Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Inuusig na Obispo at Pari, suportado ng mga layko

SHARE THE TRUTH

 328 total views

Panalangin ng sambayanan ang mabisang sandata ng mga obispo at pari ng Simbahang Katolika na nahaharap sa pang-uusig dulot na rin ng mga maling paratang.

Ayon kay Marita Wasan, pangulo ng Sangguniang Layko ng Pilipinas walang basehan at walang katotohanan ang kasong sedition at cyber libel na isinampa ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) laban sa mga lingkod ng simbahan at ilang miyembro ng oposisyon na kilalang mga kritiko ng administrasyong Duterte.

“We as Sangguniang Layko ng Pilipinas, tayong lahat na miyembro ng Layko, yung mga nabinyagan at nakumpilan ay dapat na ipinapahayag ang ating pagtutol kasi wala itong katotohanan at walang basehan. This is persecution of the Church and we know that,” ayon sa pahayag ni Wasan sa panayam ng Radio Veritas.

Iginiit ni Wasan na kasama ang Sangguniang Layko sa mga nakikiisa sa pagbibigay ng suporta sa mga inuusig na obispo at pari.

Binigyan diin ni Wasan na ang mga inaakusahang lider ng simbahan ay walang hangarin kundi ang bigyang gabay at tulungan ang mga walang tinig sa lipunan lalu ang mga biktima ng War against Drugs ng pamahalaan.

“We need to help our shepherds. We need to support our priests, and our leaders. Nananawagan ako sa mga Layko sa ating bansa, hindi lang dito sa Metro Manila, Luzon, Visayas, Mindanao, pagdasal po natin ang ating mga Obispo dahil oppression na po ito ng ating karapatan bilang tao,” ayon pa sa panawagan ni Wasan.

Tiwala si Wasan na sa pamamagitan ng patuloy at sama-samang panalangin ng mamamayan ay manaig ang katotohanan at katarungan laban sa mga maling paratang.

Kabilang sa mga isinasangkot sa kaso sina Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas, Kalookan Bishop Pablo Virgilio David, Cubao bishop Honesto Ongtioco,Novaliches Bishop-emeritus Teodoro Bacani Jr., Fr. Albert Alejo, Fr. Robert Reyes at Fr. Flaviano Villanueva.

Una nang minungkahi ni Bontoc-Lagawe Bishop Valentin Dimoc na mag-organisa ng sabayang pagdarasal para sa mga obispo ng simbahang katolika na nahaharap sa kasong sedisyon.

Read: Time to respond!
CBCP, ipinagtanggol ang mga Obispo at Paring isinasangkot sa sedition case

Ayon kay Marita Wasan, ang pagdarasal ay payapang pagkilos at makapangyarihang sandata ng mamamayan laban sa mga mapang-usig.

Umaasa naman si Wasan na mananaig ang katotohanan sa kasong iniuugnay sa mga obispo at tiniyak na mangingibabaw ang katarungan.

Nagpahayag din ng suporta sa mga opisyal ng simbahan ang Couples for Christ-Foundation for Family and Life.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 34,653 total views

 34,653 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 45,783 total views

 45,783 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

50-PESOS WAGE HIKE

 71,144 total views

 71,144 total views 50-pisong dagdag sa arawang sahod ng mga minimum wage earners. Dapat bang matuwa ang mga manggagawang Pilipino lalu sa National Capital Region? Sa

Read More »

PRIVATIZATION

 81,527 total views

 81,527 total views Kapag palpak ang pagpapatakbo ng gobyerno at ahensiya nito sa isang public services., dahil sa kakulangan ng kakayahan., korapsyon… ang solusyon, (privatization)… isapribado

Read More »

BICAM OPEN TO PUBLIC

 102,378 total views

 102,378 total views Napakagandang hangarin at mithiin., maisakatuparan naman kaya ito? Kapanalig, ang bicameral conference committee ay binubuo ng mga mambabatas mula sa mataas at mababang

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Reyn Letran - Ibañez

SLP, pinaghahandaan ang ika-75 anibersaryo

 6,133 total views

 6,133 total views Pinaghahandaan na ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas ang pagdiriwang sa ika-75 anibersaryo nito sa darating na Oktubre, 2025. Ayon kay LAIKO National President

Read More »

RELATED ARTICLES

Bank Secrecy Law, pina-aamyendahan

 1,284 total views

 1,284 total views Isinusulong ni Leyte 1st District Representative at dating House Speaker Martin Romualdez ang House Bill No. 7 na naglalayong amyendahan ang Bank Secrecy

Read More »

50-pesos na wage hike, binatikos

 21,597 total views

 21,597 total views Nilinaw ni Kamanggagawa Partylist Representative Elijah San Fernando na hindi dapat ikatwiran ang maliliit na negosyo upang hadlangan ang isinusulong na legislated wage

Read More »
Scroll to Top