Emergency Appeal, ilulunsad ng Caritas Internationalis

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 437 total reads

Maglulunsad ng Emergency Appeal ang buong confederation ng Caritas Internationalis para sa mga nasalanta ng Super Typhoon Lawin sa mga lalawigan ng Isabela at Cagayan maging sa Batanes na una ng sinalanta ng Typhoon Ferdie.

Ayon kay Jing Rey Henderson, senior communications officer ng NASSA-Caritas Philippines, dito maglalaan ang samahan ng emergency at life saving early recovery assistance at capacity building.

“Maglulunsad tayo ng emergency appeal sa buong confederation ng Caritas Internationalis kung saan dito maglalaan tayo ng emergency at life saving early recovery assistance sa Isabela at Cagayan at capacity building activities for Batanes, para maging mas resilient pa sila sa mga kalamidad pang darating at ngayon sa typhoon Lawin, eto ang ginagawa natin, now merun tayong 2 team doon (Northern Luzon) doing assessment, tinitingnan natin ang assessment until Friday para sa launching ng ating emergency appeal,” pahayag ni Henderson sa panayam ng Radyo Veritas.

Pahayag ni Henderson, nag design ang NASSA-Caritas Philippines ng emergency appeal na tatagal ng 6 hanggang 12 buwan upang matiyak na mapapakinabangan o may magandang resulta ang mga tulong sa mga komunidad.

“Nagde-design kami na emergency appeal would be running from 6 months to 1 year, kailangang matiyak na ang mga ibinigay nating tulong tama sa international standards kasi gusto nating ma-emphasize na may long lasting relations tayo sa mga community,” ayon pa kay Henderson.

Ang Caritas Internationalis confederation ay naghahanap ng pondo na gagastusin na pantulong sa mga nasasalanta ng kalamidad, ang pondo nito ay mula sa mga private donations gaya ng church collections, legacies, individual donor programmes, trust funds at corporate sponsorship habang may tulong din na nagmumula sa pamahalaan at international/multinational organizations.

Sa tuwing may kalamidad, umaapela ang mga Caritas members ng pondo para sa kanilang emergency work, pagliligtas ng buhay at pagbibigay ng kabuhayan.

Matatandang huling inilunsad ang Emergency Appeal ng Caritas Internationalis noong 2013 mula Enero hanggang Hunyo sa mga bansang may karahasan at tinamaan ng kalamidad gaya ng Central African Republic, Mozambique, Guatemala, Japan, Somalia, Pakistan, Madagascar, China, Syria, Lebanon, Myanmar at India.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 22,669 total reads

 22,669 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 109,376 total reads

 109,376 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 156,115 total reads

 156,115 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 203,987 total reads

 203,987 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 306,827 total reads

 306,827 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 312,131 total reads

 312,131 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 418,517 total reads

 418,517 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top