Pagpapalaganap ng ebanghelyo, tungkulin ng mga kristiyano-katoliko-Pope Leo XIV

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 601 total reads

Iginiit ni Pope Leo XIV na hindi lamang tungkulin ng mga pari at relihiyoso ang pagpapalaganap ng Ebanghelyo kundi ng bawat binyagang mananampalataya.

Sa kanyang pagninilay sa Angelus, sinabi ng Santo Papa na kaakibat ng pagtanggap sa sakramento ng binyag ang pakikibahagi sa misyon ni Hesus sa sanlibutan.

“Every baptized person is an active agent of evangelization, called to bear consistent witness to Christ,” ayon kay Pope Leo XIV.

Ayon sa Santo Papa, ang misyong ito ay nagmumula sa biyaya ng Binyag kung saan ang bawat Kristiyano ay nagiging kabahagi sa pagiging pari, propeta at hari ni Kristo.

Paliwanag ng pastol na sa pamamagitan ng Binyag ay itinalaga ng Panginoon ang bawat tao sa mahalagang misyon kaya’t inaanyayahan ang mga mananampalataya na ipahayag ang kanilang pananampalataya sa pang-araw-araw na pamumuhay.

Dagdag pa ng Santo Papa, pinagtitibay ng sakramento ng Kumpil ang ganitong pananagutan ng mananampalataya dahil sa pananahan ng Espiritu Santo.

“The Holy Spirit endows them with special strength… to spread and defend the faith, both by word and by deed,” ani ng santo papa.

Binigyang-diin din ni Pope Leo ang mahalagang papel ng buong Sambayanan ng Diyos sa pangangalaga ng katotohanan ng pananampalataya.

“The entire body of the faithful… cannot err in matters of belief… when from the bishops down to the last of the lay faithful they show universal agreement in matters of faith and morals,” giit ng pastol.

Kaugnay nito, ipinaliwanag niya ang tinatawag na sensus fidei o pakiramdam ng pananampalataya ng buong Simbahan na aniya’y mahalintulad sa pagpahintulot ng buong Simbahan, at pagkilala sa pagitan ngkatotohanan at hindi wastong usapin ng pananampalataya.

Ibinahagi rin ni Pope Leo XIV na patuloy na kumikilos ang Espiritu Santo sa bawat mananampalataya sa pamamagitan ng iba’t ibang kaloob upang mapalago ang Simbahan.

“The Holy Spirit… distributes special graces among the faithful of every rank… for the renewal and building up of the Church,” ayon sa Santo Papa.

Muling pinaalalahanan ni Pope Leo XIV ang mga mananampalataya na ang bawat binyagan ay may pananagutan sa misyon ng Simbahan, ang magbigay patotoo kay Kristo sa salita at sa gawa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 57,882 total reads

 57,882 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 137,079 total reads

 137,079 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 170,524 total reads

 170,524 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 205,822 total reads

 205,822 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 430,003 total reads

 430,003 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top