180 total views
Ito ang hamon ni Makati Business Club executive director Peter Angelo Perfecto sa mga kandidato na nagnanais na pamunuan ang bansa sa ika-5 edition ng Veritas Servant Leadership Halalan Forum 2016 na nakatuon sa katangiang “conceptualization” na dapat taglayin ng isang tunay na Lingkod Bayan.
Naniniwala si Perfecto na kinakailangang suriin ng mga botante ang konkretong plataporma ng mga kandidato tungo sa pangkalahatang pag – unlad.
Kumbinsido rin si Perfecto na tanging ang paglikha ng trabaho sa loob ng bansa at hindi ang patuloy na pagpapadala ng mga Pilipino sa ibang bansa ang siyang magsasakatuparan ng inclusive growth na hinahangad ng mga nasa laylayan ng lipunan.
“Inclusive growth sa tingin namin yung ang mahalagang pagtuunan ng pansin. Dapat ang taumbayan tignan nila ang iba’t iba nating kandidato iatanong sa kanila kung paano nila papaunlarin ang bansa na kasama kami. Dapat makita yun, at dapat makita ano yung plano, konkreto programa ng gobyerno, hindi lang one liner. Kapag sinabi ng kandidato na susugpuin ko ang krimen for so many months, paanong gagawin yun. At maintindihan natin kung totoo ba na magagawa yun. Sa tingin napaka – halaga nun na makita nila sino ba ang may malinaw na plano para abutin yung inclusive growth. Napakalaga po nun ang inclusive growth is all about jobs. At sana hindi lang jobs abroad pero jobs din dito sa loob ng bayan,” pahayag ni Perfecto sa Veritas Servant Leadership Halalan Forum 2016.
Sa pinakahuling survery ng Pulse Asia, halos siyam sa bawat sampung Pilipino ang umaasang gaganda ang kanilang buhay ngayong 2016.
Inaasahan namang lalago ng mula pito hanggang mahigit walong porsyento ang ekonomiya o Gross Domestic Product ng Pilipinas sa 2016.
Naunang sinabi ni Pope Francis ang “Trickledown Theory” na dapat maramdaman ng mga nasa grassroots ang pag – unald ng bansa at hindi lamang ng iilan.