Tigilan ang pagsisinungaling, paalala ni Bishop Bagaforo sa mga mambabatas

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,056 total views

Mariing tinukoy ni Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo ang lumalalim na “crisis of credibility” sa lipunan, kasabay ng panawagan ng pagpapanumbalik sa katotohanan at integridad.

Ito ang naging homiliya ni Bishop Bagaforo sa misang ginanap sa House of Representatives na bahagi ng Spiritual and Values Enhancement Program sa Kamara sa inisyatibo ni Speaker Faustino Dy III.

Ayon sa obispo, ang tila maliliit na kasinungalingan ang unti-unting sumisira sa pundasyon ng tiwala sa iba’t ibang sektor—mula sa pamilya hanggang sa pamahalaan.

“Madalas iniisip natin na ang pagsisinungaling ay maliit na bagay lamang… pero sa mata ng Diyos, ito ay seryoso dahil winawasak nito ang tiwala at inilalayo tayo sa katotohanan at sa Diyos na siyang katotohanan,” ayon kay Bagaforo.

Binigyang-diin niya na ang pangunahing ugat ng lumalalang krisis ng kredibilidad ay ang pagkawala ng tiwala ng publiko sa mga lider at institusyon.

“Today we live in a time when many people complain about a crisis of credibility… often the root is simple—people no longer trust the words of their leaders,” pahayag niya.

Ipinaliwanag ng obispo na kapag nasira ang tiwala, mahirap na itong maibalik—kahit pa nagsasabi na ng totoo ang isang tao.

“Kapag ang isang tao ay nakilala bilang sinungaling, nagdududa na ang mga tao sa lahat ng kanyang sinasabi. Even if later, he tells the truth, people will say, maybe that is not true,” paliwanag pa ng obispo ng Kidapawan.

Ginamit din niya ang kuwentong “The Boy Who Cried Wolf” upang ilarawan kung paanong ang paulit-ulit na pagsisinungaling ay humahantong sa tuluyang pagkawala ng kredibilidad.

“That is what lying does—it destroys credibility,” diin pa ng obispo.

Ayon pa kay Bishop Bagaforo, hindi lamang winawasak ng kasinungalingan ang tiwala kundi tinatakpan din nito ang katotohanan at inilalayo ang tao sa Diyos.

“God never lies… when God says He loves us, He means it. But when we lie, we move away from the truth,” paliwanag ng obispo.

Dagdag pa niya, nagsisimula sa maliliit na kasinungalingan ang mas malalaking panlilinlang—mula sa simpleng pag-iwas sa responsibilidad hanggang sa pagtatago ng katotohanan para sa pansariling interes.

“One lie usually leads to another… until a person becomes trapped in a web of lies,” babala ng obispo.

Binigyang-diin din niya na ang pagsisinungaling ay sumisira sa pagkakakilanlan ng tao bilang anak ng Diyos, at taliwas sa itinakda ng ika-siyam na utos laban sa pagbibintang at pagsaksi ng kasinungalingan.

“A Christian should be someone who, when he speaks, people can say: ‘He said it, it must be true,’” aniya.

Sa huli, hinimok ni Bagaforo ang publiko—lalo na ang mga nasa pamahalaan at institusyon—na magsagawa ng masusing pagsusuri sa sarili at piliing panindigan ang katotohanan sa lahat ng pagkakataon.

“God is faithful. God never forgets us. God is truth. Therefore, let us live in the truth,” pagtatapos niya.

Ang mensahe ng obispo ay nagsisilbing matinding paalala sa gitna ng patuloy na hamon sa kredibilidad sa lipunan—na ang katotohanan at tiwala ay hindi lamang pinapahayag, kundi pinangangalagaan sa bawat salita at gawa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 150,776 total views

 150,776 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 181,000 total views

 181,000 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 207,646 total views

 207,646 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 302,619 total views

 302,619 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 313,795 total views

 313,795 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top