240 total views
March 23, 2020, 1:59PM
Tiniyak ni Reverend Father Julius Lupot, ang priest – Chaplain ng Rizal Medical Center sa lunsod ng Pasig ang patuloy na pagdarasal hindi lamang sa mga nahawaan ng corona virus kundi sa mga tinaguriang frontliners.
Sa mensahe ni Fr. Lupot sa Radio Veritas, binigyang diin nito na bilang lingkod ng simbahang katolika ito ang kanyang mai-aambag sa mga doctor, nurse, medical personel at sa lahat ng manggagawa sa pagamutan na nakikipaglaban sa COVID 19 sapagkat nililimitahan ng pamunuan ang kanyang pag-iikot sa mga pasyente bunsod na rin sa kritikal na sitwasyon.
“To the Frontliners, all they need are PRAYERS; I give them their due in Masses and Prayers,” pahayag ni Fr. Lupot sa Radio Veritas.
Ayon kay Fr. Lupot, bagamat bihirang makadalaw ngayon sa mga may karamdamang naka-admit sa RMC patuloy itong isinasama sa kanyang mga panalangin na makamtan ang lubusang paggaling sa tulong ng habag at awa ng Panginoong Diyos.
Sa pinakabagong tala ng Department of Health umabot na sa halos 400 ang bilang ng nagpositibo sa COVID 19 habang 18 dito ang gumaling na mula sa karamdaman.
“Very minimal ang doing of rounds to the patients kasi pinagbawalan muna ako ng mga doctors; so I prayed for them in my daily masses sa Rizal Med Chapel,” dagdag pa ni Fr. Lupot.
Unang kinilala ni Novaliches Bishop Teodoro Bacani Jr. ang mga tinaguriang frontliners kung saan pinangunahan ito ng mga doctor, nurse at mga medical personel dahil sa kanilang dedikasyon na labanan ang COVID 19 sa kabila ng malaking banta ng pagkahawa.
Namigay din ng tulong UP-PGH Chaplaincy ng tulong sa mga frontliners sa patuloy na pagkalat ng COVID-19 sa bansa.
Read: https://www.veritas846.ph/wp-admin/post.php?post=66943&action=edit
Sa kasalukuyan wala pang lunas ang nasabing karamdaman na sumisira sa baga ng tao lalo na ang mahihina ang immune system sapagkat karamihan sa mga pumanaw dito ay sanhi ng severe acute pneumonia o labis na hirap sa paghinga.