229 total views
Ito ang naging bahagi ng pahayag ng Catholic Bishops Conference of the Philippines – Permanent Committee on Public Affairs Chairman at Lipa Archbishop Ramon Arguelles sa pagdiriwang ng Radyo Veritas ng ika – 47 anibersaryo.
Aniya, maipagpatuloy nawa ng himpilan ng katotohanan ang pagpapahayag ng katuruan ng simbahan at itakwil ang kasinungalingan na lumalaganap sa sangkatauhan.
Ipagpatuloy nawa aniya ng Radyo Veritas ang pagbibigay pag–asa sa mga mahihirap upang mas lalo pang mapalalim ang pananampalatayang Kristiyano lalo na sa mga naliligaw ng landas.
“Ang Easter means new life. Let us hope and pray that Radio Veritas will have a greater life na maraming kabutihan na magagawa para sa buong bayan. Ang Radio Veritas has been a very strong advocate for true progress n gating bayan at sana ng buong Asia. Sana magpatuloy yan, do not be afraid to proclaim the truth. And the willing to acclaim the truth according to the teaching of God, huwag tayong sasali sa lokohan, sa mga deception, sa mga siraan. But let us also proclaim the good news kahit na sa difficult moments o happy moments pa. People who bring hope to our country at ang ating pagiging effective sa pagpapalalim ng ating pananampalataya,” bahagi ng pahayag ni Archbishop Arguelles sa Radyo Veritas
Isinagawa kahapon, ika-27 ng Marso 2016 ang ika-47 taong anibersaryo ng Radio Veritas kung saan pinangunahan ng kanyang kabunyian Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang misa ng pasasalamat sa Sky Dome, SM North Edsa na may temang “Veritas @47: Truth Meets Mercy.”
Ang Radyo Veritas ay mayroong mahigit 40 Kapanalig members na kaakibat ng himpilan sa pagpapalaganap ng mabuting balita.