Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Ibabaon na lamang ba sa limot?

SHARE THE TRUTH

 219 total views

Mga Kapanalig, ang alaala ay isang kapasidad na katangi-tangi sa tao. Sa pagkakaalam natin, walang ibang nilalang sa mundo ang may alaala, o may kakayanang gunitain ang mga pangyayari sa kanyang buhay at pagmunihan ang kahulugan ng mga ito. Sadyang natatangi ang alaala sa ating mga kakayanan bilang tao; maging ang ating relasyon sa ating kapwa, sa Diyos, at maging ang pagkakilala natin sa ating sarili ay nababalot ng alaala. Kung wala kang naaalala, hindi ba’t maging ang sarili mo ay hindi mo na rin kilala? Ang mga may Alzheimer’s Disease ay nawalan ng alaala kung kaya’t hindi sila nakakakilala ng iba at ang kanilang sarili. Tunay ngang ang alaala ang pinto sa ating kaluluwa.

Ang isang bansa ay lumilikha ng mga bantayog upang magpaalala sa kanila at sa susunod na salinlahi ng mga pangyayaring itinuturing nilang mahalaga sa kanilang kasaysayan.  Maraming mga bantayog na nagdadakila sa kabayanihan. Nariyan ang mga bantayog ng mga kilalang bayani tulad nina Jose Rizal, Andres Bonifacio, at Ninoy Aquino. Nariyan din ang mga bantayog na dinadakila ang kabayanihan ng mga ordinaryong mamamayan, tulad ng bantayog sa Bataan at sa EDSA. Subalit wala tayong mga bantayog na nagpapagunita ng kabaligtaran ng kabayanihan. Dito sa ating bansa, may bantayog ba tayong naiisip na nagpapagunita ng ating kaduwagan, kataksilan, karahasan, at pang-aapi sa kapwa?

Sa siyudad ng Berlin sa Germany, mayroong isang kakaibang bantayog, tila isang parke na ang tanging nakatayo ay hile-hilera ng animo’y mga puntod na iba’t iba ang taas. Kapag dumadaan ang mga tao sa pagitan ng mga ito, pakiramdam nila ay nagiging bahagi sila ng bantayog. Hindi nila makuhang tumawa, kahit sila ay nagpapa-retrato pa, at hindi nila makuhang magsalita ng mga walang katuturang bagay. Sagrado ang pakiramdam sa paligid. Ito po ang Memorial to the Murdered Jews of Europe, isang bantayog upang gunitain ang holocaust o ang malawakang pagpatay ng mga Nazi, sa utos ng diktador na si Adolf Hitler, sa milyun-milyong mga Hudyo.  

Kakaiba ang bantayog na ito dahil hindi lamang siya nagsisilbing tagapagpagunita para sa mga biktima at “survivors” ng holocaust. Nagpapaalala rin siya sa mga gumawa ng pagpatay, o “perpetrators” ng holocaust. Ang bantayog ay simbolo ng pag-amin at pag-akò ng mga Aleman na naging bahagi sila sa malagim na yugtong ito ng kasaysayan ng sangkatauhan.  

Tayong mga Pilipino ay may dinaanan ding mga madidilim na nakaraan. Isa sa hindi pa malayong naganap ay ang panahon ng diktadura ni Ferdinand Marcos kung kailan marami ang pinatay, na-torture, nawala, at ‘di na nahanap at ipinapalagay nang patay. Subalit tila marami sa ating mga kababayan ang hindi na ito naaalala. May nagsasabi pa ngang hindi totoong naganap ang mga pagpatay na ito. Wala naman kasing mga “perpetrators” o mga taong pumatay na lumatad, nalitis, at umakong sila nga ay gumawa ng mga ganoong bagay.  Mayroong libu-libong mga nakulong, na-torture at napatay, subalit wala tayong kilalang nagkulong, nag-torture, at pumatay. Kaya ngayon, nakalulungkot na ang alaala natin bilang isang bansa sa madilim na panahon ng Batas Militar ay may bahid ng pagtanggi at paglimot.

Mga Kapanalig, para sa ating mga Katoliko, ang simbolo ng ating pananampalataya ay ang krus, na kung tutuusin ay isang simbolo ng kahihiyan dahil tagapagpaalala ito ng iskandalo ng kasalanan ng tao. Subalit ang kasalanang ito ay pinatawad, niyakap, at inakò ni Hesus para sa atin. Kung wala ang alaala ng kasalanan at kadiliman, walang magaganap na pagpapatawad at pagbabalik sa katotohanan at kabutihan. Mahalaga ang mga bantayog na magpapagunita sa atin ng mga madidilim na bahagi ng ating kaluluwa bilang isang bansa—ang mga kaduwagan, kataksilan, karahasan, at pang-aabuso na ating nagawa—upang hindi na natin sila uulitin. Huwag nating hayaang mabaon ang mga ito sa limot.

Sumainyo ang katotohanan.

[smartslider3 slider="20"]

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Pekeng sakripisyo

 6,920 total views

 6,920 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Paalam at maraming salamat, Lolo Kiko!

 15,236 total views

 15,236 total views Mga Kapanalig, nakakasiyang marinig na “mahalaga sa paningin ng Panginoon ang kamatayan ng kanyang mga banal,” ayon sa Mga Awit 116:15. Nagluluksa ang

Read More »

Pope Francis

 33,968 total views

 33,968 total views Sa pagluluksa ng buong mundo sa pagpanaw ni Pope Francis o Lolo Kiko.. Alamin natin kung paano binago ni Papa Francisco ang “Papacy

Read More »

The Good News

 50,475 total views

 50,475 total views Madalas ito ang ating hinahanap… ang mabuting balita, pero tila hindi pa rin natin ito natatagpuan. Bakit napakailap nating matagpuan, makita o kaya

Read More »

Trend

 51,739 total views

 51,739 total views NAUUSO, SIKAT… Anong Ganap?…Mula sa lifestyle…sa pananamit, sa pisikal na porma…mga gawain ng idolong IDOL group, mga artista., mga personalidad… pinag-uusapan sa barber

Read More »

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pekeng sakripisyo

 6,921 total views

 6,921 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paalam at maraming salamat, Lolo Kiko!

 15,237 total views

 15,237 total views Mga Kapanalig, nakakasiyang marinig na “mahalaga sa paningin ng Panginoon ang kamatayan ng kanyang mga banal,” ayon sa Mga Awit 116:15. Nagluluksa ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pope Francis

 33,969 total views

 33,969 total views Sa pagluluksa ng buong mundo sa pagpanaw ni Pope Francis o Lolo Kiko.. Alamin natin kung paano binago ni Papa Francisco ang “Papacy

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

The Good News

 50,476 total views

 50,476 total views Madalas ito ang ating hinahanap… ang mabuting balita, pero tila hindi pa rin natin ito natatagpuan. Bakit napakailap nating matagpuan, makita o kaya

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Trend

 51,740 total views

 51,740 total views NAUUSO, SIKAT… Anong Ganap?…Mula sa lifestyle…sa pananamit, sa pisikal na porma…mga gawain ng idolong IDOL group, mga artista., mga personalidad… pinag-uusapan sa barber

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Maiingay na lata

 52,974 total views

 52,974 total views Mga Kapanalig, nang arestuhin si dating Pangulong Duterte para humarap sa International Criminal Court (o ICC), bumuhos sa social media ang iba’t ibang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Edukasyon at kahirapan

 53,199 total views

 53,199 total views Mga Kapanalig, masaya ang administrasyong Marcos Jr na mahigit 90% ng mga Pilipino ang marunong magbasa, magsulat, at magbilang. Ito ang lumabas sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pasko ng Muling Pagkabuhay at eleksyon

 45,901 total views

 45,901 total views Mga Kapanalig, maligaya at mapayapang Pasko ng Muling Pagkabuhay ni Hesus! Wika nga sa Mateo 28:6, “Wala siya [sa libingan], nabuhay Siyang muli.”

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Itigil ang pambabastos sa kababaihan

 81,446 total views

 81,446 total views Mga Kapanalig, kabi-kabila ngayon ang naririnig nating pambabastos sa kababaihan sa pangangampanya ng mga pulitiko. Parang angkop na tawagin silang trapo—hindi dahil traditional

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Dignidad ng mga PWD

 90,322 total views

 90,322 total views Mga Kapanalig, paano natin tinatrato ang mga persons with disability (o PWDs) sa ating lipunan? Sa isang video na nag-viral kamakailan, isang babaeng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tungkulin sa pandaigdigang komunidad

 101,400 total views

 101,400 total views Mga Kapanalig, simula nang makulong si dating Pangulong Duterte sa The Hague, naging mulat na tayo sa ating mga obligasyon sa pandaigdigang larangan.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahinahunan

 123,809 total views

 123,809 total views Maging mahinahon… Pagtitimpi… mahabang pasensiya at pang-uunawa. Kapanalig ito ay isang hamon sa ating mamamayang Pilipino, sa ating sarili sa gitna ng kinaharap

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 142,527 total views

 142,527 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ghost students

 150,276 total views

 150,276 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top