91,066 total views
CLIMATE CHANGE, ang epekto at panganib na dala nito ay hindi na isang babala kundi isang “distress call” na sa lahat ng tao sa mundo.
Kapanalig, nawa habang tayo ay naghahanda at nagagalak sa pagdating ng ating panginoong Hesus ngayong Advent season… maging mabuti din sana tayong tagapangalaga ng sangnilikha.
Base sa pag-aaral ng World Weather Attribution na binubuo ng 12 researchers at scientists mula sa mga unibersidad at meteorological agencies sa Pilipinas, The Netherlands,Sweden at United Kingdom,, 25-porsiyento na makakaranas ang Pilipinas ng 3-malalakas na bagyo kada taon dahil sa “climate change” o nagbabagong klima.
Tinukoy sa pag-aaral ang anim (6) tropical cyclones na tumama sa Pilipinas kung saan apat dito…bagyong Ofel at Leon na category 3 habang ang bagyong Pepito at Marce ay category 4 na labis ang iniwang pinsala sa mamamayan, kabuhayan at imprastrakura.. Ikinabahala din sa pag-aaral ang pagkabuo ng apat na bagyo sa Pacific ng sabay-sabay sa nakalipas na buwan ng Nobyembre 2024 na kauna-unahang nangyari simula ng magkaroon nito noong 1951.
Sa isang Zoom press conference, inihayag ni Imperial College of London Centre for Environmental Policy Researcher Ben Clarke na dadami ang bilang ng mga malalakas na bagyo na tatami sa Pilipinas sa susunod na taon at susunod pang taon sa patuloy na pagbabago ng klima o pagtaas ng temperature ng mundo.
Sinabi ni Clarke na ang Pilipinas bilang “archipelago” ay dumaranas ng pagtaas ng sea level na tatlong (3) beses na mas mabilis sa global average na nagdudulot ng malalakas na storm surges at mas matinding buhos ng ulan na dahilan naman ng pagbaha at pagguho ng lupa o landslides… Banta din sa darating na summer 2025 sa Pilipinas ang matinding “heatwaves” matapos maitala sa 1.3 degrees Celsius ang climate warning. Ibinabala din ng mga eksperto na kapag umabot sa 2-degrees Celsius ang temperatura na inaasahang magaganap sa 2040 o 2050 at patuloy ang pagsusunog ng fossil fuels ay lalong dadalas na mararanasan ng Pilipinas ang malalakas at mapipinsalang bagyo.
Kapanalig, handa na ba tayo sa hindi maiiwasang sakuna na dulot ng climate change?
Dahil sa panganib, inirekomenda ng mga nagsagawa ng pag-aaral sa gobyerno, mamamayan at lahat ng sektor sa Pilipinas na paigtingin at palakasin ang paghahanda sa inaasahang malalakas na bagyong tatami sa bansa sa susunod na taon at susunod pang taon.
Sa 184-pahinang encyclical letter na “Laudato Si ni Pope Francis” nakasaad ang mga katanungan ng Santo Papa “What kind of world do we want to leave to those who come after us, to children who are now growing up?”(160). “This question does not have to do with the environment alone and in isolation; the issue cannot be approached piece-meal”. This leads us to ask ourselves about the meaning of existence and its values at the base of social life: “What is the purpose of our life in this world? Why are we here? What is the goal of our work and all our efforts? What need does the earth have of us?” Unless we struggle with these deeper issues — says the Pope — I do not believe that our concern for ecology will produce significant results”.
Kapanalig, bahagi tayo sa nagaganap na climate crisis… kasama din tayo dapat sa mga tutugon upang maibsan kundi man mapigilan ang delubyong hatid ng nagbabagong klima ng mundo.
Sumainyo ang Katotohanan.