Si San Jose ang huwaran ng isang taong matuwid.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 742 total reads

Ito ang ibinahagi ni Archdiocese of Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo sa paggunita ng Year of St. Joseph at pagtatalaga ng bansa sa pangangalaga ni San Jose.

Ayon sa Obispo na siya rin chairman ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity, ipinagkatiwala ng Diyos si Hesus at ang Mahal na Birheng Maria kay San Jose na isang taong matuwid at matapat ang pananampalataya sa kanya.

Ipinaliwanag ni Bishop Pabillo na bukod sa pagbibigay ng nararapat na pagsamba at pagtugon sa utos ng Panginoon, ang taong matuwid rin ay tapat sa tungkulin na iniatang sa kanya ng Diyos kabilang na ang pagiging daluyan ng biyaya para sa kapwa sa pamamagitan ng pagtulong at pagkalinga sa mga nangangailangan.

Ibinahagi ng Obispo na kaakibat rin ng pagiging matuwid ang pagbibigay halaga sa karapatan at dignidad ng kapwa gayundin ang naaangkop na pangangalaga at pangangasiwa sa kalikasan na ipinagkaloob ng Panginoon sa sanlibutan.

 

[smartslider3 slider=21]

 

“Sa kanya [kay San Jose] ipinagkatiwala ng Diyos ang dalawang taong pinakamamahal niya – si Jesus at si Maria. Pinagkatiwala sila sa isang taong matuwid. Ang taong matuwid ay tapat sa tungkulin na ibigay sa iba ang nararapat sa kanila. Ibigay sa Diyos ang nararapat sa kanya – ang pagsamba at pagsunod. Ibigay sa nangangailangan ang nararapat sa kanila – ang pagtulong at pagkalinga. Ibigay sa kapwa ang nararapat sa kanya – paggalang ng kanyang karapatan bilang tao kaya may human rights. Ibigay sa kalikasan ang nararapat – pag-aalaga at pangangasiwa.” pahayag ni Bishop Broderick Pabillo.

Binigyang diin rin ni Bishop Pabillo na kongkreto ang pag-ibig na hinihingi ng Panginoon sa bawat isa tulad ng pagtulong sa mga nangangailangan na halimbawa ng mga community pantries sa bansa.

Iginiit ng Obispo na sa kabila ng mga walang basehang paratang at pagbansag na komunista ay hindi dapat na matakot at panghinaan ng loob ang sinuman na tumulong sa mga nangangailangan.

“Konkreto po ang pag-ibig na hinihingi sa atin. Ipagpatuloy nating tulungan ang nangangailangan kahit na tayo ay binabansagan na komunista. Mas mahalaga ang kapwa kaysa mga puna ng mga walang ginagawa.” Dagdag pa ni Bishop Pabillo.

Pinangunahan ni Catholic Bishops’ Conference of the Philippines President, Davao Archbishop Romulo Valles ang National Consecration to St. Joseph kasabay ng Kapistahan ni San Jose Manggagawa.

Ang pagtatalaga ng bansa sa pangangalaga ni San Jose ay kasabay ng pagdiriwang ng Year of St. Joseph na idineklara ni Pope Francis noong Disyembre 8, 2020 at magtatagal hanggang sa Disyembre 8, 2021.

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 18,432 total reads

 18,432 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 78,958 total reads

 78,958 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 164,325 total reads

 164,325 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 211,061 total reads

 211,061 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 258,932 total reads

 258,932 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 359,006 total reads

 359,006 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top