Huwag pagtakpan ang katotohanan

SHARE THE TRUTH

 129 total views

Mga Kapanalig, wika nga sa aklat ng Mga Kawikaan 12:17, “Sa pagsasabi ng tapat, lumilitaw ang katarungan, ngunit ang pagsisinungaling ay lumilikha ng kapahamakan.”

Ang nagpapatuloy na krisis sa ating bansa ay hindi lamang dulot ng isang virus na nagdadala ng sakit, kundi ng mga hakbang na ginagawa ng mga taong may tungkuling pangasiwaan ang epekto nito. Sa madaling salita, kung naging maagap ang ating pamahalaan noong nagsimula ang pandemya, hindi tayo aabot sa ganitong kalagayan. Kung naging akma ang mga ginawang tugon ng pamahalaan—katulad ng agresibong contact tracing at mass testing, at sapat na ayuda sa mga nawalan ng hanapbuhay—hindi paulit-ulit ang mga community quarantine.

At ngayong dumarami na ang mga bansang binabakunahan ang kani-kanilang mamamayan, hindi rin natin maiwasang ikumpara ang ginagawa ng ating pamahalaan. Ngunit dapat na nakabatay ang pagkukumparang ito sa malinaw na ebidensya at sa mga totoong datos dahil ang mga ito ang makapagtuturo sa atin tungo sa katotohanan. Halimbawa, kung pag-uusapan ang dami ng doses ng naibakuna na sa mga tao, lumalabas na pumapangatlo nga tayo sa ASEAN, kasunod ng Indonesia at Singapore. Totoo ito, ngunit hindi sapat upang sabihing mahusay ang ating ginagawa. Naungusan man natin ang Brunei at Vietnam, tandaan nating napakakaunti lamang ng mga active COVID-19 cases sa mga bansang iyon. Hindi ito nangangahulugang nasa tama tayong direksyon patungo sa tinatawag nating herd iummunity, kung saan mas nakararami ang mga taong may sapat nang proteksyon laban sa isang sakit katulad ng COVID-19. Ang datos na makapagsasabi nito ay ang porsyento ng populasyong nakatanggap na ng bakuna.

 

PSD Toktok

 

Habang isinusulat natin ang editoryal na ito, halos 240,000 na mga Pilipino na ang nabakunahan o 0.22% lamang ng ating 108 milyong populasyon. Sinasabing makakamit natin ang herd immunity kung 70 milyong Pilipino ang mababakunahan. Ngunit kung magpapatuloy ang average ng nababakunahan sa ating bansa na ngayon ay nasa halos 44,000 lamang sa isang araw, aabutin pa ng Disyembre 2029—o mahigit walong taon pa mula ngayon—bago tayo magkaroon ng herd immunity. Huwag naman sana. Kung ang titingnan natin ay ang porsyento ng mga nabakunahan na pangunahing batayan upang makamit ang herd immunity, lumalabas na pagatlo tayo sa huli sa ASEAN. Kung target ng ating Department of Health ang herd immunity pagsapit ng Disyembre ngayong taon, kailangang umabot sa 578,000 ang binabakunahan sa isang araw.

Ngunit sa halip na ilantad sa publiko ang katotohanang ito at ipaliwanag kung ano ang konkretong plano nito upang makamit ang herd immunity sa lalong madaling panahon, pinipili ng ating pamahalaan ang mga datos at mensaheng nagpapahiwatig na mahusay ito sa pagtugon sa pandemya. Alinsunod daw sa direktiba ni Pangulong Duterte, inatasan ang Presidential Communications Operations Office (o PCOO) na iparating sa publiko na mas magaling tayo kaysa sa ibang bansa sa pagtugon sa pandemya. Sa isang memorandum na kumalat sa social media bago pa man ito pormal na maisapubliko, kailangan daw laging isama ang datos mula sa ibang bansa upang palitawing mas mabuti ang ating kalagayan. Nakalulungkot ito dahil para bang ginagawa pa nating halimbawa ang trahedya sa ibang bayan upang pagtakpan ang mga kakulangan ng ating pamahalaan.

Sabi nga sa Catholic social teaching na Caritas in Veritate, ang katotohanan ang liwanag na nagbibigay ng kahulugan at halaga sa pagkakawanggawa o charity. Kung itatago ng pamahalaan ang katotohanan, hindi ba’t mas napagkakaitan tayo ng tamang pagtugon sa pandemya na dapat na inaasahan natin dito? Hindi ba’t mas mailalagay tayo nito sa higit na kapahamakan?

Mga Kapanalig, ipagdasal nating maliwanagan ang ating mga lider, ngunit tayong mga mamamayan ay dapat ding maliwanagan at laging hinahanap at ipinagtatanggol ang tama at totoo.

Sumainyo ang katotohanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Kultura ng pagpapanagot

 25,249 total views

 25,249 total views Mga Kapanalig, malaking balita ngayon sa kapitbahay nating bansa na Vietnam ang pagpapataw ng parusang kamatayan o death penalty sa isang real estate tycoon na napatunayang ginamit—o ninakaw pa nga—ang pera ng pinakamalaking bangko roon. Sa loob ng labing-isang taon, iligal na kinontrol ni Truong My Lan, chair ng isang real estate corporation,

Read More »

Maging tapat sa taumbayan

 37,673 total views

 37,673 total views Mga Kapanalig, bakas kay Pangulong Bongbong Marcos ang kasiyahan matapos makipagpulong sa Amerika kina US President Joe Biden at Japan Prime Minister Fumio Kishida. Sa pakikipag-usap sa media, ibinida niya na ang pagtutulungan ng ating bansa sa Amerika at Japan ay magdudulot ng “brighter, more prosperous future” sa rehiyon. Aniya, matatag daw ang

Read More »

Farm lots

 53,108 total views

 53,108 total views Kapanalig, usong uso na ang farm lots sa ngayon. Kapag sumilip ka sa social media, ang daming nagbebenta ng mga lupang agrikultural. May mga mahal, may mga mura. May mga rights lang na tinatawag, may mga may titulo o certificates. Madami ang nais bumili, kapanalig, kaya nga’t tumataas ng tumataas ang halaga ng

Read More »

Wage Gap

 54,348 total views

 54,348 total views Kapanalig, ang ganda ng achievement ng Pilipinas pagdating sa gender equality in education. Sa larangan kasi ng edukasyon, equal na o pantay na ang access ng babae at lalake. Sana hindi natin masayang ito kapanalig. Malaking milestone na ito pagdating sa gender issues sa ating bayan. Kaya lamang pagtapos makapag-aral ng maraming kababaihan,

Read More »

Education Equality

 64,357 total views

 64,357 total views Kapanalig, ang gender equality sa Pilipinas ay isa sa mga hinahangaan sa Asya. Itong 2023, pang 16 pa nga ang bayan sa 146 countries sa buong mundo pagdating sa gender equality, ayon sa Global Gender Gap Index Report. Pang 19 tayo dito noong 2022. Tayo ang pinaka gender equal sa Asya. Apat na

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kultura ng pagpapanagot

 25,250 total views

 25,250 total views Mga Kapanalig, malaking balita ngayon sa kapitbahay nating bansa na Vietnam ang pagpapataw ng parusang kamatayan o death penalty sa isang real estate tycoon na napatunayang ginamit—o ninakaw pa nga—ang pera ng pinakamalaking bangko roon. Sa loob ng labing-isang taon, iligal na kinontrol ni Truong My Lan, chair ng isang real estate corporation,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Maging tapat sa taumbayan

 37,674 total views

 37,674 total views Mga Kapanalig, bakas kay Pangulong Bongbong Marcos ang kasiyahan matapos makipagpulong sa Amerika kina US President Joe Biden at Japan Prime Minister Fumio Kishida. Sa pakikipag-usap sa media, ibinida niya na ang pagtutulungan ng ating bansa sa Amerika at Japan ay magdudulot ng “brighter, more prosperous future” sa rehiyon. Aniya, matatag daw ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Farm lots

 53,109 total views

 53,109 total views Kapanalig, usong uso na ang farm lots sa ngayon. Kapag sumilip ka sa social media, ang daming nagbebenta ng mga lupang agrikultural. May mga mahal, may mga mura. May mga rights lang na tinatawag, may mga may titulo o certificates. Madami ang nais bumili, kapanalig, kaya nga’t tumataas ng tumataas ang halaga ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Wage Gap

 54,349 total views

 54,349 total views Kapanalig, ang ganda ng achievement ng Pilipinas pagdating sa gender equality in education. Sa larangan kasi ng edukasyon, equal na o pantay na ang access ng babae at lalake. Sana hindi natin masayang ito kapanalig. Malaking milestone na ito pagdating sa gender issues sa ating bayan. Kaya lamang pagtapos makapag-aral ng maraming kababaihan,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Education Equality

 64,358 total views

 64,358 total views Kapanalig, ang gender equality sa Pilipinas ay isa sa mga hinahangaan sa Asya. Itong 2023, pang 16 pa nga ang bayan sa 146 countries sa buong mundo pagdating sa gender equality, ayon sa Global Gender Gap Index Report. Pang 19 tayo dito noong 2022. Tayo ang pinaka gender equal sa Asya. Apat na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bigyang-pansin ang pagpapabakuna

 52,004 total views

 52,004 total views Mga Kapanalig, ang inyong mga anak, gaya ng sabi sa Mga Awit 127:3, ay mga pagpapalang kaloob ni Yahweh. Bilang mga regalong galing sa ating Diyos, paano ninyo ipinakikita ang pagpapahalaga sa inyong mga anak? Siguro, ang pinakamadaling sagot dito ay ang pagbibigay ng kanilang mga pangunahing pangangailangan gaya ng pagkain, tirahan, at

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inclusive mobility

 66,763 total views

 66,763 total views Mga Kapanalig, simula ngayong linggo, bawal nang dumaan ang mga light electric vehicles (o LEVs) katulad ng e-bikes, e-trikes, at e-scooters sa mga pangunahing kalsada sa Metro Manila. Ang lalabag sa patakarang ito ng MMDA ay pagmumultahin ng ₱2,500. Kukumpiskahin din ang ‘di rehistradong LEV. Hindi natin maikakailang dumarami ang tumatangkilik ng LEVs

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Para sa content?

 57,257 total views

 57,257 total views Mga Kanapalig, napanood ba ninyo ang video ng mga vloggers mula sa South Cotabato kasama ang dalawang tarsier?  Makikita sa video ang isang vlogger na tumatawa habang hawak-hawak ang isang tarsier. Kausap niya ang may hawak ng camera na noong una ay ipinakikita lamang ang isa pang tarsier na nakakapit sa tangkay ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kabuhayan sa Bangketa

 76,654 total views

 76,654 total views Ang bangketa ay maraming bagay para sa mga Pilipino. Ito ay daanan, minsan tahanan, at kadalasan, tindahan ng maraming Pilipino. Dahil sa hirap ng buhay, oo, pati bangketa ay nagiging pwesto na ng maraming maliliit na negosyanteng Pilipino. Ang bangketa kasi ay daluyan ng tao, at kung saan may tao, may benta. Kaya

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Street People

 87,769 total views

 87,769 total views Kapanalig, buksan natin ang ating mga mata. Dito sa Metro Manila, napakarami ng mga Pilipinong sa kalye nananahan, at tinatayang mga 250,000 dito ay mga children in street situations o CISS. Tahakin mo lang ang ilang major roads sa ating bayan, bubungad na agad sila. Mga Pilipinong nasa kalye ang hanapbuhay, at sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Buhay sa Slum Settlements

 91,690 total views

 91,690 total views Madilim. Masikip. Marumi. Ito ay ilan lamang sa mga salitang naglalarawan sa mga slum areas sa ating bayan. Ang mga daanan sa ganitong lugar, motor o tao lamang ang kasya. Nagsasalubong na ang kanilang mga bubong kaya minsan, kahit araw, madilim sa mga eskinita. At dahil malayo sa daanan ng mga garbage collectors,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga katutubong pinaasa at pinalayas

 74,617 total views

 74,617 total views Mga Kapanalig, nagulat at nanlumo ang 44 na miyembro ng tribong Ati sa isla ng Boracay nang palayasin sila sa lupang inakala nilang napakasamay na nila. Linggo ng Palaspas nang dumating ang mga guwardyang naglagay ng mga piraso ng yero upang paligiran ang lupa. Hindi sila pinapasok ang mga katutubo kahit pa namagitan

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Naglahong pera na naman?

 71,015 total views

 71,015 total views Mga Kapanalig, hindi pa naipaliliwanag ng Department of Education (o DepEd) ang 125 bilyong pisong confidential funds nito na nagastos sa loob ng labing-isang araw noong 2023, heto na naman at may bagong kontrobersyang minumulto ang sektor ng edukasyon. Speaking of “multo”, may kinalaman ang panibagong isyu sa mga tinatawag na “ghost students”. 

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sikretong kasunduan

 70,624 total views

 70,624 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo sa balita ang nangyari sa mga barko ng Pilipinas at sa mga sakay ng mga ito habang nagsasagawa ng tinatawag na rotation and resupply mission para sa ating mga sundalong nasa BRP Sierra Madre na nakahimpil sa Ayungin Shoal? Nangyari ang insidente Sabado bago ang mga Mahal na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Catastrophic Diseases

 93,451 total views

 93,451 total views Alam niyo kapanalig, ang pagkakasakit, lalo na pag malubha, ay isa sa mga pangunahing dahilan ng kahirapan ng marami nating mga kababayan. Ayon sa opisyal na datos, ang mga pangunahing cause of death sa ating bansa ay ang sakit sa puso o ischemic heart disease, kanser, at mga cerebrovascular diseases. 19% ng mga

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top