Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Huwag Kang Magnakaw Ng Buhay Movement, ilulunsad ng Archdiocese of Manila

SHARE THE TRUTH

 701 total views

Matapos ang Huwag Kang Magnakaw advocacy, nakatakdang ilunsad naman ng Archdiocese of Manila ang “Huwag Kang Magnakaw ng Buhay Movement”.

Ayon kay Fr. Nonong Fajardo, head ng Archdiocese of Manila Public Affairs Ministry, dito ipakikita kung gaano kahalaga at kabanal ang buhay na ang Diyos lamang ang may karapatang kumuha nito sa atin at hindi ang kung sino para lamang sa pansariling interes.

Iginiit pa ng pari na hindi lamang isa ang kinukuhanan ng buhay sa bawat pagpatay kundi maging ang mga maiiwanan nitong pamilya.

Igigiit din sa paglulunsad ng adbokasiyang ito na ang lahat ng hakbang ng mga awtoridad laban sa mga sinsabing kriminal ay dapat dumaan sa ‘due process of law’.

“Itong Huwag Kang Magnakaw ng Buhay, sinasabi natin na ito ang buhay ay sagrado at ang Diyos lamang ang maaring kumuha nito, nakikita natin sa mga nakaraang buwan, ninanakaw po ang mga buhay na ito. Nangyari ang naging nature at creator ng buhay ng bawat isa sa atin ay ang mga pumapatay, at hindi nga ito sanction by law dahil walang due process, at nakita natin ang pangyayaring ito ay napakasakit sa bawat isa lalo na sa mga pamilya ng mga namatayan dahil bigla na lang darating sa bahay ang mga ito at papaslangin ang kanilang mga mahal sa buhay.” pahayag ni Fr. Fajardo sa panayam ng Radio Veritas.

Dagdag ng pari, hinihintay na lamang nila si Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle na nasa labas pa ng bansa para pangunahan ang paglulunsad kasabay na rin ng pagpapakalat nito sa mga paaralan at Simbahan na silang maghahatid ng balita sa taong-bayan.

“Ilulunsad pag dating ng cardinal, ipapasabi natin sa lahat ng mga paaralaan, wala pang tentative date at this point pero ang gagawin natin, papasabi din natin sa Simbahan ipapakita natin na tayo ay naniniwala sa sacredness ng buhay hindi ito maaring nakawin. Upgraded version ating ginagawa na ito mula sa Huwag Kang Magnakaw.” pahayag pa ni Fr. Fajardo.

Sa huling ulat ng Philippine National Police, na bagamat sinuspinde na ang Oplan Tokhang umabot na sa 7,000 ang napatay sa operasyon ng Pulisya kontra iligal na droga na nakalipas na 7 buwan ng Administrasyong Duterte

presidentjoel.wordpress.com/2015/03/29/catholic-church-huwag-kang-magnakaw/

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

EDUCATION DUAL CRISIS

 65,224 total views

 65,224 total views Anong problema ang bumabalot sa education sector ng Pilipinas? Bakit, ilang dekada na…hindi pa rin nakakabangon sa sala-salabat na suliranin ang sektor? Dahilan

Read More »

POLITICAL DYNASTIES ARE ROVING BANDITS

 65,263 total views

 65,263 total views Kapanalig, lumabas sa pag-aaral na ang nararanasang kahirapan sa Pilipinas ay dulot ng kawalan o kakulangan ng pera—Ito pala ay sanhi ng kung

Read More »

Epal no more

 73,199 total views

 73,199 total views Mga Kapanalig, may tatanggalin na sa gobyerno—ang mga epal! Ito ay matapos maglabas ang Department of the Interior and Local Government (o DILG)

Read More »

Krisis sa pangingisda

 95,304 total views

 95,304 total views Mga Kapanalig, may krisis na kinakaharap ang sektor ng pangingisda sa bansa.  Taun-taon, tinatayang 45 milyong kilong isda ang nawawala sa ating karagatan.

Read More »

Disiplina sa Kongreso

 113,027 total views

 113,027 total views Mga Kapanalig, sa botong 238 na pabor, 10 na tutol, at 9 na abstain, nagpasyang muli ang Mababang Kapulungan ng Kongreso na suspendihin

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Our dear people in government

 168,773 total views

 168,773 total views CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »

Jubilee 2025: PILGRIMS OF HOPE

 275,038 total views

 275,038 total views Sa araw na ito ng Kapistahan ng Sagrada Pamilya, atin ding inilulunsad Hubileo ng Pagasa. Idineklara ng Santo Papa ang taon 2025 bilang

Read More »

Ayaw ko ng Divorce, sabi ng Diyos

 300,854 total views

 300,854 total views AVT Liham Pastoral Minamahal kong mga Kristiyano sa Bikaryato ng Taytay, Hayaan po nating magsalita ang Diyos sa atin. Maliwang ang kanyang sinasabi.

Read More »

Bayanihan, tema ng PCNE 10

 301,965 total views

 301,965 total views Pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advicula ang pagdiriwang ng misa sa pagsisimula ng three-day Philippine Conference on New Evangelization (PCNE)

Read More »