Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Ibalik ang pananaig ng batas

SHARE THE TRUTH

 181 total views

Mga Kapanalig, lumabas noong isang linggo ang report ng World Justice Project – Rule of Law para sa 2021 kung saan muling bumaba ang iskor ng ating bansa pagdating sa pananaig ng batas o rule of law. Sa ilalim ng pamumuno ni Presidente Duterte, bumaba sa pang-102 ang ating ranggo ngayong taon mula pang-51 noong 2015. Kabilang na rin tayo sa mga bansang may pinakamababang grado sa Asya.

Ang report ay batay sa survey na nilahukan ng mahigit 138,000 pamilya at 4,200 eksperto sa 139 bansa sa buong mundo. Nakakuha ng gradong 0.46 ang Pilipinas pagdating sa pananaig ng batas; 1 ang pinakamataas na grado. Ang kabuuang grado ay batay sa iba’t ibang aspeto ng pamamahala at pagpapatupad ng batas katulad ng paggalang sa mga karapatang pantao, maayos na sistemang pangkatarungan, at kawalan ng katiwalian.

Hindi sinang-ayunan ni Department of Justice Secretary Menardo Guevarra ang report. Aniya, patuloy na bumababa ang kriminalidad sa bansa, at bagamat hindi perpekto ang ating mga tagapagpatupad ng batas, patuloy naman silang naglilingkod. Naniniwala naman si University of Santo Tomas Political Science Professor Marlon Villarin na patuloy na bababa ang ating grado sa rule of law index hangga’t hindi nasosolusyunan ng pamahalaan ang mga isyu ng pang-aabuso sa pagpapatupad nito ng war on drugs. Batay sa 2020 report ng United Nations Office of the High Commissioner for Human Rights, nasa mahigit 8,000 na ang napapatay sa giyerang ito ng administrasyon. Sa katunayan, uumpisahan na ng International Criminal Court ang pag-iimbestiga nito sa mga kaso ng extra-judicial killings sa bansa.

Dumadagdag sa kawalan ng maayos na sistemang pangkatarungan ang pangingibabaw ng ehekutibo sa lehislatura at hudikatura o ang kawalan ng pantay na kapangyarihan ng mga sangay ng pamahalaan. Makikita natin ito sa tila pagiging sunud-sunuran ng mga miyembro ng dalawang sangay ng pamahalaan sa mga kagustuhan ng pangulo. Naaalala ba ninyo ang bantang sanlibong pisong badyet lang ang ibibigay sa Commission on Human Rights? Ang paglilibing sa diktador na si Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani? At ang pagpapasara sa ABS-CBN? Lahat ng ito ay may pagsang-ayon ng ating mga mambabatas at mga hukom sa Korte Suprema.

Sa isyu naman ng katiwalian, nariyan ang pag-alingasaw ng mga diumano’y pangungurakot ng ilang ahensya sa ponding dapat nakalaan sa pagtugon natin sa pandemya.

Naniniwala ang Simbahang susi ang rule of law sa pagkakaroon ng maayos na lipunan at buháy na demokrasya. Kinikilala ng ating Simbahan ang kahalagahan ng balanseng kapangyarihan ng mga sangay ng pamahalaan at ang responsibilidad ng bawat isa sa pagpapanagot sa mga kapantay nilang sangay. Kaugnay nito, binibigyang-diin ng ating mga katuruan ang importansya ng pananaig ng batas sa pamamagitan ng pagsigurong nasusunod ang mga batas at hindi ang interes ng mga nasa kapangyarihan. Ibig sabihin, dapat walang kinikilingan ang mga tagapagpatupad ng batas.

Sa huli, taumbayan ang dehado sa kawalan ng rule of law. Lahat tayo ay ninanakawan sa tuwing may katiwalian sa pamahalaan. Mahihirap ang higit na biktima ng karahasan at mga patayan. Dignidad natin ang nanganganib sa patuloy na pagsikil sa ating mga karapatang pantao, kabilang ang malayang pamamahayag. Samakatuwid, tungtungan ng katarungan at kapayapaan ang pananaig ng batas.

Mga Kapanalig, ayon nga sa Mga Kawikaan 29:2, “Kapag matuwid ang namamahala, bayan ay nagsasaya, ngunit tumatangis ang bayan kung ang pinuno ay masama.” Nawa’y patuloy tayong manawagan para sa pananaig ng batas sa ating bansa. Kaya naman, sa darating na eleksyon, maging mapanuri tayo sa mga ihahalal nating lider. Tanungin natin: pananaigin at paiiralin ba nila ang batas o tatangis ba ang bayan sa ilalim ng kanilang pamumuno?

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Green Transport

 13,297 total views

 13,297 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 19,270 total views

 19,270 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 25,025 total views

 25,025 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »

Responsableng kasiyahan

 32,288 total views

 32,288 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »

Kalidad ng pagtuturo

 40,272 total views

 40,272 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Green Transport

 13,298 total views

 13,298 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inclusive Education

 19,271 total views

 19,271 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sports at Kabataan

 25,026 total views

 25,026 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Responsableng kasiyahan

 32,289 total views

 32,289 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 40,273 total views

 40,273 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 35,973 total views

 35,973 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 47,977 total views

 47,977 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 56,019 total views

 56,019 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 47,576 total views

 47,576 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 46,001 total views

 46,001 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 47,787 total views

 47,787 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 44,712 total views

 44,712 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 59,026 total views

 59,026 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 62,716 total views

 62,716 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Brain drain

 61,319 total views

 61,319 total views Dahil nasa digital age na tayo ngayon, ang mga science-based at digital industries ang karaniwang nangunguna sa merkado. Dahil sa malaking pagbabago na ito, ang mga uri ng trabaho na kailangan sa job market ngayon ay kinakailangan mas maraming scientists, engineers, programmers, IT specialists, at ibang kaugnay na trabaho. Ayon nga sa UNESCO

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top