345 total views
Umaasa ang Kanyang Kabunyian Luis Antonio Cardinal Tagle -Prefect of the Congregation for the Evangelization of Peoples na magsilbing tunay na daluyan ng Banal na Espiritu ang Pontificio Collegio Filippino upang maging ganap na kawangis ni Hesus ang mga magiging produkto ng institusyon.
Ito ang bahagi ng mensahe at pagninilay ni Cardinal Tagle para sa Collegio Day Fiesta Mass ng Pontificio Collegio Filippino sa Roma.
Ayon sa Cardinal, kabilang sa inaasahang bunga ng pananampalatayang Kristiyano ay ang pagiging kawangis ng bawat isa ni Hesus sa pamamagitan ng gabay ng Banal na Espiritu sa pamumuhay ng tapat at may integridad ng nakaayon Salita ng Diyos.
“I think the world wants to see especially among us Christians this fruit, the fruit who’s Jesus, the Holy Spirit adds, the Holy Spirits makes Jesus incarnate in the womb of Mary and in us, the Holy Spirit will produce more Christ-like persons that is the consistent role of the Holy Spirit and making of the community the body of Christ, all the virtues that define Jesus. To our Collegio community the priests, the sisters and our enlarge family here, our collaborators as we mark our feast and also our 60th anniversary may people see, when they hear “where did you come from?” “Collegio Filipino.” [they would say] “That’s why I could see Christ in you.”pahayag ng Kanyang Kabunyian
Inihayag ng Cardinal na hindi sapat na makilala ang mga nagmula sa Pontificio Collegio Filippino dahil sa kagalingan o katalinuhan sa halip ay tunay na lingkod ng Panginoon at pagsunod sa halimbawa ni Hesus sa kanilang buhay.
Pagbabahagi ni Cardinal Tagle, higit na dapat na malagpasan ng pagiging isang tunay na kawangis ni Hesus ang anumang kakayahan o kaalaman sapagkat ito ang tunay na bunga ng pananampalataya.
“You are crafted to Christ and as your competence increases your being Christ-like surpasses that, that is the fruit that we want to achieve, only if we remain in Jesus, remaining in Jesus also means remaining with each other.” Dagdag ni Cardinal Tagle
Ang Pontificio Collegio Filippino ay itinatatag ni Saint John the 23rd noong 1961 na nagsilbing tahanan ng mga Filipinong Pari na ipinagpapatuloy ang kanilang pag-aaral at pagkadalubhasa sa Roma.
Bilang isang pontifical institution, direktang nasa pangangasiwa ang Pontificio Collegio Filipino ng Kanyang Kabanalan Francisco sa ilalim ng Vatican’s Congregation for Catholic Education.
Kasalukuyan namang pinangangasiwaan ni Balanga Bishop Ruperto Santos ng CBCP- Episcopal Commission on Pontificio Collegio Filipino.