Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Curia officials sa Archdiocese of Manila, itinalaga ni Cardinal Advincula

SHARE THE TRUTH

 11,008 total views

Nagtalaga ang Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ng mga paring magiging katuwang sa pangangasiwa sa arkidiyosesis.

Nitong February 10 alinsunod sa diwa ng synodality ni Pope Francis at ang Traslacion Roadmap ng arkidiyosesis ay iniluklok ng cardinal ang ilang mga pari sa mga mahalagang posisyon sa curia ng arkidiyosesis.

Layunin ng hakbang na mapalakas pa ang misyon ng arkidiyosesis lalo na ang paggabay sa pastoral at espiritwal na pangangailangan sa mahigit tatlong milyong nasasakupan mula sa limang lunsod sa Metro Manila.

“In our ardent desire to make the offices of the Archdiocese of Manila more effective and responsive to the needs of the times, and cognizant of the maturity, prudence, integrity, and pastoral experience of the appointees, by the grace of God and the favor of the Apostolic See, His Eminence Jose F. Cardinal Advincula, Archbishop of Manila, issued the appointment of curia officials,” bahagi ng liham sirkular ng arkidiyosesis.

Kabilang sa mga itinalaga sina Fr. Reginald Malicdem bilang Vicar General at Moderator Curiae, Chancellor si Fr. Isiro Marinay, Vice Chancellor Fr. Carmelo Arada Jr. habang kasapi naman si Fr. Aldwin Ivan Gerolao.

Itinalaga rin si Fr.Gilbert Kabigting bilang Treasurer, Director ng Audit Department si Fr. Jeremiah Adviento habang si Msgr. Noly Que, LRMS naman ang mangangasiwa sa Properties and Administration Department.

Nagtalaga rin si Cardinal Advincula ng mga Episcopal Vicars sa bawat lungsod na sakop ng arkidiyosesis: Sa Manila si Msgr. Esteban Lo, LRMS; Fr. Roderick Castro sa Makati; Fr. Cesar Buhat sa Mandaluyong; Fr. Edgardo Coroza sa Pasay; at Fr. Michael Kalaw naman sa San Juan.

Vicar for Clergy si Fr. Rolando Garcia, JR., Fr. Jason Laguerta sa Traslacion Roadmap at Fr. Marina sa Chancery Matters.

Si Fr. Roy Bellen naman na kasalukuyang Vice President ng TV Maria at Radio Veritas ang Director ng Office of Communication habang si Fr. Jerome Secillano naman ang itinalagang tagapagsalita ng arkidiyosesis.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Labanan ang structures of sin

 18,067 total views

 18,067 total views Mga Kapanalig, “bakit ako susuko?”  Ito ang pinakahuling pahayag ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa kaugnay ng posibleng pag-aresto sa kanya ng International

Read More »

Huwag palawakin ang agwat

 29,045 total views

 29,045 total views Mga Kapanalig, gaya ng inaasahan, maraming tagasuporta ni dating Pangulong Duterte ang nagtipun-tipon sa kani-kanilang lugar para kundenahin ang pag-aresto at pagdadala sa

Read More »

Sementeryo ng mga buháy

 62,496 total views

 62,496 total views Mga Kapanalig, nasa kustodiya na ngayon ng International Criminal Court (o ICC) si dating Pangulong Duterte. Ilang araw lang pagkatapos siyang ilipad patungo

Read More »

Walang education crisis?

 82,817 total views

 82,817 total views Mga Kapanalig, itinanggi ng Palasyo ng Malacañang na may education crisis sa ating bansa. May isang contestant kasi sa isang noontime show na

Read More »

Hindi sagot ang pag-unfriend

 94,236 total views

 94,236 total views Mga Kapanalig, kumusta ang inyong mga social media feed nitong nakaraang linggo? Punô ba ito ng mga balita, opinyon, o kaya naman ay

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blogs

Scroll to Top