Diocesan Pastoral Assembly 3 ng Diocese of Legazpi, magtatapos ngayong Nobyembre

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 876 total views

Magtatapos ngayong Nobyembre ang year-long journey ng Diocesan Pastoral Assembly ng Diyosesis ng Legazpi.

Ayon kay Bishop Joel Baylon malaki ang maitutulong ng pagpupulong ng mga parokya at maliliit na komunidad para sa isasagawang pre-synodal consultations na bahagi ng Synod of Bishops on Synodality.

“These sessions will be a great way to integrate our Diocesan Pastoral Assembly 3 journey with the desire of the Holy Father for a Church of communion, participation and mission,” bahagi ng diocesan circular ni Bishop Baylon.

Itinakda naman sa January 2022 ang pagpupulong ng diocese at parish communities para sa Synod on Synodality matapos makompleto ang proseso ng resulta sa Diocesan Pastoral Assembly.

Pangangasiwaan ni Msgr. Crispin Bernarte Jr. ang pagtitipon sa November 19 na magsisimula sa alas otso ng umaga at magtatapos sa Banal na Misa sa alas dos ng hapon na pangungunahan ni Bishop Baylon.

Dahil sa pananatili ng banta ng pandemya limitado lamang ang maaring makakadalo ng pisikal habang hinimok ang mananampalataya na makiisa online sa pamamagitan ng Zoom app habang sabayang mapapanuod sa Facebook page ng diyosesis, Veritas TV at Radyo Veritas Legazpi.

“Our Pastoral Assistance Research and Development Secretariat (PARDS) will reach out to parishes and communities to ensure smooth coordination and active participation in using this mix of conventional and new media,” dagdag ng pahayag.

Hiling ni Bishop Baylon sa mananampalataya ang patuloy na panalangin sa tulong ng Ina, Nuestra Senora de Salvacion para sa ikatatagumpay ng ikatlong Diocesan Pastoral Assembly, ang pagdiriwang ng 500 Years of Christianity ng bansa at ang Synod on Synodality ng simbahan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga bisyong tayo rin ang may gawa

 13,599 total views

 13,599 total views Mga Kapanalig, nanawagan kamakailan ang grupong TobaccoOFF Now! na tuluyan nang ipagbawal ang mga vapes at e-cigarettes. Ang TobaccoOFF Now! ay binubuo ng

Read More »

Papalayô sa tunay na demokrasya

 42,163 total views

 42,163 total views Mga Kapanalig, patuloy ang gulo sa Senado, isang institusyong inaasahan nating kumakatawan sa ating mga hangarin at tumutugon sa ating mga pangangailangan.  Noong

Read More »

BAKIT BIGO ANG K-12?

 92,177 total views

 92,177 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 87,598 total views

 87,598 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 122,105 total views

 122,105 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top