16,642 total views
Ito ang paalala ni Antipolo Bishop Ruperto Santos sa mga mag-aaral ng Our Lady of Peace School sa ginanap na Holy Spirit Mass hudyat ng pagbubukas sa academic year 2024 – 2025.
Ayon sa Obispo, dapat isa-isip ng mga estudyante na magbigay karangalan sa pamilya, sa sarili, sa kapwa at maging sa institusyon.
“My dearest students, as we begin our school year 2024-2025, let us bring honors to our parents, make our teachers happy and we will be hardworking and helpful to our classmates,” bahagi ng mensahe ni Bishop Santos.
Pinaalalahanan ni Bishop Santos na kasalukuyang School Director ng institusyon, na maging masigasig sa kanilang pag-aaral bilang pagpapahalaga sa pagsusumikap ng mga magulang at ng mga guro upang mahubog ang kanilang pagkatao at karunungan.
“There are no excuses not to go to school, not to study. It is because your parents are doing everything to send you to school, working so hard to sustain your studies. It is their achievement to see you at the stage receiving your diplomas…Your teachers, like you, are also studying, doing research and preparing their lesson-plans so that they can impart necessary knowledge as to inform and transform you to be better persons,” ani ng obispo.
Iginiit ng opisyal na dapat igalang ng mga estudyante ang mga magulang at mga guro sa pamamagitan ng pag-aaral ng mabuti, aktibong makibahagi sa mga gawain ng silid-aralan kabilang na ang mga takdang aralin na ibinibigay para mas mahubog ang kasanayan ng bawat bata.
Hinimok ni Bishop Santos ang mga kabataan na isabuhay ang pakikipagkapwa sa mga mag-aaral, guro at iba pang nakakasalamuha sa araw-araw.
“Inside the classrooms there will be common projects which will demand collaborative efforts. So, commit always yourselves and cooperate. Be always helpful. And avoid words and actions will offend someone. So, call them by their names. Don’t bully. Don’t brag around,” dagdag ni Bishop Santos.
Ginanap ang Holy Spirit Mass sa International Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage o Antipolo Cathedral nitong August 7, 2024 kung saan katuwang ng obispo si OLPS Chaplain Fr. Keith Buenaventura.
Dumalo rin sa pagtitipon ang mga kawani ng institusyon sa pangunguna ni OLPS School Head and Principal Sr. Anabel de la Cruz, SPC at komunidad ng OLPS na may humigit kumulang sa 2, 800 estudyante.