Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Huwag matigas ang ulo, pakiusap ng PNP sa mamamayan.

SHARE THE TRUTH

 417 total views

March 25, 2020, 2:04PM

Patuloy ang panawagan ng Philippine National Police (PNP) sa mamamayan na makiisa sa ipinapatupad na pag-iingat ng pamahalaan upang masugpo ang pagkalat ng pandemic Corona Virus disease.

Sa panayam ng Radio Veritas kay Lt. General Guillermo Eleazar, deputy Director for Operations ng PNP, ito ay upang magkaroon ng kabuluhan ang lahat ng sakripisyo ng bawat isa tulad ng pagtitiis na hindi lumabas ng bahay.

“Kanya-kanya itong responsibilidad. Dapat hindi na paalalahanan or else we defeat the purpose of the quarantine,” ayon pa kay Eleazar.

Ayon sa opisyal, masasayang lamang ang ipinatutupad na paghihigpit kung hindi susunod ang sa panuntunan tulad ng social distancing, paglusot sa mga curfew, at mga checkpoints ng pulisya.

“Tayong lahat ay dumaraan sa mahirap na sakripisyo.Ang sakripisyo sana natin ay huwag masayang. Magtulungan po tayo, dahil ang sinasabi ko napakasayang. We need your cooperation to succeed na mapigil ang pagkalat ng virus,” ayon pa kay Eleazar.

Nilinaw ni Eleazar na sa umiiral na Luzonwide Quarantine ay 24-oras dapat nasa loob ng bahay ang mga tao maliban na lamang sa ilang mga exempted na lumabas.

Nagpapasalamat naman si Eleazar na malaki na ang nagbago sa pagsunod ng publiko sa mga panuntunan sa ika-8 araw nang pagpapatupad ng enhanced community quarantine.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kabiguan sa kabataan

 47,219 total views

 47,219 total views Mga Kapanalig, para sa isang dating artista na minsang gumanap bilang tagapagtaguyod ng katarungan—at bilang bayani pa nga ng bayan—nakapagtataka kung bakit isinusulong

Read More »

THEATRE OF THE ABSURD

 77,300 total views

 77,300 total views “Theater that seeks to represent the absurdity of human existence in a meaningless universe by bizarre or fantastic means”. Kapanalig, ito ang tawag

Read More »

MISALIGNED

 91,226 total views

 91,226 total views Nararapat ang pagsasanay ng mga guro ay naka-aligned sa reyalidad at pangangailangan ng mga modernong silid-paaralan sa bansa. Ngunit, natuklasan sa pag-aaral ng

Read More »

SONA

 109,541 total views

 109,541 total views STATE OF THE NATION ADDRESS (SONA)… Ito ay pag-uulat sa bayan ng pangulo ng Pilipinas taon-taon. Sa SONA, dapat inilalatag o ipinapaalam ng

Read More »
12345

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Reyn Letran - Ibañez

CLCNT, dismayado sa Korte Suprema

 4,232 total views

 4,232 total views Dismayado ang Church Leaders Council for National Transformation (CLCNT) sa naging desisyon ng Korte Suprema na nagdeklarang unconstitutional ang impeachment laban kay Vice

Read More »
12345

RELATED ARTICLES

Juan, itinalagang chairperson ng ERC

 40,109 total views

 40,109 total views Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Atty. Francis Saturnino Juan bilang chairperson Energy Regulatory Commission (ERC), epektibo sa August 8, 2025. Si

Read More »
1234567