17,672 total views
Inanunsyo ni Antipolo Bishop Ruperto Santos na kasalukuyang Parish Priest ng International Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage na muling ibabalik ng dambana ang tradisyonal na pahalik sa manto ng Nuestra Señora de la Paz y Buen Viaje
Ito ang inihayag ng obispo makaraang ipagbawal sa publiko ang pahalik sa nakalipas na limang taon dahil sa pandemya.
Batid ni Bishop Santos na malaking bahagi sa pananampalatayang katoliko ang nakagawiang gawain ng mga deboto sa pagdalaw sa Mahal na Birhen ng Antipolo sapagkat ang manto ang sumasagisag ng makainang pagkalinga at pamamagitan ng Mahal na Ina tungo kay Hesus.
“In light of this, we are delighted to announce that after a period of interruption due to the pandemic, the cherished tradition of kissing the mantle of the Virgin Mary will resume at our beloved International Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage. This sacred practice, full of reverence and devotion, holds deep significance in our faith community…The act of kissing the mantle is an expression of love, trust, and hope,” bahagi ng mensahe ni Bishop Santos sa Radio Veritas.
Pinasalamatan ng obispo ang mga deboto sa pang-unawa nang suspendihin ang pahalik para sa kaligtasang pangkalusugan at pag-iingat laban sa lumaganap na COVID-19 noong 2020.
Muling isasagawa ang pahalik sa manto ng Mahal na Birhen ng Antipolo sa August 15, 2024 kasabay ng pagdiriwang ng Dakilang Kapistahan ng Pag-aakyat sa Langit kay Maria.
“Now, as we gradually return to normalcy, we invite you to once again approach the image of Our Lady, touch her mantle, and offer your prayers. Let this simple yet profound gesture strengthens our faith and deepen our connection with the Mother of God, as she offers courage and hope to unite ourselves more fully to Christ,” ani ng obispo.
Matutunghayan din ng mga deboto katabi ng imahe ng Mahal na Birhen ng Antipolo ang Golden Rose o Rosa d’ Oro na ipinagkaloob ni Pope Francis sa international shrine noong Pebrero bilang pinakamataas na pagkilala ng santo papa sa isang Marian image.