Ipadama sa kabataan ang tunay na diwa ng Pasko

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,060 total reads

Nagpaabot ng pagbati ang Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa mga mananampalataya sa pagdiriwang sa kapaskuhan at bagong taon.

Hinikayat ng Kardinal ang mga mananampalataya na pagnilayan kung ano ang mga bagay na maipapasa ng mga nakatatanda sa mga kabataan lalo na ngayong ipinagdiriwang din ng simbahan ang taon ng mga kabataan.

Naniniwala si Cardinal Tagle na ang bawat pagdiriwang ng kapaskuhan ay para sa mga bata, dahil dito, umaasa siya na bukod sa edukasyon, at maayos na buhay ay maipamamana din sa susunod na henerasyon ang maalab na pananampalatayang Katoliko.

Giit niya, higit sa anumang regalo, ang biyaya ng pananampalataya ay kailan man hindi masisira, mabubulok, o mawawala, bagkus ito aniya ang magpapanatili ng diwa ng pagkabata sa puso ng bawat isa.

“Lagi nating sinasabi, ang pasko ay para sa mga bata, lagi rin nating sinasabi na ang kinabukasan, bawat taon ay para sa mga kabataan, kaya sa paskong ito at bagong taon, atin pong tutukan ano nga ba ang ating ipinamamana sa ating mga kabataan? sana bukod sa edukasyon, sana bukod sa maayos na buhay, sana ipamana natin si Hesus, ang ating pananampalataya sa kan’ya, yan po ang hindi inaamag, hindi binubukbok, hindi nasisirang regalo, at yan po ang magpapabata sa kanila.” pahayag ni Cardinal Tagle sa Radyo Veritas.

Kaugnay dito, inanyayahan ni Cardinal Tagle ang bawat isa lalo na ang mga nakatatanda na ngayong pasko at bagong taon ay makipagdiwang ang mga ito sa mga kabataan, makisaya, at tuklasin ang sigla ng mga kabataang katoliko.

Ang Year Youth ang ikapito sa mga temang inilahad ng Catholic Bishops Conference of the Philippines, upang maihanda ang mga mananampalataya sa nalalapit na pagdiriwang ng ika-500 taon ng Kristiyanismo sa Pilipinas.

Tema sa taon ng mga kabataan ang “Filipino Youth in Mission: Beloved, Gifted, Empowered.

Samantala, tinatayang umaabot naman sa 20 porsyento ng kabuuang populasyon ng mga katoliko sa Pilipinas, ay mga kabataan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 46,014 total reads

 46,014 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 125,843 total reads

 125,843 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 159,290 total reads

 159,290 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 194,588 total reads

 194,588 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 419,360 total reads

 419,360 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

BAKIT LALAYO PA?

 37,553 total reads

 37,553 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 30,442 total reads

 30,442 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top