Indian Priest, humiling ng tulong at panalangin

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 705 total reads

Humiling ng panalangin si Indian Priest Fr. Loyola Diraviam ng Servants of Charity para sa mamamayan ng India.

Sa panayam ng Radio Veritas, sinabi ni Fr. Diraviam na lubhang nahihirapan ang marami sa kanilang komunidad dahil sa labis na pagtaas ng bilang ng mga nahawaan ng COVID-19.

“May I humbly request you to join your hands with us and pray for our brothers and sisters here in India who are getting infected and dying every day due to this covid 19,” pahayag ni Fr. Diraviam sa Radio Veritas.

Labis na ikinalungkot ng pari ang sitwasyon sa kanilang lugar lalo na ang mga pasyenteng inalagaan ng Nazareth Illam, Home for the Mentally ill na pinangasiwaan ni Fr. Diraviam.

Paglalahad ng pari nasa 70 indibidwal na may mental illness ang kanilang pinangalagaan sa center.

“The situation here is really hard and it is bad; India’s runaway coronavirus surge is getting worse. It is affecting young adults, families and has killed a lot of young priests and sisters without mercy who served the people during the pandemic in different ways,” ani ng pari.

Batid ng buong mundo ang hirap na dinanas ng India na pumapangalawa sa Estados Unidos sa may pinakamaraming kasong naitala sa halos 20-milyong kaso kung saan mahigit sa 300-libo ang naitalang bagong kaso sa loob ng isang araw.

 

[smartslider3 slider=21]

 

Ikinalungkot pa ng pari ang kawalang sapat na lugar na paglilibingan sa mga pumanaw dahil sa virus kaya’t sinusunog na lamang ito sa itinalagang lugar.

Nangangamba si Fr. Diraviam sapagkat bukod sa pagprotekta sa mga may mental illness sa kanyang komunidad sa Thalavadi , Tamil Nadu, South India wala na rin itong sapat na pondo para sa pagbili ng mga gamot.

Hindi na rin kayang tugunan ng kanilang gobyerno ang pagbibigay ng gamot sa mga pasyente dahil sa kawalan ng suplay.

“Though we protect them from Covid, we have another problem that is the shortage of psychiatric medicines for our mentally ill patients. Due to shortage of funds, we don’t have enough medicines for our residents,” saad ni Fr. Diraviam.

Dahil dito bukod sa panalangin umapela ang pari ng tulong para sa mga inaalagaang inabandonang may mental illness. Sa mga nais magpaabot ng direktang tulong sa komunidad ni Fr. Diraviam sa India maaaring makipag-ugnayan sa Viber o Whatsapp sa numero +91 9600390133.

Maari ring magpadala sa pamamagitan ng Western Union sa M. LOYOLA DIRAVIAM, 35, Thirumalai nagar, Manjakuppam, Cuddalore, Tamilnadu, India- 607001.

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 18,439 total reads

 18,439 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 78,966 total reads

 78,966 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 164,333 total reads

 164,333 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 211,069 total reads

 211,069 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 258,940 total reads

 258,940 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 359,013 total reads

 359,013 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top