Frontliners sa laban kontra COVID-19, pinuri ng Obispo.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 456 total reads

March 23, 2020, 3:06PM

Binigyang pagkilala ni Catholic Bishops Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Youth Chairman Daet Bishop Rex Andrew Alarcon ang mga frontliners sa gitna ng patuloy na suliranin ng bansa sa Coronavirus Disease 2019 o COVID-19 outbreak.

Ayon sa Obispo, ngayong panahon ng Kwaresma ay mahalagang bigyan ng pagkilala ang mga taong ibinubuwis ang sariling buhay at kapakanan upang makatulong sa mga nangangailangan.

Inihalintulad ni Bishop Alarcon kay Hesus ang mga frontliner na kinabibilangan ng mga medical practitioners, pulis, sundalo, mga mamamahayag at mga lider ng mga komunidad na handang harapin ang anumang banta ng kapahamakan at maging kamatayan upang mailigtas ang sangkatauhan.

“In all this we turn to Jesus who is our Savior because Lent in the Holy Eucharist a reminder of his suffering of the Cross that God offered himself for us at yun din ang panawagan sa atin, marami ngayon nag-aalay ng buhay para sa iba, the frontliners the police, the military, our public officials while marami are ask to go home, marami rin ang nasa labas puting their life at risk…”pahayag ni Bishop Alarcon sa panayam sa Radio Veritas.

Sa kasalukuyan ay ipinagluluksa ng medical community ang pagpanaw ng tatlong doktor na nanggamot sa mga pasyente na nagpositibo sa COVID-19.

Kabilang sa mga nasawi sina Dr. Rose Pulido, Medical Oncologist sa San Juan de Dios Hospital; Dr. Israel Bactol, Cardiology Fellow-in-Training sa Philippine Heart Center; at Dr. Greg Macasaet, Anesthesiologist ng Manila Doctors Hospital kung saan nasa kritikal din ang kanyang asawang si Dr.Evalyn Talens Macasaet na isa ring Anesthesiologist.

Samantala, limitado na lamang rin ang serbisyo ng UST Hospital sa Maynila matapos na isinailalim sa quarantine ang may 530 staff na kinabibilangan mga consultant, resident doctors, fellows, mga nurse at mga aid matapos na ma-expose sa mga pasyenteng nagpositibo at pinaghihinalaang mayroong COVID-19.

Naunang nag-alay ng panalangin ang Kanyang Kabanalan Francisco para sa mga frontliner na matapang na sinusuong ang banta ng nakahahawa at nakamamatay na sakit na una ng idineklara ng World Health Organization (WHO) na pandemic.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 5,280 total reads

 5,280 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 92,288 total reads

 92,288 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 129,661 total reads

 129,661 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 160,922 total reads

 160,922 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 233,481 total reads

 233,481 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 31,853 total reads

 31,853 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »
Scroll to Top