Adopt a poor family, ipinapatupad ng Diocese of Kalookan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 550 total views

March 23, 2020, 2:57PM

Ipinapatupad ng Diyosesis ng Kalookan ang “Adopt a Poor Family” upang matulungan sa kanilang pang-araw araw na pangangailangan ang mga mahihirap na pamilyang apektado ng Luzon wide Enhanced Community Quarantine.

Ayon kay Kalookan Bishop Pablo Virgilio David, Bise-presidente ng Catholic Bishops Conference of the Philippines, hindi lahat ay mabibigyan ng tulong ng simbahan kundi dapat na matiyak na mabigyan ng tulong ang mga higit na nangangailangan.

“Yung aming mga mission chaplains, personal ang pakikipag-ugnayan. Kaya sabi ko, magdoor to door tayo sa pinaka-pinaka nangangailangan. Kasi ang maganda sa mga mission stations namin ang mission chaplain nakatira mismo sa slums so nandudoon sila. They know the people, they meet them upclose kilala nila by name,” pahayag ni Bishop David sa panayam ng Radio Veritas.

Sinabi ng Obispo na ang pondo ng simbahan hindi galing sa gobyerno kundi mula sa mga individual contributors na gustong tumulong sa pinaka-nangangailangan.

“Kaya ang tulong na mai-extend ngayon ng simbahan is not for everybody kailangan lang tukuyin yung pinaka-nangangailangan.”paglilinaw ng Obispo

Sinabi ng Obispo na ang pagbibigay ng tulong ay napili sa pamamagitan ng mga mission stations ng diyosesis na nakatalaga sa mga slum areas o informal settlers.

Sa kasalukuyan ay mayroong 13 mission stations ang diyosesis na pinangangasiwaan ng mga relihiyoso at mga diyakono na matatagpuan sa mga itinuturing na pinakamahihirap sa komunidad.

ANG SALOT AY HINDI BIYAYA

Nilinaw naman ng Obispo na hindi biyaya ng Panginoon ang COVID-19 o anumang salot na nagdudulot nang pagdurusa ng mamamayan.

Gayunman, nilinaw ng Obispo na dito makikita at lalabas ang kabutihan ng tao sa pagtugon sa pangangailangan ng kaniyang kapwa.

“Ngayon, sa gitna ng salot pwedeng lumabas ang mga blessings at ang paglabas ng blessing hindi yung salot kundi yung response natin dun sa salot. Yun ung tutukan natin ng pansin, at isa ng sa blessings na inilalabas nito ay yung kagandahagn loob ng tao. Kasi both the best of ourselves and the bad of ourselves will come out in calamity situation like this. Sana naman ang lumabas ngayon ay yung the best of ourselves,” ayon kay Bishop David.

Hinikayat ng Obispo ang mga pamilyang dumadalo sa online mass na nagsasagawa ng pag-aalay na ibigay ang kanilang nalilikom sa kanilang kapitbahay na nangangailangan ng kalinga.

CLOSE TENT PARA SA COVID-19 PATIENTS

Humihiling naman ng tulong si Bishop David sa Armed Forces of the Philippines na magbigay ng mga close-tent sa mga ospital para sa mga pasyenteng hinihinalang nagtataglay ng novel corona virus.

“Mayroong request doon sa National Kidney Institute na kung pupuwedeng magtayo sila ng tent. Parang close tent, kasi isang paraan ‘yun for a more effective quarantine. At siyempre naman hindi nila alam kung saang ahensya sila lalapit. Close tent tapos lalagyan ng mga beds bilang quarantine area,” ayon sa pahayag ng Obispo.

Ipinaliwanag ng Obispo na ang mungkahi ay para na rin sa kaligtasan hindi lamang ng mga health workers kundi maging ng mga pasyenteng may karaniwang sakit na nasa pagamutan lalu na sa emergency rooms at Intensive Care Units (ICU).

Tiniyak ng Obispo, hindi kailanman mahihinto ang simbahan sa kanilang gawain para sa espiritwal at pagkakawanggawa kahit pa pansamantalang ipinatigil ang pagmimisa sa parokya at iba pang pangdiriwang ng simbahan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 172,029 total views

 172,029 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 202,252 total views

 202,252 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 228,898 total views

 228,898 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 323,871 total views

 323,871 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 333,744 total views

 333,744 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top