Gawing payapa ang gabi na ligtas mula sa karahasan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 626 total reads

Magiging banal ang pinakamadilim na gabi kung sisilay ang liwanag na nanggagaling sa wagas na pag-ibig.

Ito ang bahagi ng pagninilay ng Kaniyang Kabunyian Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa pagdiriwang ng banal na Misa para sa Pasko ng Pagsilang ni Hesus na Manunubos ng sanlibutan.

Ayon sa Cardinal, may ilang sinasamantala ang pagiging tahimik ng gabi upang makagagawa ng kasalanan, at makapaghasik ng karahasan sa lipunan.

“Maraming gabi ang tahimik, kasi maraming krimen, maraming kalokohan, maraming kasamaan ang pinaplano at ginagawa kapag gabi at ginagawa ng tahimik,” bahagi ng pagninilay ni Cardinal Tagle.

Giit ng Cardinal na ang ganitong uri ng mga gabi ay hindi matatawag na Banal ang gabi tulad ng pagdating ng anak ng Diyos sa sabsaban kung saan nagbubunyi ang mga anghel at tigib ng kabanalan ang sanlibutan dahil sa laganap na karahasan sa pamayanan.

Sa kasalukuyang panahon ayon kay Cardinal Tagle, ang pagiging tahimik ng gabi ay hindi na nangangahulugan ng kapayapaan at kabanalan sanhi ng iba’t ibang uri ng karahasan sa lipunan tulad ng mga pagpaslang, pananamantala at digmaan.

“Pero yung mga Silent Night na pinanatiling ‘silent’ para makagawa ng masama ay hindi Holy Night,” bahagi ng pagninilay ni Cardinal Tagle.

Paliwanag ng Arsobispo, marami sa mamamayan ang patuloy pinatatahimik ang gabi sa pagdurusa dahil sa pananakot at panggugulo ng masasamang tao.

Hamon ng Kardinal sa bawat mananampalataya na ipanumbalik ang pagiging Banal sa katahimikan ng gabi sa pamamagitan ng pagpapalaganap na wagas at dalisay na pag ibig sa kapwa.

Ang pagninilay ng Arsobispo ay kasabay ng paggunita sa ika – 200 anibersaryo ng tanyag na awiting ‘Silent Night’ na unang inawit ng isang pari sa Simbahan sa bansang Austria noong ika – 24 ng Disyembre 1818.

Ang awitin ay nilikha sa gitna ng pag-iral ng panahon ng kahirapan, panahon ng taggutom sa Europa at panahon ng kadiliman subalit ang ‘Silent Night’ ang nagbigay ng kapayapaan at pag-asa hindi lamang sa Europa kundi sa buong mundo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 44,840 total reads

 44,840 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 124,722 total reads

 124,722 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 158,169 total reads

 158,169 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 193,467 total reads

 193,467 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 418,276 total reads

 418,276 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top