Tanggapin ang Panginoon at kapwa, hamon ni Kardinal Tagle sa mananampalataya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 802 total reads

Lubos ang pasasalamat ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa mga organizer, delegado, participants at partners sa matagumpay na pagdaraos ng Philippine Conference on New Evangelization sa University of Santo Tomas, Quadricentennial Pavilion.

Sa huling araw ng pagtitipon, nag-iwan ng hamon si Cardinal Tagle sa mga mananampalataya.

Hinimok nito ang bawat isa na malugod na tanggapin ang Panginoon, mga dayuhan at ang misyon ni Kristo.

Ayon kay Cardinal Tagle, ang pagtanggap sa salita ng Diyos ay magbubunga sa puso ng mga mananampalataya upang matularan ang kanyang mga gawain.

Sa pamamagitan nito magagawa ng bawat isa na tanggapin maging ang mga estranghero, ang mga mahihirap at mga naisasantabi sa lipunan.

“You welcome strangers in the faith of welcoming God… Then you receive Jesus in the hungry, in the thirsty, in the naked, in the homeless, in the sick, in the prisoner.” pagninilay ni Cardinal Tagle.

Ayon kay Cardinal Tagle, sa gawaing ito ay nakikibahagi rin ang mga mananampalataya sa misyon, pagpapakasakit ng Panginoon at pag-aalay ng buhay sa Diyos at sa kapwa.

“To welcome Jesus, to welcome the Word of God also means welcoming a mission and welcoming the suffering.” Bahagi ng pagninilay ni Cardinal Tagle.

Samantala, nanawagan din ang Kardinal sa mga nakatatanda na tulad ng kanilang pagnanais na mapakinggan ng mga kabataan ay malugod ding tanggapin at pakinggang ang mga kabataan.

“Kalimitan gusto natin yung mga bata ang mag welcome sa ating salita, pero ngayon sinasabi ng mga bata, i-welcome nyo din kami sa aming mundo… as we urge young people to listen to our stories, may we invite you to also welcome the stories of the young.” Dagdag pa ni Cardinal Tagle.

Ngayong 2019 ang ika anim na taon ng pagsasagawa ng PCNE.

Tinatayang umabot sa 5-libo ang mga mananampalatayang nagtipon simula ika 18 hanggang 21 ng Hulyo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PLUNDER IN PLAIN SIGHT

 120,079 total reads

 120,079 total reads Kapanalig, bawat budget season, halos magkapareho lang ang script: public funds na lumolobo sa record high, bilyun-bilyong pisong pondo na sekretong itinatago sa

Read More »

Usapang klima

 257,483 total reads

 257,483 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 373,259 total reads

 373,259 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 488,923 total reads

 488,923 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

IKAW PALA ANG MISYON NIYA SA LUPA

 47,197 total reads

 47,197 total reads Isang tula tungkol sa pag-ibig, pagkawala, at pananampalataya Bakit nga ba, Panginoon, sa dami ng taong maaari naming makilala, may mga pusong sa

Read More »

BAKIT LALAYO PA?

 76,732 total reads

 76,732 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 69,576 total reads

 69,576 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top