Inklusibong Imprastraktura

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 983 total reads

Kapanalig, ang imprastraktura ay mahalaga sa pag-unlad ng bansa. Ito ay ang mga batayang pisikal na struktura at pasilidad gaya ng mga gusali, kalsada, at tulay, na kailangan ng lipunan. Bahagi ito ng building blocks ng ating pag-unlad.

Sa ating bansa, mahalaga ang maayos na imprastuktura. Nakita natin ang epekto ng kakulangan nito ng hindi makahabol ang lawak at dami ng mga kalye sa dami rin ng mga tao at behikulong nagkukumpol sa ating mga pangunahing kalsada. Nagkabuhol-buhol ang trapiko, at ayon sa isang pag-aaral, magdudulot ito ng anim na bilyong traffic costs kada araw pagdating ng 2030 kung walang magbabago. Kaya nga’t tyempo talaga ang Build Build Build Program ng bansa.

Mainam na rin kapanalig, lalo na patapos ang rehimeng Duterte, na tingnan natin kung paano pa mas mapapaganda at mapapalawak ang naumpisahan ng mga nakalipas at kasalukuyang administrasyon. Tuloy tuloy dapat ang progress, kapanalig, pagdating sa imprastraktura.

Isa sa mga dapat pag-tuunan natin ng pansin kapanalig ay ang pagiging inklusibo at maka-kalikasan ng ating mga imprastraktura. Kadalasan, gawa tayo ng gawa ng mga kalsada na karaniwan ay may mga sasakyan at may-ari nito lamang ang nakikinabang. Maliban sa nagdudulot ito ng noise at air pollution, pina-pasikip din nito ang ating mga lansangan, habang iniitsa-pwera ang mga naglalakad lamang. Nararapat din na tayo ay magbigay ng mas malaking puwang para sa mga pedestrians at bikers. Gawin din nating kaaya-aya at ligtas ang ating mga lansangan para sa kanila.

Isa pa nating kailangang bigyang atensyon ay ang pagpapalawig ng imprastraktura sa ating mga lalawigan. Mas kailangan ito ng mga nasa bayan-bayan at kanayunan ng ating bansa upang mas maabot ng marami ang mga batayang serbisyo ng bayan pati na ang mga oportunidad na nagbubukas ngayon sa iba’t ibang merkado. Marami ng pag-aaral ang nagpapakita sa atin na kapag maayos ang rural infrastructure, mas bumubuti ang agricultural productivity.

Kasama rin sa imprastraktura kapanalig, ay ang digital connection ng ating bayan. Hindi natin maitatanggi na ang internet ay bahagi na ng ating buhay, at ang kawalan ng access nito ay kawalan din ng access sa mga batayang serbisyo gaya ng edukasyon, kalusugan, at maging sa oportunidad para sa trabaho. Malayo pa ang kailangan nating bunuin.

Kapanalig, ayon sa Catholic Social Teachings, mula sa Evangelium Vitae, niyayakag tayo ng Espiritu Santo na maging “attentive” o mapagmalasakit  sa kapwa. Kailangan natin isaalang- alang hindi lamang ang nakakabubuti sa atin, kundi ang nakakabubuti sa lahat, lalo na sa maralita.  Maari nating maipakita ang pakikiisa na ito sa paniniguro na ang ating imprastraktura ay tunay na para sa ikabubuti ng lahat.

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

THE LOST LESSONS

 26,647 total reads

 26,647 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

NAKAHANDA BA TAYO WHEN NATURE STRIKES

 77,012 total reads

 77,012 total reads Kapanalig, ang climate change ay hindi na isang banta. Ito ay kumakatok na sa ating mga pintuan, binabaha ang ating tahanan, sinisira ang

Read More »

Special treatment?

 210,204 total reads

 210,204 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Bayan bago banyaga

 295,586 total reads

 295,586 total reads Mga Kapanalig, nagsimula na ang 49th ASEAN Summit sa Pilipinas. Malinis na mga kalsada, maayos na paligid, at maaliwalas na tanawin ang sumalubong

Read More »

Magparehistro na para makaboto sa 2028!

 357,725 total reads

 357,725 total reads Mga Kapanalig, pwede nang magparehistro ang mga botante para sa 2028 national at local elections hanggang sa ika-30 ng Hulyo, 2027. Maaaring magparehistro

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

THE LOST LESSONS

 26,648 total reads

 26,648 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

NAKAHANDA BA TAYO WHEN NATURE STRIKES

 77,013 total reads

 77,013 total reads Kapanalig, ang climate change ay hindi na isang banta. Ito ay kumakatok na sa ating mga pintuan, binabaha ang ating tahanan, sinisira ang

Read More »

Special treatment?

 210,205 total reads

 210,205 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Bayan bago banyaga

 295,587 total reads

 295,587 total reads Mga Kapanalig, nagsimula na ang 49th ASEAN Summit sa Pilipinas. Malinis na mga kalsada, maayos na paligid, at maaliwalas na tanawin ang sumalubong

Read More »
Scroll to Top