sa karupukan ng katawan ng tao ay walang lunas sa kanilang karamdaman, harinawa mapalaya sila sa kanilang mga hinanakit, sa kanilang mga sama ng loob, sa kanilang mga galit ,sa kanilang mga pagka-alipin sa isip at kalooban… San Lazaro, ipanalangin mo kami.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Responsableng kasiyahan

 10,806 total views

 10,806 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »

Kalidad ng pagtuturo

 18,791 total views

 18,791 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »

Mga payaso sa sirko

 26,327 total views

 26,327 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »

BPO industry

 42,312 total views

 42,312 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 50,356 total views

 50,356 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Pagninilay ni Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle sa Banal na Misa sa New Bilibid Prison, Maximum Security – December 21, 2019

 4,221 total views

 4,221 total views Mga kapatid, magandang umaga po sa inyong lahat. Magpasalamat tayo sa Diyos, binigyan N’ya tayo ng magandang panahon, at nagkakasama-sama po tayo. Sabi ni sister, first time kong magmisa sa covered court, kasi dati sa chapel, e ito nga malaki nga ang covered court parang na doble yata ang attendance, natriple pa, so

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Homily of Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle on the 60th Anniversary of Manila Archdiocesan and Parochial Schools Association (MAPSA)

 4,220 total views

 4,220 total views Homily of Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle on the 60th Anniversary of Manila Archdiocesan and Parochial Schools Association (MAPSA) November 15, 2019 – Manila Cathedral My dear brothers and sisters in Christ, we give thanks to God for this beautiful day. We also give thanks to God for bringing us together as

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Pagninilay Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle Pandaigdigang Araw ng mga Mahihirap November 16, 2019, San Andres, Maynila

 4,178 total views

 4,178 total views Mga minamahal na kapatid sa pananampalataya, muli po, nagpapasalamat tayo sa Diyos na tayo ay magkakasama muli sa pagdiriwang ng Pandaigdigang Araw ng mga Mahihirap. Ito po ay sinimulan ni Pope Francis, sabi n’ya meron tayong World Youth Day, meron tayong World Meeting of Families, dapat magkaroon tayo ng World Day of the

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Homily Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle Mass for the Deceased Priests and Religious Arzobispado de Manila Chapel, Intramuros November 8, 2019

 4,191 total views

 4,191 total views We thank God for bringing us together, and we thank God for this beautiful practice, a beautiful tradition in our Archdiocese [where we] dedicate one morning of Eucharistic to remember our Bishops, Priests, I don’t know if we have deacons, and religious men and women. Of course we do not forget our beloved

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Pagninilay ni Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle sa Banal na Misa ng pagluluklok sa Sto. Niño de Tondo sa Manila Cathedral – October 19, 2019

 4,232 total views

 4,232 total views Mga minamahal na kapatid sa pananampalataya. Una po sa lahat, magpasalamat at magpuri tayo sa Diyos na Siyang nagtipon sa atin, bilang isang simbahan. Upang sa pagdiriwang ng Eukaristiya, tayo ay mapanibago Niya, mapalakas, bilang tunay na sambayanang kristiyano, nabubuhay sa salita ng Diyos, sa katawan at dugo ni Kristo, at sa ating

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Homily Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle Mass and blessing of the new facilities of the Holy Trinity Academy, Sampaloc, Manila October 11, 2019

 4,189 total views

 4,189 total views My dear brothers and sisters in Christ, we thank God and praise God for this beautiful day and we thank God for bringing us together as one community. Puwedeng malaman sino sa inyo ang pinaka bata? (Some students raised their hand) Meron bang nasa grade 1? Naku, wala? So anong grade kayo? (Crowd

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Homily Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle Kapistahan ni San Miguel at mga Arkanghel- National Shrine of Saint Michael and the Archangels September 30, 2019

 4,274 total views

 4,274 total views Mga minamahal na kapatid sa ating pananampalataya, nagpapasalamat po tayo sa Panginoon sa pagtitipon na ginawa N’ya sa atin ngayong linggong ito. Tuwing linggo, ang bayan ng Diyos ay nagpapasalamat sa paggunita sa tagumpay ni Kristo laban sa kamatayan at kasalanan, at tuwing linggo, harinawa, tayo rin bilang katawan ni Kristo ay nakikiisa

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Homily of Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle Misa ng Kapistahan ng Mater Dolorosa Parish, East Rembo, Makati

 4,158 total views

 4,158 total views Homily Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle Misa ng Kapistahan ng Mater Dolorosa Parish, East Rembo, Makati September 15, 2019 Mga minamahal na kapatid sa pananampalataya, tayo po ay nagbibigay puri at pasasalamat sa Diyos. Siya po ang nagtipon sa atin bilang isang sambayanan, bilang isang komunidad, bilang isang simbahan o parokya. Lalo

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Homily of Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle World Day of Prayer for Care of Creation at Quezon Memorial Circle

 4,153 total views

 4,153 total views Homily Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle World Day of Prayer for Care of Creation September 1, 2019 Quezon Memorial Circle My dear sisters and brothers in Christ, maganda at mabuting umaga po sa inyong lahat. I noticed that our commentator did not say, “Please be seated,” she’s very realistic. Alam n’ya na

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Kayabangan ng tao, dahilan ng pagkasira ng kalikasan

 4,226 total views

 4,226 total views Pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Abp. Luis Antoni Cardinal Tagle ang pagbubukas ng Season of Creation ngayong unang araw ng Septyembre 2019 sa Liwasang Aurora Quezon Memorial Circle. Kaisa sa banal na misa sina Cubao Bishop Honesto Ongtioco at Kalookan Bishop Pablo Virgiliio David. Sa pagninilay ni Cardinal Tagle, binigyang diin nito ang

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Homily Manila of Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle Episcopal Ordination of Bp. Roberto Gaa at Manila Cathedral

 4,371 total views

 4,371 total views Homily Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle Episcopal Ordination of Bp. Roberto Gaa Manila Cathedral August 22, 2019 My dear brothers and sisters in Christ, we give thanks and honor to God who has gathered us as one community, as one church in this beautiful day, the Memorial of the Queenship of Our

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Homily of Manila Archbishop Luis Antonio G. Cardinal Tagle during the Send –Off Mass for Volunteers and Staff of PCNE at University of Santo Tomas

 4,205 total views

 4,205 total views Homily of Manila Archbishop Luis Antonio G. Cardinal Tagle during the Send –Off Mass for Volunteers and Staff of PCNE University of Santo Tomas July 16. 2019 My dear brothers and sisters in Christ, we thank God for bringing us together on this almost rainy day so that in the Eucharist we will

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Maging maawain, mahabagin, at totoo sa kapwa

 4,254 total views

 4,254 total views Ito ang hamon ni Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle sa mga mananampalataya, kasabay ang pagdiriwang ng ika-20 Anibersaryo ng pagtatalaga sa Shrine of Jesus the Way the Truth and the Life. Ayon kay Cardinal Tagle, ang bawat mananampalataya ay nagnanais na makasunod kay Hesus, subalit hindi ito madali dahil kinakailangang tularan ng

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Homily of Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle Dakilang Kapistahan ng Corpus Christi Archdiocesan Shrine of the Blessed Sacrament at Sta. Cruz Parish

 4,214 total views

 4,214 total views Homily Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle Dakilang Kapistahan ng Corpus Christi Archdiocesan Shrine of the Blessed Sacrament, Sta. Cruz Parish June 23, 2019 Mga minamahal na kapatid sa pananampalataya, tayo po ay magpasalamat sa Diyos, na S’yang nagtipon sa atin bilang isang simbahan, sambayanan, isang pamilya ng pananampalataya, at tayo po ay

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Homilya ni Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle sa Pagmimisa sa Pagtatakipsilim sa Paghahapunan ng Panginoon – April 18, 2019 – Manila Cathedral

 4,171 total views

 4,171 total views Mga minamahal na kapatid kay Hesukristo, magpasalamat po tayo sa panginoon tayo ay tinipon niya para sa pagsisismula ng ating pagdiriwang ng pagpapakasakit, kamatayan at muling pagkabuhay ng Panginoong Hesukrito. At sa gabing ito atin pong ginugunita sa pagtatakip- silim ang hapunan na tinawatawag nating huling hapunan ng Panginoon kasama ang kanyang mga

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top