156 total views
Maaari nang mamili ng mga murang bilihin sa ika-26 na Caritas Manila Segunda Mana outlet sa Good Earth Plaza, Carriedo, Manila.
Ayon kay Caritas Manila executive director at Radio Veritas President Father Anton CT Pascual, nakatutulong ang binuksang charity store sa 5,000 libong scholars ng Youth Servant Leadership and Education Program o YSLEP ang social arm ng Archdiocese of Manila.
Inihayag ni Father Pascual na tugon rin sa Laudato Si ni Pope Francis ang mga kagamitan na patapon na ngunit maari pang gamitin na itinitinda sa Segunda Mana outlet.
Sa kasalukuyan ang Segunda Mana ay mayroon ng 1,000 benepisyaryo na ukay – ukay mula sa komunidad ng Baseco at Tondo, Manila na isa sa mga pinakamahihirap na lugar sa Metro Manila.
“Tayo po ay nag – aanyaya sa inyong lahat na dalawin ang ating ika – 26 na charity outlet ng Caritas Manila Segunda Mana donation in kind program. Dito sa 3rd floor ng Good Earth Plaza, Carriedo malapit sa Sta. Cruz Church. Andito ang donasyon ng iba’t ibang indibidwal at mga kumpanya na kung saan ang mapagbentahan nito ay itutulong natin sa mga kabataan na pinag – aaral ng YSLEP program ng Caritas Manila sa buong Pilipinas. At makatulong tayo sa mga ukay – ukay ng mga micro – entrepreneurs sa kanilang negosyo,” pahayag ni Father Pascual sa panayam ng Veritas Patrol.