Nasawi sa COVID 19 at nagdurusa sa mga karamdaman, ipinagdasal sa grand procession ng La Naval de Manila

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 591 total views

Pinaalalahanan ng mga Dominicano ang mananampalataya na patuloy gumagabay ang Birheng Maria sa ating paglalakbay.

Ito ang mensahe ni Santo Domingo Convent Prior Dominican priest Fr. Roger Quirao sa matagumpay na muling pagdaraos ng grand procession ng La Naval de Manila noong October 9.

Ipinaliwanag ni Fr. Quirao na ang Mahal na Birhen ang liwanag na gumagabay sa sangkatauhan tungo kay Hesus.

“Huwag nating kalimutan na patuloy tayong sasamahan ng Mahal na Ina sa ating pang-araw araw na paglalayag at pagharap sa bawat hamon ng buhay sapagkat siya ang talang nagbibigay ng liwanag sa ating daang tinatahak,” bahagi ng mensahe ni Fr. Quirao.

Matagumpay na idinaos ang prusisyon ng Mahal na Birhen ng Santo Rosaryo – La Naval de Manila kasama ang halos 30 mga imahe at santo ng simbahan makalipas ang dalawang taong pagpaliban bunsod ng COVID-19 pandemic.

Nagpasalamat ang mga Domikano sa mga deboto at lahat ng tumulong upang maisakatuparan ang maayos na prusisyon at pinuri ang pagsasabuhay ng mga Pilipino sa pagiging Pueblo Amante de Maria.

Dalangin ni Fr. Quirao ang patuloy na pamamagitan ng Mahal na Ina upang tulungan ang bawat tao na nahaharap sa matinding hamon na pinalala ng pandemya.

“Nawa’y patuloy tayong gabayan at ipamagitan ng Mahal na Ina sa ating Panginoong Hesus,” ani Fr. Quirao.

Tampok sa kapistahan ng La Naval de Manila ang paglunsad sa official logo bilang pagdiriwang sa ika – 50 anibersaryo ng pagiging patron ng Santo Rosaryo sa Quezon City na unang idineklara noong 1973 na pinagtibay ni Santo Papa, St. Pope Paul VI noong 1974.

Ang imahe ng Santo Rosaryo ng La Naval ang kauna-unahang ginawaran ng canonical coronation sa kautusan ni Pope Pius X noong 1906 na sinundan ng koronasyon sa taong 1907.

Bago matapos ang selebrasyon naglaan ng ilang segundong katahimikan ang mga deboto ng Mahal na Birhen ng Santo Rosaryo La Naval de Manila para ipanalangin ang mga nasawi sa pandemya gayundin ang patuloy na nagdurusa sa karamdaman at karahasan iba’t ibang panig ng mundo.

Batay sa kasaysayan hiniling ng Mahal na Birheng Maria kay St. Dominic – tagapagtatag ng Order of Preachers na dasalin ang santo rosaryo para sa kapayapaan at pagbubuklod ng bawat pamayanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 11,377 total views

 11,377 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

NUMBER’S GAME

 62,061 total views

 62,061 total views Kapanalig, ang nasaksihang natin na “tele-novela” sa Senado ay hindi pa tapos…ilang episode pa lamang ang ating napapanood. Abangan ang susunod na kabanata!

Read More »

BREAKDOWN OF MORALITY

 68,190 total views

 68,190 total views Kapanalig, sinabi sa Genesis 1:27 na “God created mankind in his image; In the image of God he created them; Male and female

Read More »

Konkretong paraiso?

 97,914 total views

 97,914 total views Mga Kapanalig, ano, para sa inyo, ang mukha ng progreso at kaunlaran? Kung pagbabatayan natin ang mga imprastrakturang itinatayo sa ngalan ng ”development”,

Read More »

SenateFlix

 116,355 total views

 116,355 total views Mga Kapanalig, hindi pa tapos ang tinaguriang SenateFlix. Marami pa ring nangyayari sa ating Senado. Sa latest episode, may iyakan at sumbatan na! 

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top