Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Iba’t-ibang bahagi ng Pilipinas, dadalawin ng pilgrim relic ni St.Therese of the Child Jesus

SHARE THE TRUTH

 892 total views

Tiniyak ng National Organizing Committee ng pagdalaw ng relikya ni St. Therese of the Child Jesus na mabisita ang mga diyosesis sa bansa.

Ayon kay Military Ordinariate Bishop Oscar Jaime Florencio, chairperson ng komite ni St. Therese na maging gabay sa sangkatauhan sa paglalakbay tungo sa isang simbahang nakikinig at nagmamalasakit sa mamamayan.

“Kami po sa National Organizing Committee ay magsisikap na madala si St. Therese sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas upang lahat tayo, ang ating mga pamilya at pamayanan ay magkaroon ng pagkakataon na makaakay tungo sa isang synodal church,” mensahe ni Bishop Florencio.

Batid din ng obispo na magandang pagkakataon ang muling pagdalaw ng pilgrim relic ni St. Therese lalo’t ipinagdiriwang pa rin ng Pilipinas ang pasasalamat sa biyaya ng pananampalataya na tinanggap 500 taon ang nakalilipas.

Gayundin ang pasasalamat na unti-unting nakabangon ang lipunan sa epekto ng pandemya na umiral ng mahigit sa dalawang taon.

Matatandaang unang dumalaw sa bansa ang pilgrim relic noong 2000 at nasundan 2008, 2013 at 2018.

Tema sa pagdalaw ang ‘Lakbay Tayo St. Therese! Ka-Alagad, Kaibigan, Ka-Misyon!’ na magsisimula sa January 2, 2023 kasabay ng ika – 150 kapangakan ni St. Therese at magtatapos sa April 23, 2023 sa pagdiriwang ng ika – 100 beatification anniversary.

Una nang binuksan sa publiko ang national themesong writing competition para sa awiting gagamitin sa pilgrim relic sa pagtutulungan ng Military diocese at Jesuit Music Ministry na bumubuo sa National Organizing Committee.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Witch hunt?

 11,106 total views

 11,106 total views Mga Kapanalig, inihalintulad ni Senador Juan Miguel Zubiri sa “witch hunt” ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Para daw itong paghahanap

Read More »

Tahimik sa conflict of interest?

 25,066 total views

 25,066 total views Mga Kapanalig, itinanggi ni Senador Mark Villar ang mga akusasyong ginamit niya ang kanyang posisyon bilang dating kalihim ng Department of Public Works

Read More »

Bihag ng sugal

 42,218 total views

 42,218 total views Mga Kapanalig, tinalakay natin sa isang editoryal ang pagkabahala ng presidente ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (o CBCP) na si Kalookan

Read More »

kabaliwan

 92,639 total views

 92,639 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 108,559 total views

 108,559 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Mga educator, kinilala ni Pope Leo XIV

 16,249 total views

 16,249 total views Kinilala at pinasalamatan ni Pope Leo XIV ang mga nagatatrabaho sa larangan ng edukasyon sa patuloy na pagsasabuhay ng misyong hubugin at linangin

Read More »
Scroll to Top