Maayos na pag-tugon sa force takeover ng Benguet Electric Cooperative,panawagan ng Obispo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,180 total reads

Nanawagan ng kahinahunan at pag-tugon si Baguio Bishop Victor Bendico sa biglaang pagpapalit ng pamamahala ng Benguet Electric Cooperative (BENECO).

Ayon sa mga kawani ng BENECO, ikatlo ng madaling araw noong Lunes nang sapilitang pasukin ng militar ang tanggapan kung saan sapilitan ikinandado ang mga entrance at exit points ng BENECO .

“I call for sobriety, calmness, and control of emotions in facing the BENECO issue. Along with others, i also denounce the ‘’forceful take over of the offices’’ of BENECO. I expect respect and civility, and refined manners in addressing concerns that beset us” ayon sa opisyal na pahayag ni Bishop Bendico.

Ikinalungkot rin ng obispo ang suliranin ng mga kawani ng BENECO na nataon din sa kalagayan ng mamamayang naapektuhan ng bagyong Maring.

Panawagan din ni Bishop Bendico ang pananalangin ng bawat isa para sa kinakaharap na suliranin ng kooperatiba.

Nagsimula ang suliranin ng BENECO nang itinalaga ng National Electrification Administration (NEA) si Anna Marie Rafael na dating Assistant Secretary ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) upang palitan si Melchor Licoben na kasalukuyang general manager ng kompanya.

Isinasagawa ang kilos protesta ng mga kawani at member-consumer-owners ng kooperitiba upang iparating ang pag-tutol sa sapilitang pagpapalit ng pamamahala ng kompanya.

Giit ng mga ‘consumer’ na mahalagang matiyak ang suplay ng kuryente matapos manalasa ang Bagyong Maring.

Ang BENECO ay itinatag noong october 1973 na pangunahing nagsusuplay ng kuryente sa lalawigan Benguet at ilang karatig lugar.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

THE LOST LESSONS

 32,185 total reads

 32,185 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

NAKAHANDA BA TAYO WHEN NATURE STRIKES

 82,550 total reads

 82,550 total reads Kapanalig, ang climate change ay hindi na isang banta. Ito ay kumakatok na sa ating mga pintuan, binabaha ang ating tahanan, sinisira ang

Read More »

Special treatment?

 215,432 total reads

 215,432 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Bayan bago banyaga

 300,815 total reads

 300,815 total reads Mga Kapanalig, nagsimula na ang 49th ASEAN Summit sa Pilipinas. Malinis na mga kalsada, maayos na paligid, at maaliwalas na tanawin ang sumalubong

Read More »

Magparehistro na para makaboto sa 2028!

 362,514 total reads

 362,514 total reads Mga Kapanalig, pwede nang magparehistro ang mga botante para sa 2028 national at local elections hanggang sa ika-30 ng Hulyo, 2027. Maaaring magparehistro

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top