8,310 total views
Umapela ang Ecumenical Institute for Labor Education and Research (EILER) sa mga botante ngayong 2025 Midterms election na isulong at piliin ang mga kandidatong may platapormang makakabuti sa sektor ng mga manggagawa.
Ayon ka EILER Officer-in-Charge Gene Rodriguez, ang apela ay upang mabigyang prayoridad naman ang sektor ng mga manggagawa.
“To secure workers’ rights, we must uphold and exercise our democratic rights. Vote for candidates who are committed to the legitimate interests of Filipino workers, the real drivers of our economy, we also urge the candidates to tackle raising wages to livable standards, as the Philippines remains one of the countries with lowest minimum wages,” ayon sa mensahe ni Rodriguez na ipinadala ng EILER sa Radio Veritas.
Natuklasan ng EILER sa kanilang pag-aaral na 62.7% ng mga manggagawang Pilipino ang nakakatanggap ng suweldong 378 hanggang 545-pesos lamang kada araw sa 17-magkakaibang rehiyon.
Higit itong mas mababa kumpara sa 645-pesos na minimum wage sa National Capital Region.
Pinayuhan ng EILER ang mga botante na ihalal ang mga kandidatong may pakialam sa kalagayan ng mga manggagawa at isulong ang 1,200-pesos na Family Living Wage.
“The lawmakers we are to elect must therefore commit themselves to a long-term pro-worker economic roadmap that must include financial and policy support for local producers and manufacturers and their protection from local and foreign monopolies,” bahagi pa ng menshae ni Rodridguez na ipinadala ng EILER sa Radio Veritas.