Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pahalik sa Manto ng Birhen ng Antipolo muling ibabalik

SHARE THE TRUTH

 17,859 total views

Inanunsyo ni Antipolo Bishop Ruperto Santos na kasalukuyang Parish Priest ng International Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage na muling ibabalik ng dambana ang tradisyonal na pahalik sa manto ng Nuestra Señora de la Paz y Buen Viaje

Ito ang inihayag ng obispo makaraang ipagbawal sa publiko ang pahalik sa nakalipas na limang taon dahil sa pandemya.

Batid ni Bishop Santos na malaking bahagi sa pananampalatayang katoliko ang nakagawiang gawain ng mga deboto sa pagdalaw sa Mahal na Birhen ng Antipolo sapagkat ang manto ang sumasagisag ng makainang pagkalinga at pamamagitan ng Mahal na Ina tungo kay Hesus.

“In light of this, we are delighted to announce that after a period of interruption due to the pandemic, the cherished tradition of kissing the mantle of the Virgin Mary will resume at our beloved International Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage. This sacred practice, full of reverence and devotion, holds deep significance in our faith community…The act of kissing the mantle is an expression of love, trust, and hope,” bahagi ng mensahe ni Bishop Santos sa Radio Veritas.

Pinasalamatan ng obispo ang mga deboto sa pang-unawa nang suspendihin ang pahalik para sa kaligtasang pangkalusugan at pag-iingat laban sa lumaganap na COVID-19 noong 2020.

Muling isasagawa ang pahalik sa manto ng Mahal na Birhen ng Antipolo sa August 15, 2024 kasabay ng pagdiriwang ng Dakilang Kapistahan ng Pag-aakyat sa Langit kay Maria.

“Now, as we gradually return to normalcy, we invite you to once again approach the image of Our Lady, touch her mantle, and offer your prayers. Let this simple yet profound gesture strengthens our faith and deepen our connection with the Mother of God, as she offers courage and hope to unite ourselves more fully to Christ,” ani ng obispo.

Matutunghayan din ng mga deboto katabi ng imahe ng Mahal na Birhen ng Antipolo ang Golden Rose o Rosa d’ Oro na ipinagkaloob ni Pope Francis sa international shrine noong Pebrero bilang pinakamataas na pagkilala ng santo papa sa isang Marian image.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

CLIMATE CRISIS

 7,348 total views

 7,348 total views Nakakalungkot Kapanalig, tila hindi natin nauunawaan ang “climate crisis”, o nauunawaan man natin, wala lang tayong pakialam? Ito po ay sitwasyon na nagbabadya

Read More »

NUMERO

 18,831 total views

 18,831 total views Kawawang mga Pilipino, ganito lang tayo tinitingnan ng mga politiko sa panahon ng eleksyon, pagkatapos ng halalan… walang na tayong numero… wala na

Read More »

UNAWAIN AT MAGTIIS

 34,520 total views

 34,520 total views Kapanalig, anumang contingency plans ang gagawin ng pamahalaan sa “Edsa rehabilitation project” sa kalagitnaan ng buwan ng Hunyo, 2025, inaasahan na natin ang

Read More »

Tunay na boses ng kabataan

 35,306 total views

 35,306 total views Mga Kapanalig, hindi ipinroklama ang Duterte Youth bilang isa sa mga nanalong party-list groups sa nagdaang halalan. Halos dalawang milyon ang bumoto sa

Read More »

Anong solusyon sa edukasyon?

 45,099 total views

 45,099 total views Mga Kapanalig, tinuruan tayo ni Pope Benedict XVI sa kanyang liham na Caritas in Veritate na ang pag-unlad o development ay hindi nasusukat

Read More »

SPECIAL ANNOUNCEMENT

One Godly Vote
Simbahan at Halalan - Mid Term Election 2025
Click Here
Jubilee Pilgrimage
Veritas Eucharistic Advocate Pilgrimage
Click Here
Previous slide
Next slide

Related Story

Cultural
Norman Dequia

Mamamahayag, kinilala ng Obispo

 2,571 total views

 2,571 total views Mamamahayag, kinilala ng Obispo Kinilala ni Antipolo Bishop Ruperto Santos ang lahat ng mga naglilingkod sa larangan ng pamamahayag lalo na ang mga

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top