Iboto ang mga kandidatong makakalikasan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 735 total reads

Hinihimok ng Alyansa Tigil Mina ang mga Filipino na pag-isipan at piliing mabuti ang mga kandidatong nararapat ihalal bilang mga susunod na pinuno ng bansa na bibigyang-pansin ang kapakanan ng kalikasan.

Ayon kay ATM National Coordinator Jaybee Garganera, dapat nang paghandaan ng mga Filipino ang 2022 National and Local elections kung saan dapat mahalal ang mga kandidatong kasama sa plataporma ang pangangalaga at pagpapanatili sa mga likas na yaman ng bansa.

“We must be able to elect leaders who will preserve, protect and promote sustainable development and environmental protection, as enshrined in our 1987 Constitution,” pahayag ni Garganera.

Iginiit ni Garganera na ang kalikasan ang higit na naaapektuhan tuwing pinag-uusapan ang pagbuhay sa ekonomiya ng bansa lalo na ngayong umiiral ang krisis dulot ng COVID-19 pandemic.

Ang pagmimina ang isa sa mga isinasaalang-alang ng pamahalaan na malaki ang maiaambag upang mapabilis ang pagbangon ng ekonomiya ng bansa.

Binigyan diin ng ATM na taliwas ito dahil lalo lamang magdudulot ng paghihirap at pagdurusa sa bansa at mamamayan sa paglipas ng panahon.

“At a time when we need to reduce deforestation and address permanent land-use change in our mountains, coastal areas and island ecosystems, prioritizing the mining industry is a misplaced track to deliver a just recovery for the Filipinos,” giit ni Garganera.

Matatandaang nitong Abril ng kasalukuyang taon nang lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Executive Order No. 130 na winakasan ang nine-year mining moratorium na pinangangambahang higit na magdudulot ng malawakang pinsala sa kalikasan.

Sang-ayon naman sa Laudato Si ng Kanyang Kabanalan Francisco, mariin nitong tinututulan ang industriya ng pagmimina dahil nag-iiwan lamang ito ng labis na pinsala sa mga komunidad at nakadaragdag sa labis pang paghihirap ng mamamayan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 100,663 total reads

 100,663 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 177,493 total reads

 177,493 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 210,941 total reads

 210,941 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 246,241 total reads

 246,241 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 468,896 total reads

 468,896 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 158,428 total reads

 158,428 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top