Bikoy, tinaguriang “fake news” ng Arsobispo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 541 total reads

Walang kredibilidad ang testigo na nagdadawit sa iba’t-ibang personalidad at ilang opisyal ng Simbahan sa planong destabilisasyon laban sa pamahalaan.

Ito ang reaksyon ni Archdiocese of Cagayan de Oro Archbishop Antonio Ledesma – Chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Mutual Relations sa pagkakasangkot ng mga lider ng Simbahan sa sedition case na isinampa ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG).

Binigyan diin ni Archbishop Ledesma na maituturing na “fake news” ang mga sinasabi ni Peter Joemel Peter Advincula alyas Bikoy dahil sa kawalan nito ng integridad bilang testigo ng PNP.

Iginiit din ng Arsobispo na dapat sundin ng PNP ang due process sa mga kasinungalingan ni Advincula.
“Well that is definitely parang fake news para sa akin sapagkat ang witness diyan is not credible himself, dapat nga we should really follow the due process na pakinggan din yung other side to it, alam din natin na maraming fabrication na mga charges ngayon among innocent people so dapat we should really follow the due process here at susundin din natin ang batas tungkol dito”. Pahayag ni Ledesma sa Radio Veritas

Kabilang sa 35-indibidwal na kinasuhan ng Sedition Case ng PNP-CIDG ay sina Vice President Leni Robredo at ilang mga opisyal ng Simbahan kabilang na sina CBCP Vice President at Caloocan Bishop Pablo Virgilio David, Former CBCP President at Lingayen Dagupan Archbishop Socrates Villegas, Novaliches Bishop-Emeritus Teodoro Bacani Jr., Cubao Bishop Honesto Ongtioco, Fr. Flaviano Villanueva, running priest Fr. Robert Reyes at Jesuit Priest na si Fr. Albert Alejo.

Si Advincula alyas Bikoy ang nasa likod ng Ang Totoong Narcolist video na nagdawit sa pangalan ng pamilya Duterte sa kalakaran ng droga na agad na binawi ang pahayag matapos buhayin ng PNP ang patong-patong nitong kaso.

Nauna na ring ipinagtanggol ni Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) President Davao Archbishop Romulo Valles ang ilang obispo at pari sa pagkakasangkot sa nasabing kaso at ipananalangin ang pag-iral ng katarungan at katotohanan sa lipunan.

Read: CBCP, ipinagtanggol ang mga Obispo at Paring isinasangkot sa sedition case

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 24,611 total reads

 24,611 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 61,108 total reads

 61,108 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 287,378 total reads

 287,378 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 180,845 total reads

 180,845 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 273,573 total reads

 273,573 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top